PAHINTULUTAN NIYO SANA AKONG SABIHIN ITO: isang bukas na liham

panimula:

nagpapasalamat muli ako sa mga nadagdag na taga-BAsa ng blog ko (ang diin ay nasa ikatlong syllable). kulang lang din talaga ako sa salita para maipamalita sa inyo ang pasasalamat ko.

please read:

sana po, pahintulutan niyo akong magsalita sa ganitong paraan.

ang istorya:

kayang-kaya kong itago talaga. kayang-kaya kong magkunwari na hindi ako natutuwa pag nakikita kita, na hindi kita nami-miss pag wala ka, na hindi kita hinahanap pag di kita maramdaman. pero, ang mga kamay ko, hindi ko rin talaga kayang pigilan na isulat ang totoo kong nararamdaman para sa iyo.

akala ko dati: wala nang taong kukuha pang muli ng atensyon ko, wala nang taong hindi magpapatulog sa akin sa gabi pag naiisip ko, wala nang taong magpapangiti sa akin sa umaga tuwing maaalala ko, wala nang taong nagpapasaya sa akin kapag nalulungkot ako. mali pala ako. kasi, ikaw yun eh. (pucha, ngayon siguro na nagbabasa ka… ikaw na mambabasa… ikaw nga! nakokornihan ka na. wag kang mag-walk-out. intindihin mo ko. hirap kasing maging girl… huhuhuhu!!)

tuloy ang usapang kamaisan…

alam mo, sa totoo lang, alam ko naman na alam mo na may gusto ako sa iyo (sheeeeeetttt!! nahihirapan talaga akong tanggapin  ito sa sarili ko noon pa man! dito lang ako nagkalakas ng loob na masabi ang totoo kong nararamdaman kasi alam kong hindi ka nagbabasa ng blog! at ipinagdadasal ko talaga na mabasa na ito ng buong madlang earth, wag lang ikaw!)

pwede ko naman sabihin sa iyo nang tahasan na may gusto ako sa iyo. kasi natatakot ako na mawala ka; kagaya ng ibang lalaki na kapag nalalaman nila noon na may gusto ako sa kanila, hindi na nila ako pinapansin the following day (what’s wrong with me? hindi naman kasi sila syosyotain di ba? mukha bang aaswangin ko sila? mukha lang akong manyak pero ginagalang ko naman sila noon eh.)

going back…

ngayun, dabarkads naman tayo. masaya na ako doon. at least lagi kitang makakausap kung kailan ko gusto. kaya kong makiharap sa iyo nang hindi ako nag-aalinlangan (kaso, minsan, nahihiya talaga ako sa iyo. akalain mong nabuhay mo ang hiya sa dugo ko! napatunayan kong naging dormant lang talaga yung hiya ko sa balat ko. thank you! at i love you na rin… sana pahintulutan mo!)

alam mo, wala lang. masaya talaga ako at sa ngayon nakilala kita. inpacho (infatuation) lang naman ito, lagi naman kasi akong ganito basta may gusto akong tao (alangan naman sa aso, sa daga, o sa mosquito). pero alam mo, nag-wish ako sa shooting star, sabi ko sana magkasyota na ako. ang mali ko lang, dapat specific. so, para maging specific, sana ikaw! (pucha, kinikilig talaga ako habang tina-type ko ito. kaso silent lang. nasa computer-an kasi ako. behave lang! wahahaha!!)

OA na naman nga ako. lagi naman kasi akong ganito eh.. dami ko kasi masyadong phenylethylamine(like amphetamines; makes lovers feel euphoric and energized, giddy ) sa katawan pag naaalala kita. (ang hirap talagang aminin nito! sana talaga wag mo mabasa. di ko kakayanin pag sinabi mo sa akin na ayaw mo sa akin at mababasted na naman ako ng pang-50th time! Sakuragi, nasaan ka na?)

=+++++++++++++=

tama na nga ito.

babalik ako pag may masasabi na akong matino.

nababaliw kasi ako sa iyo eh.

panapos:

sa nagbabasa, alam mo na siguro kung ano ang tinutukoy ko.

secret lang natin ito ah? hindi ko rin naman siya pinangalanan.



20 Comments so far

  1.   maica on November 12th, 2007

    sana msabi u sknya kung ano tlga nar2mdamn moh pra sknya mhirap xe pag tintgo ang nra2mdamn eh.cge godbless!

  2.   -DeCh pUtReSkA- on November 12th, 2007

    … fRehAsZ fLaH tAoOh …

    … hRap tL6ah niAn …

    … 6od bLeSz …

    … tAk3 cR3 ….

  3.   Jang Geum on November 13th, 2007

    oi ate.. ok yan.. bsta wag ka mailang sa audience mo.. hehe.. preho kau ng friend ko ng blog
    (http://this-is-the-real-me.blogs.friendster.com/peculiar_point_of_view/)..
    pro yan siraulo.. kaw matino.. hehe..

    gudluck!

