November, 2007

USAPANG PANAGINIP

ACKNOWLEDGEMENTS:

halos isang linggo yata akong nawala sa sirkulasyon? tama ba? alam niyo naman ako, busy-busy-han. may work na eh. di na bum.

by the way, salamat nga pala sa mga nagkokomento rito. nararamdaman ko talagang kahit naa-outcast ako sa isang parte ng mundo ko, sa mundo ng Friendster, I do belong pa rin… salamat talaga. nararamdaman ko na mahalaga ako kasi pinapansin niyo yung mga kaartehan ko.

anyways, ang banat ko naman ngayon ay.. ito.

+++++++

isang umaga, nagising na lang ako na parang yung buto ko na lang talaga ang gumigising sa akin. yun bang parang hindi ka na inaantok ulit kapag bumangon ka sa higaan? alam niyo ba yung pakiramdam na yun?

ewan ko. parang gising na gising ako. wala namang dahilan.

pero alam niyo kasi, mayrong isang pangyayari na lagi kong napapanaginipan. iba-ibang lugar at kaanyuan pero iisa ang tema.

ganito lang naman:

lagi akong nasa  isang lugar na madilim. isang lugar na abandonado.

…bodegang walang laman, na-demolish na malawak na lupain, warehouse na luma, bahay na walang tao… ganun. basta kahit anong walang laman. parang sa kawalan.

sa panaginip ko, laging black and white ang kulay. o mas maganda at mas defined… SEPIA. yung sa mga picture na luma. yung parang madilaw na brown na luma talaga. ganun ang kulay.

lagi akong tumatakbo sa panaginip ko. takbo nang takbo. alam ko na may humahabol sa akin.

multo, goons, taong hindi ko ma-imagine basta tao, malaking buwaya, malaking aso, adik, rapist… basta lahat ng creatures na pwedeng humabol sa akin.

takot na takot ako. at kapag makakahanap na ako ng point of exit…

2nd floor ng building na pwedeng talunin, mataas na lugar pero may hagdanan, mataas rin na lugar pero tatalon lang talaga ako at sa pagbagsak ko, tatakbo ulit ako, isang pasilyo na mas madilim pa sa madilim… basta kahit anong lugar na lalabasan ko…

…laging mayroong isang bagay na magiging dahilan para maudlot ang pagtakas ko.

may dala akong bag na sa hindi ko malamang kadahilanan, sobrang mahalaga at kailangan kong balikan; si dagul (oo, si dagul.. yung sa Goin’ Bulilit) dahil hindi ko siya pwedeng iwan, isasama ko pa siya at sa panaginip ko mabigat siya—- at dahilan siya para hindi na naman ako makatakas; ang kaibigan ko na hinihintay ko pang bumangon dahil nadapa siya… basta! lahat ng sagabal sa pagtakas ko.

hindi ko nga maintindihan eh.

at pagkatapos, magigising ako na hindi natapos ang pagtakas ko.

+++++

interpretation:

nakausap ko yung kaibigan ko. kinuwento ko sa kanya. ito ang sabi niya:

“alam mo kasi gurl (gurl talaga!) marami kang hino-hold back sa buhay mo. yung parang “SEPIA” na kulay, yun yung kulay na inire-represent ng sarili mo (siya nga! medyo madilim at wala talagang kulay ang tingin ko sa sarili ko.) malungkot ka. hindi ka masaya kasi imbes na intindihin mo yung sarili mong kasiyahan, iniisip mo pa yung ibang tao o ang sasabihin nila (nire-represent nung mga sagabal sa pagtakas ko… totoo nga.) hindi mo kasi hinahayaan na maging malaya ka. lagi kang may iniisip bago ka maging masaya. paulit-ulit mo yang mapapanaginipan hangga’t hindi mo  nagagawa ang dapat mong gawin. ”

++++++

katakot. kasi totoo.

kaw, baka may panaginip ka na paulit-ulit?

try mo ‘tong site na ‘to:

HTTP://WWW.DREAMMOODS.COM

baka makatulong sa iyo.

+++++

HINDI PO AKO SI MADAM AURING.

ambisyosa lang. :)

ISANG BAGSAK NA MATINO!

panimula:

noon pa man, reyan na talaga ako ng page-emote. lahat na yata ng topics sa buhay ko, nilalagyan ko ng page-emote. pag-ibig, pamilya, pag-aaral, exam… di na natapos. ito yung post ko ng malapit na akong grumadweyt.

ulirang pessimistic. di kailangan. petix. chismax.

basa na lang. seryoso naman yan. tama na muna ang usapang lovelife.

estudyante blues tayo ulit.

