ISANG BAGSAK NA MATINO!
panimula:
noon pa man, reyan na talaga ako ng page-emote. lahat na yata ng topics sa buhay ko, nilalagyan ko ng page-emote. pag-ibig, pamilya, pag-aaral, exam… di na natapos. ito yung post ko ng malapit na akong grumadweyt.
ulirang pessimistic. di kailangan. petix. chismax.
basa na lang. seryoso naman yan. tama na muna ang usapang lovelife.
estudyante blues tayo ulit.
A STUDENT’S REFLECTION
apat na taon na akong naglalakbay.
apat na taon nang napapagod.
apat na taon nang tumatangis.
humahakot ng sama ng loob kasama ng mga tanikalang tinadtad ng kalawang ng masalimuot na alaala…
pagngiti, pagtawa, pag-iyak…lahat na. hindi ko na kaya. magulong mundo. siya nga.
ngunit sa isang banda ng aking paglalakbay, may nakilala akong isang magandang lalaking higit ang talino ngunit hindi rin maasabing pantas. aaminin kong paghanga sa kaniya ay natagpuan ko pero hinding-hindi niya iyon matatagpuan sa akin. kunsabagay, ano ba ang hahangaan mo sa isang hamak na manlalakbay na walang dala kundi ang sarili lang niya?
isang kuwento ang kaniyang ibinahagi. nagitla ako sa aking narinig. parang masaya sa lugar na napuntahan niya. kung tutuusin, iisang mapa lang pala ang ginagamit namin!
kung gagawin ko kaya ang ginawa niya, maaabutan ko ba siya? maaabot ko rin ba ang mga nagawa niya? at kung maaabutan ko man siya, hindi dahil gusto ko siyang makasama. gusto ko siyang maabutan dahil nais ko rin marating ang lugar na narating na niya. magkakaroon rin kaya ako ng parehong karanasan nang kagaya sa kaniya?
pagkabigo.
paggapang na simula.
unti-unting tatayo.
lalakad.
madadapa.
tatayo ulit.
magpapatuloy.
magtatagumpay.
magkakaroon.
mawawalan.
paulit-ulit.
hindi ko rin alam kung bakit ko nagagawang sabihin ang mga bagay na ito. marahil, masyado ko lang iniisip ang lugar na pupuntahan ko kahit wala naman talaga akong ideya kung ano ang dadatnan ko roon.
isang metamorposis? pagbabago? pag-asenso? pag-asa? o pagkabigo hanggang sa pagkalimot?
dalawampung taon na akong nabubuhay. sa paglalakbay ko, uuwi rin ako. pero paano kung sa pag-uwi mo, lahat ng taong dadatnan mo ay umaasa ng tagumpay mula sa iyong biyahe? umaasa ng munting bagay na dala mo mula sa iyong pinagdaanan? naghahanap ng mga mahahabang kuwentong mapakikinggan mula sa iyo? inaasam na nila kahit alam mo na nagsisimula ka pa lang?
magagawa mo bang magsinungaling habang umaasa sila?
oo?
hindi?
hindi madaling maghanap ng sagot. pagkatapos kong marinig ang mga kuwento niya, marami pa akong taong naringgan ng mga parehong salaysay.
pagkabigo. paggapang na simula. unti-unting tatayo. lalakad. madadapa. tatayo ulit. magpapatuloy. magtatagumpay. magkakaroon. mawawalan. paulit-ulit.
at ngayon, lalo akong naguguluhan. pero alam ko, mahaba pa. mahaba pa ang daan. nasa dulo pa rin ako. at natatakot akong habang nasa daan ako ay sumasabay lang pala sa akin ang lupa. at hindi pala ako umaalis sa kinalalagyan ko. natatakot rin akong baka sa paglalakbay ko, hindi ko alam na nag-iikot lang pala ako sa loob ng isang selda. kasama ko pa rin ang tanikala. na hindi lang sa paa ko nakalagay kundi pati rin pala sa aking kamay. pati na rin sa aking leeg.
