BASTED: ANG IKALAWANG BAHAGI
panimula:
ang susunod niyong mababasa ay mula sa aking cellphone. pag gusto ko talagang magsulat (wala kasi akong PC.. pulubi eh!) sa cellphone ako nag-eemote.
nagtataka na nga lang din kasi ako. nalulungkot na kasi ako sa pinaggagagawa ko sa sarili ko.
pinapaasa ko ang sarili ko sa mga kaululan na kahit kailan alam kong hindi naman mangyayari… ambisyosa-echusera.
teka, bago ko makalimutan, salamat pala sa mga taong laging nakaabang para lang mabasa ang mga kaepalan ko rito. dahil sa inyo, nagkakaroon ng artistic at sentimental value ang pagmamaasim ko. natutuwa talaga ako. i really appreciate it.
++++
gawin nating parang SOCO ang intro ko.
++++
alas-otso ng gabi, kinuha ko ang aking libro sa Anatomy dahil naisip ko na gusto ko muna magbalik-aral sa mga bagay na nalimutan ko na.
sige, basa.
tapos, bigla na namang umentra ang tatay ko sa eksena:
tatay: anak, alam mo, naisip ko lang, wag kang magpapadala sa mga lalaki na nagpapakita sa iyo ng kagandahang-loob. niloloko ka lang nila… blah-blah-blah-yada-yada…
hindi na ako nagsalita. pero ang totoo, masakit tanggapin. kasi ganoon talaga ako. pilit ko ngang pinagkakaila yan eh. ang hirap tanggapin. (gusto kong sumigaw!)
nag-emote ang lukring. ito na ang pinaka-highlight:
1. press menu
2. press messages
3. press multimedia
4. press create new.
5. enter text:
" naiintindihan ko na ngayon. at ayoko talagang aminin dahil hindi ko matanggap. ayoko sanang kaawaan ang sarili ko pero yun ang nararamdaman ko. tama na. paulit-ulit na lang ito, eh!
.. oras-oras, araw-araw, kasing dalas na nang paghinga ko sa loob ng isang minuto. hindi na ito tama. puwede bang mawala na ito? pwede bang wag na lang? ayoko na talaga. masyado na kasing masakit. tinitiis ko lang kasi ang hirap magpaliwanag sa mga kaibigan ko kapag nakikita nila na malungkot ako. napipilitan pa akong magsinungaling para lang pagtakpan ang katotohanan sa likod ng pag-iinarte ko. doon ko nga napapatunayan na bukod sa magaling akong script writer (heheheh… nung college, yan ang madalas kong gawin pag may play) kaya ko rin palang manipulahin ang eksena. ako ang bida, pero pinaglalaruan na ng mundong gawa-gawa ko lang.
ayoko nang mag-isip. masyado nang naglalaro ang imahinasyon ko at di ko na napapansin na lumalampas na ako sa limitasyon ko.
sa ngayon, alam ko naman kung nasaan ako eh. alam ko naman kung anong distansya ang meron ako sa iyo. Point A ka. at ako Point E. alam ko kung hanggang saan lang ako. at ang kinagagalit ko ngayon ay sa kadahilanang hanggang dun lang ako.
pwedeng lumayo.
pero hindi pwedeng lumapit.
at lalong hindi pwedeng sumama!
naiinis ako! di ko pa magawang maging kuntento sa kung ano ang meron ako para sa iyo. masyado lang din yata akong naghahanap ng kapalit sa nararamdaman ko. hindi dapat ganun yun pero yun at yun ang nasa isip ko.
bakit ba hindi kayang abutin ng pang-unawa ko na dapat tigilan ko na ito? wala naman kasi akong napapala eh.
hindi ikaw ang inaasahan ko sa pagtungtong ko sa lugar na ito! kapalaran ko ang hinahanap ko. pero bakit ikaw yung natagpuan ko?
pwede bang sa isang iglap mawala na lang itong nararamdaman ko? napapagod na talaga ako. kaya namang sabihin ng utak ko na tapusin ko na lahat ‘to eh. pero sadyang nawasak na ng alaala mo ang buong sistema ko. ayaw na sumunod.
pinilit ko. pinilit kong burahin ang nararamdaman ko para sa iyo. pasensya na (sa nagbabasa), hindi ko masabi ng diretso. maaaring di mo maintindihan (sa nagbabasa pa rin). ganito yata talaga kapag naiisip kita (sa kanya na ito…).
naduduwag pa rin talaga ako. di ko masabi ang gusto kong sabihin. pwede kong isigaw. pwede rin naman akong umiyak. pero ayoko lang. ayoko ring saktan ng husto ang pride ko. sana nga lang meron pa ako.
higit pa sa paglaslas ng sarili kong laman,
higit pa sa paghampas ng ulo ko sa pader,
at higit pa sa pagdukot sa sarili kong bituka.
kailangan ko nang magising sa panaginip na ito.
hindi ko ito itinuturing na bangungot.
pero tama na.
baka hindi na ako magising.
++++
masyado bang seryoso. sa mga nakaraang araw puro ganitong klaseng kababawan ang mga nagagawa ko. gusto ko lang talagang ilabas ito eh. kapag sinusubukan ko kasi itong buksan sa ibang tao, hindi nila ako naiintindihan. at hindi ako makakuha ng matinong sagot kapag nagtatanong ako.
ang sabi nila, ang taong sulat ng sulat at risk sa pagiging schizphrenic.
pero ako, since birth yata… retarded na.














hi! masugid mo talaga akong tagasubaybay ng love story mo!:-)
u know, u remind me of someone close to me… isa sa mga “BOYS” ko.
he has been in love with my daughter for over 2 yrs. now and it seems that he is coming closer to giving up on her, trying to move on by settling for a girl who is just the opposite of my daughter…
ung anak ko naman ay sadyang bulag yata o manhid.
pero tulad mo, patuloy pa ring umaasa na balang araw ay iibigin din xa.
tulad mo, kung anu-ano nang pageemote ang ginawa…andyang uminom, umiyak, magalit, magtampo, magflirt sa mga nakakagusto sa kanya… pero, wa epek!:-)
eto and advice ko sa kanya: DON”T PUSH IT!. YOU CANNOT FORCE SOMEONE TO LOVE YOU. JUST LOVE HER WITH ALL YOU’VE GOT AND WAIT FOR HER TO REALIZE YOU ARE WORTH LOVING…
GOOD LUCK AND BELIEVE ME… YOU NEED IT GIRL!
grabe parang lahat ng gusto ka sabihin nasabi mo…nka2tuwa nmn… kaya ntin yan girl..
hI! ganda ng story add kita ah! maraming salamat sa masalimuot mong pag-ibig na tila gumulo at umakit sa king balintataw! keep posting…hehehe