A STUDENT’S REFLECTION

apat na taon na akong naglalakbay.

apat na taon nang napapagod.

apat na taon nang tumatangis.

humahakot ng sama ng loob kasama ng mga tanikalang tinadtad ng kalawang ng masalimuot na alaala…

pagngiti, pagtawa, pag-iyak…lahat na. hindi ko na kaya. magulong mundo. siya nga.

ngunit sa isang banda ng aking paglalakbay, may nakilala akong isang magandang lalaking higit ang talino ngunit hindi rin maasabing pantas. aaminin kong paghanga sa kaniya ay natagpuan ko pero hinding-hindi niya iyon matatagpuan sa akin. kunsabagay, ano ba ang hahangaan mo sa isang hamak na manlalakbay na walang dala kundi ang sarili lang niya?

isang kuwento ang kaniyang ibinahagi. nagitla ako sa aking narinig. parang masaya sa lugar na napuntahan niya. kung tutuusin, iisang mapa lang pala ang ginagamit namin!

kung gagawin ko kaya ang ginawa niya, maaabutan ko ba siya? maaabot ko rin ba ang mga nagawa niya? at kung maaabutan ko man siya, hindi dahil gusto ko siyang makasama. gusto ko siyang maabutan dahil nais ko rin marating ang lugar na narating na niya. magkakaroon rin kaya ako ng parehong karanasan nang kagaya sa kaniya?

pagkabigo.

paggapang na simula.

unti-unting tatayo.

lalakad.

madadapa.

tatayo ulit.

magpapatuloy.

magtatagumpay.

magkakaroon.

mawawalan.

paulit-ulit.

hindi ko rin alam kung bakit ko nagagawang sabihin ang mga bagay na ito. marahil, masyado ko lang iniisip ang lugar na pupuntahan ko kahit wala naman talaga akong ideya kung ano ang dadatnan ko roon.

isang metamorposis? pagbabago? pag-asenso? pag-asa? o pagkabigo hanggang sa pagkalimot?

dalawampung taon na akong nabubuhay. sa paglalakbay ko, uuwi rin ako. pero paano kung sa pag-uwi mo, lahat ng taong dadatnan mo ay umaasa ng tagumpay mula sa iyong biyahe? umaasa ng munting bagay na dala mo mula sa iyong pinagdaanan? naghahanap ng mga mahahabang kuwentong mapakikinggan mula sa iyo? inaasam na nila kahit alam mo na nagsisimula ka pa lang?

magagawa mo bang magsinungaling habang umaasa sila?

oo?

hindi?

hindi madaling maghanap ng sagot. pagkatapos kong marinig ang mga kuwento niya, marami pa akong taong naringgan ng mga parehong salaysay.

pagkabigo. paggapang na simula. unti-unting tatayo. lalakad. madadapa. tatayo ulit. magpapatuloy. magtatagumpay. magkakaroon. mawawalan. paulit-ulit.

at ngayon, lalo akong naguguluhan. pero alam ko, mahaba pa. mahaba pa ang daan. nasa dulo pa rin ako. at natatakot akong habang nasa daan ako ay sumasabay lang pala sa akin ang lupa. at hindi pala ako umaalis sa kinalalagyan ko. natatakot rin akong baka sa paglalakbay ko, hindi ko alam na nag-iikot lang pala ako sa loob ng isang selda. kasama ko pa rin ang tanikala. na hindi lang sa paa ko nakalagay kundi pati rin pala sa aking kamay. pati na rin sa aking leeg.

‘igan, marahil sa iyong pagbabasa, maaari mong masabi na hanggang ngayon, napupuno ng walang tiyak na kahahantungan ang mga sinasabi ko.

negatibo. magulo. makalat. mahirap matukoy.

