USAPANG PANAGINIP
ACKNOWLEDGEMENTS:
halos isang linggo yata akong nawala sa sirkulasyon? tama ba? alam niyo naman ako, busy-busy-han. may work na eh. di na bum.
by the way, salamat nga pala sa mga nagkokomento rito. nararamdaman ko talagang kahit naa-outcast ako sa isang parte ng mundo ko, sa mundo ng Friendster, I do belong pa rin… salamat talaga. nararamdaman ko na mahalaga ako kasi pinapansin niyo yung mga kaartehan ko.
anyways, ang banat ko naman ngayon ay.. ito.
+++++++
isang umaga, nagising na lang ako na parang yung buto ko na lang talaga ang gumigising sa akin. yun bang parang hindi ka na inaantok ulit kapag bumangon ka sa higaan? alam niyo ba yung pakiramdam na yun?
ewan ko. parang gising na gising ako. wala namang dahilan.
pero alam niyo kasi, mayrong isang pangyayari na lagi kong napapanaginipan. iba-ibang lugar at kaanyuan pero iisa ang tema.
ganito lang naman:
lagi akong nasa isang lugar na madilim. isang lugar na abandonado.
…bodegang walang laman, na-demolish na malawak na lupain, warehouse na luma, bahay na walang tao… ganun. basta kahit anong walang laman. parang sa kawalan.
sa panaginip ko, laging black and white ang kulay. o mas maganda at mas defined… SEPIA. yung sa mga picture na luma. yung parang madilaw na brown na luma talaga. ganun ang kulay.
lagi akong tumatakbo sa panaginip ko. takbo nang takbo. alam ko na may humahabol sa akin.
multo, goons, taong hindi ko ma-imagine basta tao, malaking buwaya, malaking aso, adik, rapist… basta lahat ng creatures na pwedeng humabol sa akin.
takot na takot ako. at kapag makakahanap na ako ng point of exit…
2nd floor ng building na pwedeng talunin, mataas na lugar pero may hagdanan, mataas rin na lugar pero tatalon lang talaga ako at sa pagbagsak ko, tatakbo ulit ako, isang pasilyo na mas madilim pa sa madilim… basta kahit anong lugar na lalabasan ko…
…laging mayroong isang bagay na magiging dahilan para maudlot ang pagtakas ko.
may dala akong bag na sa hindi ko malamang kadahilanan, sobrang mahalaga at kailangan kong balikan; si dagul (oo, si dagul.. yung sa Goin’ Bulilit) dahil hindi ko siya pwedeng iwan, isasama ko pa siya at sa panaginip ko mabigat siya—- at dahilan siya para hindi na naman ako makatakas; ang kaibigan ko na hinihintay ko pang bumangon dahil nadapa siya… basta! lahat ng sagabal sa pagtakas ko.
hindi ko nga maintindihan eh.
at pagkatapos, magigising ako na hindi natapos ang pagtakas ko.
+++++
interpretation:
nakausap ko yung kaibigan ko. kinuwento ko sa kanya. ito ang sabi niya:
“alam mo kasi gurl (gurl talaga!) marami kang hino-hold back sa buhay mo. yung parang “SEPIA” na kulay, yun yung kulay na inire-represent ng sarili mo (siya nga! medyo madilim at wala talagang kulay ang tingin ko sa sarili ko.) malungkot ka. hindi ka masaya kasi imbes na intindihin mo yung sarili mong kasiyahan, iniisip mo pa yung ibang tao o ang sasabihin nila (nire-represent nung mga sagabal sa pagtakas ko… totoo nga.) hindi mo kasi hinahayaan na maging malaya ka. lagi kang may iniisip bago ka maging masaya. paulit-ulit mo yang mapapanaginipan hangga’t hindi mo nagagawa ang dapat mong gawin. ”
++++++
katakot. kasi totoo.
kaw, baka may panaginip ka na paulit-ulit?
try mo ‘tong site na ‘to:
HTTP://WWW.DREAMMOODS.COM
baka makatulong sa iyo.
