MGA ALAALA MULA SA KAHON
ACKNOWLEDGMENTS:
nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagbibigay ng mga komento nila dito sa blog ko. salamat at binaasa niyo ang lahat ng mga kagaguhan na nilalagay ko rito. salamat sa mga papuri at sa mga kritisismo.. sa tips… sa wala… wala na,..
INTRODUCTION:
masyado yata akong natuwa sa mga huling komento na natanggap ko rito at medyo naging pambobo na naman ang mga naging ideya ko.. patawad naman…
naging matumal kasi ang pasok ng comments nitong undas… dala nga kaya ng undas kaya nag-take-a-break ang mga “feeling ko fans ko”? ahahaha!!! my bad… sorry..
nitong huli.. medyo hindi ko nabibigyan ng oras na mag-isip ang sarili ko. masyado na akong naging “lax”. araw-araw kasi, pare-pareho lang ang ginagawa ko.. ngayun nga hindi ko rin maintindihan ang pinagsasasabi ko.
~MGA ALAALA MULA SA KAHON~
noong isang linggo, parang di ko maintindihan kung ano yung naaamoy ko sa isang sulok ng bahay namin…
sniff… sniff… amoy patay na daga!
naitanong ko na lang sa sarili ko: “paa ko ba yun?”
hindi siguro.. buti na lang tama ako… patay na daga nga.
naisip kong oras na nga yata para maglinis ako sa mga sulok-sulok. sa totoo lang, ayoko talaga kasi nakakatamad mag-usog ng lahat ng mga kahon at mabahing sa dami ng alikabok at sumungkit ng isang bola ng buhok ng aso ko… pero ayun na nga. sige, simulan na ang giyera ng mites at germs! sama mo pa yung mga alupihan na kasing bilis ni Flash! at mga singsing-pari na parang kikay yung design nila pag bumibilog sila!
sinimulan ko ng buksan ang mga kahon… tapon dito.,.. tapos doon.. mga notebook at iba pang papel na sinira ng mga walanghiyang daga! mga durog-durog na piraso ng mga ewan ko kung ano nga ba yung mga fragments ng mani… ewan ko talaga.
tuloy ang kuwento.
sa dami ng tinapon ko, napukaw ang pansin ko ng isang notebook… mukhang bago pa ito.. ang pabalat, ayos na ayos pa. at walang gusot ang bawat kanto. at dahil naiinip ako sa ginagawa ko noon, tiningnan ko iyon, binuksan at nilipat-lipat ng pahina.
ah… notebook ko nung first year college ako. konti lang ang sinulat kong lecture. tamad talaga ako. chemistry notebook ko kasi yun. medyo hindi kasi ako trip ng subject eh.
sige, turn the pages pa…
habang lumalayo na ako, mayroon akong nakita na sinulat ko dati. akala ko nung una, steno kasi super pangit ng sulat ko.
kuwento na nabuo ko noong mawalan ako ng scholarship.. ginawa kong biro na naman kagaya ng nakagawian ko nang gawin kapag nalulungkot ako tapos isusulat ko yung istorya.
natatawa nga ako. naalaa ko yung mga kagaguhan ko nung college pa ako. hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi ko na ulit nabawi yung scholarship ko.
cutting-era kasi pala ako. at hindi mahilig mag-aral. ayun nga ang napala ko.
nalaman ko rin na napa-123 pa ako sa dyip sa sobrang lungkot ko. OA na maituturing kaso kasi talagang hindi naman kami mayaman talaga at kailangan ko talaga ang scholarship na yun.
tinawanan ko na lang. huli na rin naman kasi para magsisi pa ako para dun, di ba?
turn the pages uli…
ayun.. mga abstract drawing naman. mukha ng teacher ko na kamukha ni WHAMMY. ahahaha!!! mga caricature ng mga kaklase namin na kinakaasaran namin, mga drawing ng inimbento kong anime characters.. at yung iba, sulat na walang kuwenta. vandal sa sariling notebook.
nakakatawa talaga kapag binabalikan yung mga memories. mga kalokohan na kung iisipin ang korni talaga pero nakakatawa dahil di ko maisip na nagawa ko pala yun! di ko nga alam na halos nagbubuhay high school pa ako nung college pa ako.
ito ang isang example:
FLAMES
NAME NI CRUSH na PROF
at
NAME NG INYONG LINGKOD
result: E
to decode:
akalain mong nakukuha ko pang maniwala dun. asa pa ko! dapat may “B” dun eh… as in “basted”!
tapos, yung mga dialogue na ganito:
classmate: “kakatamad no?”
ako: “oo nga eh!”