kagabi, naisip ko: “sa mapa ng aking buhay, nasa unang pasilyo pa lang ako. dadaan pa ako sa labirinto ng panganib at sakit. at sa paglipas ng panahon, hindi lang pala ang sariling krus ang aking dadalhin. habang nasa daan ako, dadamputin at papasanin ko rin pala ang krus nina Hestas at Barabas. maglalakad ako ng nakapaa at maghahanap ng sarili kong sapin sa paa. at bago ko makalimutan, nanakawin ko na rin ang lubid ni Hudas. itatali ko lang sa leeg ko. at kapag nalaman kong hindi ko na kaya, maghahanap na ako ng matibay na puno na may matibay na sanga at doon ko ibibitin ang sarili ko.” pero sa kabila ng lahat ng iyan, sinikap kong labanan ang ispirito ng kawalan ng pag-asa. mula sa mahina kong kamalayan, hinugot ko ang kinakailangang lakas mula sa Kaniya. alam kong sasapat na iyon. “ayokong umiyak.” sambit ko sa aking sarili. hindi nga ako malakas pero alam ko rin na hindi ako mahina. tao akong may isip at dapat na nag-iisip. ang tanging kalaban ko ay ang aking sarili. at wala nang tatalo rito kundi ako rin.

+*+*+*+*+*+*+*+*

malalim ba? kahit ako, dinugo pagkatapos kong mabasa ito ulit. may natatago pa pala akong ganitong klase ng entry?

gulat ako, ah?

BASTED: ANG IKALAWANG BAHAGI

panimula:

ang susunod niyong mababasa ay mula sa aking cellphone. pag gusto ko talagang magsulat (wala kasi akong PC.. pulubi eh!) sa cellphone ako nag-eemote.

nagtataka na nga lang din kasi ako. nalulungkot na kasi ako sa pinaggagagawa ko sa sarili ko.

pinapaasa ko ang sarili ko sa mga kaululan na kahit kailan alam kong hindi naman mangyayari… ambisyosa-echusera.

teka, bago ko makalimutan, salamat pala sa mga taong laging nakaabang para lang mabasa ang mga kaepalan ko rito. dahil sa inyo, nagkakaroon ng artistic at sentimental value ang pagmamaasim ko. natutuwa talaga ako. i really appreciate it.

++++

gawin nating parang SOCO ang intro ko.

++++

alas-otso ng gabi, kinuha ko ang aking libro sa Anatomy dahil naisip ko na gusto ko muna magbalik-aral sa mga bagay na nalimutan ko na.

sige, basa.

tapos, bigla na namang umentra ang tatay ko sa eksena:

tatay: anak, alam mo, naisip ko lang, wag kang magpapadala sa mga lalaki na nagpapakita sa iyo ng kagandahang-loob. niloloko ka lang nila… blah-blah-blah-yada-yada…

hindi na ako nagsalita. pero ang totoo, masakit tanggapin. kasi ganoon talaga ako. pilit ko ngang pinagkakaila yan eh. ang hirap tanggapin. (gusto kong sumigaw!)

nag-emote ang lukring. ito na ang pinaka-highlight:

1. press menu

2. press messages

3. press multimedia

4. press create new.

5. enter text:

" naiintindihan ko na ngayon. at ayoko talagang aminin dahil hindi ko matanggap. ayoko sanang kaawaan ang sarili ko pero yun ang nararamdaman ko. tama na. paulit-ulit na lang ito, eh!

.. oras-oras, araw-araw, kasing dalas na nang paghinga ko  sa loob ng isang minuto. hindi na ito tama. puwede bang mawala na ito? pwede bang wag na lang? ayoko na talaga. masyado na kasing masakit. tinitiis ko lang kasi ang hirap magpaliwanag sa mga kaibigan ko kapag nakikita nila na malungkot ako. napipilitan pa akong magsinungaling para lang pagtakpan ang katotohanan sa likod ng pag-iinarte ko. doon ko nga napapatunayan na bukod sa magaling akong script writer (heheheh… nung college, yan ang madalas kong gawin pag may play) kaya ko rin palang manipulahin ang eksena. ako ang bida, pero pinaglalaruan na ng mundong gawa-gawa ko lang. 

ayoko nang mag-isip. masyado nang naglalaro ang imahinasyon ko at di ko na napapansin na lumalampas na ako sa limitasyon ko.

sa ngayon, alam ko naman kung nasaan ako eh. alam ko naman kung anong distansya ang meron ako sa iyo. Point A ka. at ako Point E. alam ko kung hanggang saan lang ako. at ang kinagagalit ko ngayon ay sa kadahilanang hanggang dun lang ako.

pwedeng lumayo.

pero hindi pwedeng lumapit.

at lalong hindi pwedeng sumama!