+++++
HINDI PO AKO SI MADAM AURING.
ambisyosa lang. ![]()














Cool! astig ng kwento mo. kahit ganun yung story na pang ala madam auring maganda pa rin basahin. i guess writer ka or something o kaya hilig mo lang mag sulat.dati na akong nagsusulat sa pansarili ko lang. ako lang gumagawa at ako lang nagbabasa. kadalasan kasi after basahin ko ay tinatapon ko lang sa trash can. hindi ko lang ma feel at walang direction yung kwento. nagpadala na ako dati sa phil. true ghost stories, 15 yata yung kwento ko dun. hiningi naman sa akin yung pabor para ma publish pero hanggang ngayon hindi ko alam kung talagang na publish yun. sa probinsya pa kasi ako nun. hehehehe!
till here nalang. your story rock!
hi… i love ur creativity!!!! haha… ganda grabe… avid writer din ako eh, pero… may problem ako… i can’t help na magsulat really everything about me, me, me, me, me, me,… lagi na lang ako, ako, ako… kaya narealize ko na nagmumuka na akong egocentric…now i try to change… wala lang.. share lang un… suggestion lang, pero depende nmn un kung anong gusto mong isulat, then go! thats the freedom of expression… kip it up.. love it..
hi… I really love reading ur blogs. Nakaka-inspre ka namang gumawa ng blog,, and u know we share the same quality of holdng ourselves back. Lagi ko ring iniisp ‘yung sinasabi ng ibang tao kaya I can’t achieve my happiness.Kya I feel magkakasundo tayo… Hope maging close tau, haha..
hmmmmm.. well share ko lang po.. dreams are compose of three types, your past, ur present and ur future… well obviously part nga ng dream mo ung nangyayari sayo… i hope maging happy ka na.. stop escaping.. face it, para maging masaya ka na.. and be honest to your self.. waah opps eto na lang masasabi ko,, my home work pa kasi akong tatapusin..hehe..tc
i juZ waNt 2 say dat u dd very weL!!! hnd q bnsa lht kz itz 2 long peo ang gling…cOoL!!
aw. ako nanaginip ako dati paikot ikot daw ako sa yung parang bulkan . may bunganga pero dun ako sa pinakabunganga ng bulkan ako tumatakbo. tas bigla akong tatalon , pati sa totoong buhay tatalon akong nakahiga. tpos, magigising na ko..
translation ng inay kong magaling:
“tumangkad ka”
the end. galing.. haha.
——————————————-
cguru nga.. galing ng kaibigan mo ah. hehehe!
ngaun alam ko ng may silbi din pala ang sepia mode ng celfone..
kala q kasi pang tago lng ng tagyawat yun (gaya ng kinagawian)
nirerepresent din pala ang pagkamalabo ng kulay ng buhay mo.
try mo kumain ng sinabawang gulay idoL? yun ay payo ko lamang .. ^_^
ask ko lang if meron makapaginterpret ng dreams na ito:
1. habang naglalaba ako may nahuhulog sakin na mga pera (mga buo) and then malaya akong naglalaro at may kasama akong bata pero hindi ko alam kung sino.
2. Bumili ako ng scooter red pero mura ko lang nabili 6000 lang mabagal ang takbo pero bago pa naman malayo ang byinahe ko.
3. i dream na bigla nalang naging tatlo ang mata ko tapos hinanap ko ang lola ko at pinipilit ko siyang dalhin ako sa hospital at sumunod nung naging lima na ang mata ko (tatlong mata sa noo) papa ko naman ang nilapitan ko para itakbo ako sa hospital at may isang bata akong nakita ang sabi nya “ganyan din ang nangyari sken” mayroon siyang malaking mata sa noo.
4. Habang ako ay naglalakad papunta sa bahay ng kaibigan ko lumilipad ang isip ko para bang pabago bago kung san ako pu2nta at nang makarating na ako sa bahay nila may nakita akong nagniningas na kandila pero tama lang ang sindi hndi madaling maubos at hindi rin mahina ang apoy nagulat ako nung nakita ako ng mga kaibigan ko natakot sila sa akin at pagkatapos nun ang kasamahan ko naman sa trabaho sinusutsutan ako habang nagtatago siya at nang akin siyang makita may hawak din siyang kandila papunta sa akin at normal lang tapos bigla akong nagising nang lumipat ang pnaginip ko sa beach kame ng mga kaibigan ko nung makakita ako ng buhaya at tumakbo kame ng kaibigan ko un na nagising na ako.
Maraming salamat sa makakapag interpret.