“tara”
“saan?”
“sa canteen. kain na lang tayu”
“sige”
ayun, isang sem puro ganun. tumaba tuloy ako.
at naalala ko bigla na may eksena pang ganito dati:
teacher: Ms….. why do you keep on laughing? what’s funny?
ako: Ma’am, hindi po ako yun! ahahaha!!!
teacher: get out!
after 2 hours..
sa text: tol, san ka? hnp ka ni mam!
reply ko: sb nya, get out. uwi na ko. di nmn nia cnb get out of d rm, of d skul, o kaya out of d country.. umwi nq.
reply nia: ok. ingatz! ![]()
+++++++++++++
at ilang oras akong naglilinis?
apat na oras.
hahhhhchooo!














alam mo tol nmmis ko na rin yan life na ganyan.kso mas mtpang ka skin…kc tkot ako mgcutting class.pro tmad din ako mgsulat s notebook ko dati.hehehe
haiks… estudyante blues… ganyan tlaga ang life ng isang estudyante.. I believed that nobody graduated with out doing that “kagaguhan” na masasabi(kht pa nga mga teachers natin, ask mu sila…manwla ako) and even scholars did huh!!! oks lng mga un as long as no regrets after doing it… just do it well,hahaha! Kip up on improving your blogs girl! Goodluck…
It’s beautyful !
It’s beautiful! Although ako rin nagdaan sa ganyang situation, wala namang hindi di ba? Kahit n isang scholar din ako, kaya lang hindi ako kasing tapang mo na kapag pinalabas ay uuwi na, takot kasi ako sa tatay ko eh, baka kapg umuwi ako ng wala pa sa oras, ay tamaan ako. hahaha.. goodluck girl.
hello..your blog is to nice..keep it up..
emo ka na naman dude… that’s cer-uhn (certain) and i don now… hehe
ANG GLING MO NMAN GAWA BLOGS IM A 6YEARS OLD KID IKAW???
hey turuan mo namn ako … wala ka nga magawa kc ang dami mo sinulat d2 eh anyway youre good … keep going tnx ..
galing mo naman gumawa ng blog.. cguro naman kahit papano maganda career mo ngayon, matalino ka eh kahit tinamad noon.. God bless..
cool, i’ll wait for your nxt blogs
HI NCE BLOG HA..!
Hi!pretty cool blog..
nice blog dear
ilang kahon na kaya ng tanduay ako sa bahay ng tungkol sa buhay ko sa school at syempre lovelife, isama mo na rin yung diary ko na cousin ko at lola ko yung mahilig magbasa kaya nga tinigil ko na kasi parang pocketbook nila kung basahin. masaya naman ako pag binubuksan yun. yun ngalang pagdating sa mga sulat at loveletter noon naisip ko ganito na ba kadami ang pinasok kung relasyon? waah! from 2 weeks relation hanggang isang taon nandun pa rin. pati yung latest ex ko na pic andun pa rin. waah! gusto kung itapon nalang para mawala na pero sayang din naman. baka mapag aralan kung mang kulam. hehehehe!
sabi ng iba mabuti na yung mag move on pero masaya na akong may mga alaala ng nakalipas. sariling buhay man, gawa gawang kwento, test paper na 70 yung grade(talagang tinatago yun!) at kung ano pa. immature na kung immature basta tinatago ko pa rin sa room ko. sinabihan ko pa sila na wag galawin yun kahit nandito na ako sa manila. baka maka amnesia ako, sigurado makakatulong yun. hehehehe!