naiinis ako! di ko pa magawang maging kuntento sa kung ano ang meron ako para sa iyo. masyado lang din yata akong naghahanap ng kapalit sa nararamdaman ko. hindi dapat ganun yun pero yun at yun ang nasa isip ko.

bakit ba hindi kayang abutin ng pang-unawa ko na dapat tigilan ko na ito? wala naman kasi akong napapala eh.

hindi ikaw ang inaasahan ko sa pagtungtong ko sa lugar na ito! kapalaran ko ang hinahanap ko. pero bakit ikaw yung natagpuan ko?

pwede bang sa isang iglap mawala na lang itong nararamdaman ko? napapagod na talaga ako. kaya namang sabihin ng utak ko na tapusin ko na lahat ‘to eh. pero sadyang nawasak na ng alaala mo ang buong sistema ko. ayaw na sumunod.

pinilit ko. pinilit kong burahin ang nararamdaman ko para sa iyo. pasensya na (sa nagbabasa), hindi ko masabi ng diretso. maaaring di mo maintindihan (sa nagbabasa pa rin). ganito yata talaga kapag naiisip kita (sa kanya na ito…).

naduduwag pa rin talaga ako. di ko masabi ang gusto kong sabihin. pwede kong isigaw. pwede rin naman akong umiyak. pero ayoko lang. ayoko ring saktan ng husto ang pride ko. sana nga lang meron pa ako.

higit pa sa paglaslas ng sarili kong laman,

higit pa sa paghampas ng ulo ko sa pader,

at higit pa sa pagdukot sa sarili kong bituka.

kailangan ko nang magising sa panaginip na ito.

hindi ko ito itinuturing na bangungot.

pero tama na.

baka hindi na ako magising.

++++

masyado bang seryoso. sa mga nakaraang araw puro ganitong klaseng kababawan ang mga nagagawa ko. gusto ko lang talagang ilabas ito eh. kapag sinusubukan ko kasi itong buksan sa ibang tao, hindi nila ako naiintindihan. at hindi ako makakuha ng matinong sagot kapag nagtatanong ako.

ang sabi nila, ang taong sulat ng sulat at risk sa pagiging schizphrenic.

pero ako, since birth yata… retarded na.

:)

MAY MASABI LANG

acknowledgments:

nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa talaga ng blog ko. salamat sa mga nakaka-relate sa kaartehan ko. salamat sa mga naaasar sa kababawan ko. salamat sa mga natutuwa sa ka-jolog-an ko, salamat sa nagre-react kahit di naman kailangan, salamat talaga. kulang ang salitang salamat para lang maiparamdam ko kung gaano kayo kahalaga sa akin. pero, salamat talaga.

INTRO:

"kung pride lang ang pag-uusapan, marami ako nyan. masyadong mataas..

minsan naman sa sobrang baba, parang wala na."

*****

alam niyo, naguguluhan na talaga ako. parang lagi akong wala sa sarili ko. maraming bagay na gumugulo talaga sa pagkatao ko na hirap na hirap akong tanggapin.

una, isa akong REKLAMADOR… ewan ko. mahilig akong magasabi ng mga ganitong linya..

"hindi naman sa nagrereklamo ako, pero… (at ayun, magpapaliwanag na naman ako. pero hindi talaga ako nagrereklamo. hay, paano ko ba talaga sasabihin? naman eh! )

pangalawa, ako ang taong PUNONG-PUNO NG MALISYA (basta nga mabait ka lang sa akin, pakiramdam ko bukas, tayo na! grabe, san ka pa? ano, sasama ka pa ba sa akin?)

pakiramdam ko, kaya rin ako ginawang ganito ng Diyos dahil alam niya na wala pa akong kontrol sa mga bagay-bagay: psycho, gago, magulo, tabachoi, ewan. jologs.

gaya nito: gustong-gusto ko na magkasyota. talaga. pero alam ko sa sarili ko na ako yung taong: "lahat ng gusto mo, tamang sunod ako. bigla na lang, naisip mo, ayaw mo na." (kanta ng kamikazee.. director’s cut)

ikatlo: ako yung taong NAPAKARAMING GUSTO SA BUHAY PERO DI MALAMAN KUNG ANO ANG UUNAHIN.

gusto ko maging mayaman, maging writer, nurse, teacher, trainer, painter, dubber, artist, singer, mangtataho, driver, rally-ista, pokpok, mamasang, bugaw… name it. lahat naman gusto ko talaga. walang biro. gusto ko na rin magkaasawa, magkaanak, magkapamilya.