‘igan, marahil sa iyong pagbabasa, maaari mong masabi na hanggang ngayon, napupuno ng walang tiyak na kahahantungan ang mga sinasabi ko.
negatibo. magulo. makalat. mahirap matukoy.
kagabi, naisip ko: “sa mapa ng aking buhay, nasa unang pasilyo pa lang ako. dadaan pa ako sa labirinto ng panganib at sakit. at sa paglipas ng panahon, hindi lang pala ang sariling krus ang aking dadalhin. habang nasa daan ako, dadamputin at papasanin ko rin pala ang krus nina Hestas at Barabas. maglalakad ako ng nakapaa at maghahanap ng sarili kong sapin sa paa. at bago ko makalimutan, nanakawin ko na rin ang lubid ni Hudas. itatali ko lang sa leeg ko. at kapag nalaman kong hindi ko na kaya, maghahanap na ako ng matibay na puno na may matibay na sanga at doon ko ibibitin ang sarili ko.” pero sa kabila ng lahat ng iyan, sinikap kong labanan ang ispirito ng kawalan ng pag-asa. mula sa mahina kong kamalayan, hinugot ko ang kinakailangang lakas mula sa Kaniya. alam kong sasapat na iyon. “ayokong umiyak.” sambit ko sa aking sarili. hindi nga ako malakas pero alam ko rin na hindi ako mahina. tao akong may isip at dapat na nag-iisip. ang tanging kalaban ko ay ang aking sarili. at wala nang tatalo rito kundi ako rin.
+*+*+*+*+*+*+*+*
malalim ba? kahit ako, dinugo pagkatapos kong mabasa ito ulit. may natatago pa pala akong ganitong klase ng entry?
gulat ako, ah?














wow!
ang lalim!!
per0 ang ganda ng mensahe na maiiiwan sa sinumang makakabasa!
ganda po ng cnulat mo..though di ko xa nabasa ng buo…ampnees..=)
pnagdaanan ko din yan, marami tlagang hamon sa buhay.
pre habang my buhay there are hope hindi marlborro ha?
seriously pre kaya mo yan proise
malalim at mkakahulugang paglikha….ipagpatuloy
wala akong ma say malupit!napakalalim,full of meaning.
hi ganda ha…
Well ang ms2v q syo ay d pa huli ang lhat..lyf must go on!
don’t loose hope…
noon wala na talaga akong ibang maisip lahat na lang ng bagay na aking nagagawa lahat ay mali kahit ano pa yan wala na ata akong alam gawin kundi ang magpasaway
i want to write my life story but i dont know where to start
hi… i like ur blog….lam mo dinaanan ko rin yan lahat..at eto parin ako lumalaban….i will hoping someday tatayo pa rin…cguro talagang ganyan ang buhay…just keep it up ur so poetic of life..GOD BLESS
GEH TAMA YAN EMOTE LANG NG EMOTE
nakaka inspre, salamat, higit pa ngayon, nasa kalagitnaan ako ng disyerto ng kabiguaan, ang labirinto ng kawalan ng pag asang makasilay ng tagumapy AT LIWANAG
mzta nmn puh un hehe alwys sty happy!hangut ai!!!!
ako’y lubos na napa isip sa iyong katha….napagtanto ko ang mga kamalian ko: mga panahong aking nasayang::::pwede<<<<<
amaze nmn aq sa post mo gurl… sana i cud be like u… malalim… d xe q gud writer…
gnda ng blog mo… napagtanto q n im still stuck sa buhay q n magulo… but i know i could get over this…
makata ka ba?????alam mo ang lalim mas malupet pa sa english!!!!!!!!!alam mo hirap ako sa florante at laura gusto mo bang tulungan ako???????!!!!
i like the way you write,one day i will share to all mylife story,,,
galing! ang haba pero nbsa ko ng buo..na-tempt p nga akong gayahin ehehe…n_n
!!!!!!!!juzt be youre self,meron pang someone jan n baka mabunggo ka d mo pala alam xa na ang knight in shining armor mo!!!!!!!gudluck sa career,be the one
I was trying to sink in to what you’re trying to say, though you’re literarily fine with the craft, subjectively, the message is immature. congrats, still =)
ah..f trials lang ang eh wla sa akin yan!mas worst fa ang sa akin jan…but unfortunately, I wish that i can survive all of this especially in the hearts matter….hehehe..8s hurts wen love fails talaga…akalain nyo ba naman eh ipinagpalit lang ako sa isang babaeng walang ethics!oh my god pls. help me!
