MAY MASABI LANG

acknowledgments:

nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa talaga ng blog ko. salamat sa mga nakaka-relate sa kaartehan ko. salamat sa mga naaasar sa kababawan ko. salamat sa mga natutuwa sa ka-jolog-an ko, salamat sa nagre-react kahit di naman kailangan, salamat talaga. kulang ang salitang salamat para lang maiparamdam ko kung gaano kayo kahalaga sa akin. pero, salamat talaga.

INTRO:

"kung pride lang ang pag-uusapan, marami ako nyan. masyadong mataas..

minsan naman sa sobrang baba, parang wala na."

*****

alam niyo, naguguluhan na talaga ako. parang lagi akong wala sa sarili ko. maraming bagay na gumugulo talaga sa pagkatao ko na hirap na hirap akong tanggapin.

una, isa akong REKLAMADOR… ewan ko. mahilig akong magasabi ng mga ganitong linya..

"hindi naman sa nagrereklamo ako, pero… (at ayun, magpapaliwanag na naman ako. pero hindi talaga ako nagrereklamo. hay, paano ko ba talaga sasabihin? naman eh! )

pangalawa, ako ang taong PUNONG-PUNO NG MALISYA (basta nga mabait ka lang sa akin, pakiramdam ko bukas, tayo na! grabe, san ka pa? ano, sasama ka pa ba sa akin?)

pakiramdam ko, kaya rin ako ginawang ganito ng Diyos dahil alam niya na wala pa akong kontrol sa mga bagay-bagay: psycho, gago, magulo, tabachoi, ewan. jologs.

gaya nito: gustong-gusto ko na magkasyota. talaga. pero alam ko sa sarili ko na ako yung taong: "lahat ng gusto mo, tamang sunod ako. bigla na lang, naisip mo, ayaw mo na." (kanta ng kamikazee.. director’s cut)

ikatlo: ako yung taong NAPAKARAMING GUSTO SA BUHAY PERO DI MALAMAN KUNG ANO ANG UUNAHIN.

gusto ko maging mayaman, maging writer, nurse, teacher, trainer, painter, dubber, artist, singer, mangtataho, driver, rally-ista, pokpok, mamasang, bugaw… name it. lahat naman gusto ko talaga. walang biro. gusto ko na rin magkaasawa, magkaanak, magkapamilya.

ambisyosa, inggitera, loka-loka…. 

ang tanong, sa oras na may makuha ako isa sa mga yan, kakayanin ko ba?

ayoko na sanang  pagdudahan ang sarili ko kapag may gusto akong gawin, pero tila lagi akong natatakot at kinakabahan. ang sabihin nga lang na gusto ko siya, di ko magawa.

ikaapat- ako yung taong FEELING MAGALING PERO WALA PA SA KALINGKINGAN NI SHAIDER (feel ko lang gamitin si Shaider)

mahilig akong magsulat, magdrawing, kumanta, magbutingting… kumain, matulog, sumayaw mag-isa, magsalita mag-isa.. yan..

pakiramdam ko magaling na ako. pero ang totoo, nagmamagaling lang. madalas, kung magsalita ako, akala mo, alam na alam ko talaga. baka nga nakakaasar na. sori naman.

ikalima- ako ang tinaguriang "SILVERTOES" ng quezon city! mabuhay!

wala lang. pakiramdam ko, kahit ang taba-taba ko, maganda ako. feeling ko nga may gusto siya sa akin eh. (hayaan mo na ako, lahat naman ng tao, entitled maging maganda sa sarili nilang paraan. ako lang talaga, ashumera—mahilig mag-assume.)

ikaanim- ang dami pa. di ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

*********

di ko namalayan, nakapagsulat na naman ako.

ayus ah!

OUTRO:

hangga’t nararamdaman ko pa ito para sa iyo, ipagsasabi ko rito. gusto kita. talaga. seryoso. (para mabawasan na.)

wag mo lang mababasa.

ano ba yan, di ko pa sabihin ang totoo..

mahal na yata kita. (sheeeeetttt.. di talaga mawawala ang landian portion!)



11 Comments so far

  1.   michelle Mae on November 17th, 2007

    it’s cool!!!

  2.   lyka on November 17th, 2007

    it’s nice…

  3.   micah on November 17th, 2007

    “ok lang naman ung attitude mo….!!! I like ‘ur attitude kz parang k2ld lang din kta,,,!!

  4.   Susan on November 17th, 2007

    ahaha! wag lng mabasa, ha? alam mo ba na di ka dapat magassume… unless di marunong magbasa ung “lab” mo.:-)
    may tenga ang lupa, may pakpak ang balita! malay mo nabasa na nya… d kaya’y may nakapagsabi nang dalahira sa kanya?
    d kaya dumededma lng xa? :-) gud luck sa nararamdaman mo… sige lang, libre naman! MEY

  5.   winifredo on November 17th, 2007

    pag patuloy mo lang yan wagkalang mag isip ng gaano kc baka ka mabaliw.

  6.   kathy on November 17th, 2007

    well malay mo mahilig din sya magassume…kahit nga ako minsan feeling ko ako yung pinaparinggan mo baka naman ako yung lab mo…hehehe

  7.   ║Xxtey-teyxX║ on November 17th, 2007

    ashumera? aku dn eh..!! hehe.. ingatz k lgueh.. gudluck nlhan p0h s lyf.. kh0oleet niu eh..!! hehe

  8.   Liza on November 17th, 2007

    Pray hard and God Bless You..!!!!

  9.   rendy on November 18th, 2007

    you rock!!!

  10.   Lilmis Ellehcor on December 4th, 2007

    ayos to ah.. swak n swak lahat ng blogs mo sa panlasa ko..

    cool na cool.. ok ka para sakin mare.. you’re IN!

  11.   Escape on December 21st, 2007

    magaling k tlga babae naalala ko tlga kumpare ko c bob ong
    wlang duda nbasa mo n rin ang libro nya…

Leave a Reply