  4.   Ofelia on November 13th, 2007

    Ur a lady so behave as u r.He s ur friend so be it, but U hev a big infatuation to him ,then show him how u care and how U feel towards him but dont be too daring at flirt na s bagsak ay ayawan ka. Libre nmang iparamdam ang nararamdaman e, kaso nga lang hayaan mong xa ang magsabi nun sau na type k din nya yan kc ang Pinay e, lalaki ang nanliligaw.Pagnaipahiwatig mo n type mo xa at no effect,wla tlga hanggang fren lng tlga tingin sau at dun u nlng e treasure yan kaysa totally mwla xa sau.
    Good luck.

  5.   Paulo on November 13th, 2007

    astig!

  6.   joonee on November 13th, 2007

    Well one good thing about is your a filipina, You make me proud of being one… Asteeeeeeeeeg…!!!

    You have a Unique way of delivering a story, And the best part about it is the way your using our national language…

    Magaling ka sobra… You should be proud of yourself, Your A GREAT ARTIST…

    Most of your readers love the way you write, So just keep on doin’ it… Your on the hill girl…

    Tama yang gnagawa mo, Wag ka ppapekto sa mga Upal na mga Kurimaw na yan…

    GoodLuck!!!

  7.   Kirsten on November 13th, 2007

    well.. i dont know you.. but i understand your feelings… God Bless…

  8.   Wilson on November 14th, 2007

    Mag pakatotoo ka tell the truth.wag mo nang mahuli pa ang lahat lahat.god bless u.

  9.   Mark on November 14th, 2007

    magaling ang ginawa. Malaking tulong ng pagsulat upang maibuhos mo ang saloobin mo!

  10.   kathy on November 14th, 2007

    well over naman 50th time ka jan..gara pero nice ha..i think youll have the whole worlds eye on your blog (syempre pilipino lang) galing….kung ako sayo lasingin mo na…tsaka mo pagsamantalahan pero wag ka magiiwan ng ibedensya..deadma lang…hahahha..goodluck sa inyo…wait ko yung karugtong ha..

  11.   Gary Burton on November 14th, 2007

    pwede ka na maging direktor.
    sana mabasa ng “wish ko lang”
    o kaya “mel&Jay”, baka sakali makatulong sayo.

  12.   Merylyn on November 14th, 2007

    ang hirap umibig talaga pero isa lang ang masasabi ko, its better to love and lost than to never love at all.( at least hindi ka kasama sa never love at all di ba?)

  13.   khulet on November 15th, 2007

    nice^^,

  14.   Susan on November 15th, 2007

    hays!! sarap talaga ng feeling ng young love, ano? sayang nga lang at hindi mo maipahayag… dalagang pilipina kasi e..ngek-ngek!:-)
    pero kung ako ikaw, kahit di mo man sabihin, mapaparamdam mo pa rin–in subtle ways nga lng.lalo na kung friend mo siya. pero wala namang law na nagsasabi na bawal magka feelings para sa friend.
    gud luck na lang sau at sa friend mo..
    by the way, im one of your avid readers. i’d like to be your friend, bilib ako sa writing style mo..pa add naman o… sannee0529@yahoo.com
    thnx and more power!

    indulge in the feeling, iha. yuo,re only young once…:-)

  15.   john ernie on November 16th, 2007

    kamukha mo lang frend ko ……..hehehehehe.akala ko ay siya ….hhinde pala……..nice blog…

  16.   winifredo on November 16th, 2007

    lahat ng tao ay may kanya kanyang paraan pala mailabas ang kanyang saloobin.piro dapat alam mo kung ano ang gusto mo sa buhay at hindi ka dapat matakot.sana naman matagpoan mo na kung ano ang gusto mo…..good luck. lakas ng loob sabay eeeeyak…

  17.   vanessa on November 16th, 2007

    kaya mo yan!!! same tau ng kalagayan, kaya nga lng cnabi ko sa fren ko yung feelings q pra s knya. kung hindi mo n kya sbhn m na lng pra hnd ka na mhrpn pro i-clear m sa knya kung ano ba tlga ang gs2 mong mangyari…..
    so dats ol girl… gud luck!!! hope you can mke 8… god bless!!!

  18.   Lichelle on November 16th, 2007

    oi pam hataw blog mo ah! nafeature! hehehe! pwede ka tlga komedyante! bumenta sa kin love letter mo! ha3! oki ah dami din ngcocomment. Magaudition ka na kc sa PBB noh ng madiscover ka na! :D btw nde masyado halata e nilagay mo ba naman na pulis ang alias mo noh! :P

  19.   love francisco on December 15th, 2007

    go girl! if u luv him express it kaw din bka magsisi ka sa huli…mahirap yan kapag sumabog hehehehehe

  20.   Jhoysa on December 20th, 2007

    lam mo yan din problem ko… kung pano ko sasabihin sa kanya feelings…someone can help me????

Leave a Reply