aus poh un ah…
mkbagbag ddamin!!!
gudluck n lng poh sna maabot u ung nais u maabot!!!
wow..nspirng!!1
great
Wouh!” brad” wala akong masabi, kundi tibayan mo pa ang loob mo, ndi ka naman nag-iisa”…
weh great.. tibay mu..true life b yan?? graveh inspired aq.. binuhay mu dugo Q.. kala Q wala na tlagang pagasa.. lagi n lang back 2 zero buhay Q n all aspects..,, life, family, babae, trabaho… pero mron png isang sobrang great wag nu xnang mkalimutn..=====>< lahat yan allowed NYA .. maniwala kau.. basta wg lng kyong BIBITIW. im q tomihook13== cyah
astig………. wag kang susuko, habang may buhay may pag-asa… maniwala ka… basta dont forget jesus…. anjan sya palage.. ingat’z…………..
grabe!!!!!! may kanya-kanya tlagang way ng pag-eemote ang people of the world…….bilib ako sa emote mo…….ituloy mo ang iyong nasimulan……
……………………………………………..palakpakan………..para sa iyo
thats true n angyayari 2 sa tao ? un lang
hay… sa tao na nag eemote basta… rock nang rock…..
Life ROcks!! itz for real..
cute!!!!!!!!!!!
maganda para sa akin ung pgkasulat mo… merong puso….
Lyf riLy is So touGh!!
CertifiEd eMO pO kAu…!!!!!
i riLy eNjoY reaDing it…U
hey, i was caught by the name of ur blog, it used to be my fave anime.^_^
hehe, galing. bka pareho lang tayo, at marami pang kagaya ntin. Tama yon, magpatuloy at lumaban. LETs ROCK IT, and will SEE, GOD WILL BE THERE.
grabe dinugo yung utak ko sa pag intindi pero kung maiintindihan nyo, napakaganda. more power
one thing i can share to you that might help you… count your blessings and not your misfortunes…. un lang… and keep rockin’ FOR THE LOVE OF MUSIC!
one thing i can share to you that might help… count your blessings and not your misfortunes…. un lang… and keep rockin’ FOR THE LOVE OF MUSIC!
hmmn…
It is worth reading…
somehow, I can relate in this story…
but girl, do remember:
no one has ever damaged his/her eye sight by looking at the brighter side of life… so dont be such a pessimist…
Goodluck on your journey…
Godbless…
Dinaan mo lang sa metapor para dumami ang teksto ang kwnto mo.Initially, gs2 mo lang magpahanga sa mga mambabasa. Pwd namang 1 pangungusap lang ginawa mong pito.
ganda!!na pa-isip 2loy aq f anung nsa dulo ng paglalakbay q..
ei…
saludo ako sa iyo…
ang gaganda ng mga articles mo…
i find myself praising your works!!!
reflection….
arl, u hav ur own potentials…..somehow naka2relate and mga taong katulad u mag-isip.ÜÜÜ
Punyeta po kayo. Ang galing niyo sumulat. bumilib talaga ako. pwede ba kita i-link?
wala ka magagawa. ililink kita.
Salamat.
I Liked u….
MAPAKALALIM PERO NAPAKAGANDA.MAG SULAT KA PA NG MARAMI.KEEP IT UP
Thats wonderful way naman…but then tama ang sabi nila….u make it longer your story na kung sa tamang way lang isa tma na….pro ayos ang story mo…..nakaka inspired at nakaka believed….life is lots trials but God always there watching us ….keep it up…and be strong and proud of yourself….
hayzzzzzzzzzzzzzz……… dats life……… life should go on………
ang lalim..EPISTAXIS!!!!
i love your blog. i’m a fan. =)
grabe!!! galing…parang bob ong & jessica zafra.