ambisyosa, inggitera, loka-loka…. 

ang tanong, sa oras na may makuha ako isa sa mga yan, kakayanin ko ba?

ayoko na sanang  pagdudahan ang sarili ko kapag may gusto akong gawin, pero tila lagi akong natatakot at kinakabahan. ang sabihin nga lang na gusto ko siya, di ko magawa.

ikaapat- ako yung taong FEELING MAGALING PERO WALA PA SA KALINGKINGAN NI SHAIDER (feel ko lang gamitin si Shaider)

mahilig akong magsulat, magdrawing, kumanta, magbutingting… kumain, matulog, sumayaw mag-isa, magsalita mag-isa.. yan..

pakiramdam ko magaling na ako. pero ang totoo, nagmamagaling lang. madalas, kung magsalita ako, akala mo, alam na alam ko talaga. baka nga nakakaasar na. sori naman.

ikalima- ako ang tinaguriang "SILVERTOES" ng quezon city! mabuhay!

wala lang. pakiramdam ko, kahit ang taba-taba ko, maganda ako. feeling ko nga may gusto siya sa akin eh. (hayaan mo na ako, lahat naman ng tao, entitled maging maganda sa sarili nilang paraan. ako lang talaga, ashumera—mahilig mag-assume.)

ikaanim- ang dami pa. di ko na alam kung ano pa ang sasabihin ko.

*********

di ko namalayan, nakapagsulat na naman ako.

ayus ah!

OUTRO:

hangga’t nararamdaman ko pa ito para sa iyo, ipagsasabi ko rito. gusto kita. talaga. seryoso. (para mabawasan na.)

wag mo lang mababasa.

ano ba yan, di ko pa sabihin ang totoo..

mahal na yata kita. (sheeeeetttt.. di talaga mawawala ang landian portion!)

PAHINTULUTAN NIYO SANA AKONG SABIHIN ITO: isang bukas na liham

panimula:

nagpapasalamat muli ako sa mga nadagdag na taga-BAsa ng blog ko (ang diin ay nasa ikatlong syllable). kulang lang din talaga ako sa salita para maipamalita sa inyo ang pasasalamat ko.

please read:

sana po, pahintulutan niyo akong magsalita sa ganitong paraan.

ang istorya:

kayang-kaya kong itago talaga. kayang-kaya kong magkunwari na hindi ako natutuwa pag nakikita kita, na hindi kita nami-miss pag wala ka, na hindi kita hinahanap pag di kita maramdaman. pero, ang mga kamay ko, hindi ko rin talaga kayang pigilan na isulat ang totoo kong nararamdaman para sa iyo.

akala ko dati: wala nang taong kukuha pang muli ng atensyon ko, wala nang taong hindi magpapatulog sa akin sa gabi pag naiisip ko, wala nang taong magpapangiti sa akin sa umaga tuwing maaalala ko, wala nang taong nagpapasaya sa akin kapag nalulungkot ako. mali pala ako. kasi, ikaw yun eh. (pucha, ngayon siguro na nagbabasa ka… ikaw na mambabasa… ikaw nga! nakokornihan ka na. wag kang mag-walk-out. intindihin mo ko. hirap kasing maging girl… huhuhuhu!!)

tuloy ang usapang kamaisan…

alam mo, sa totoo lang, alam ko naman na alam mo na may gusto ako sa iyo (sheeeeeetttt!! nahihirapan talaga akong tanggapin  ito sa sarili ko noon pa man! dito lang ako nagkalakas ng loob na masabi ang totoo kong nararamdaman kasi alam kong hindi ka nagbabasa ng blog! at ipinagdadasal ko talaga na mabasa na ito ng buong madlang earth, wag lang ikaw!)

pwede ko naman sabihin sa iyo nang tahasan na may gusto ako sa iyo. kasi natatakot ako na mawala ka; kagaya ng ibang lalaki na kapag nalalaman nila noon na may gusto ako sa kanila, hindi na nila ako pinapansin the following day (what’s wrong with me? hindi naman kasi sila syosyotain di ba? mukha bang aaswangin ko sila? mukha lang akong manyak pero ginagalang ko naman sila noon eh.)

going back…

ngayun, dabarkads naman tayo. masaya na ako doon. at least lagi kitang makakausap kung kailan ko gusto. kaya kong makiharap sa iyo nang hindi ako nag-aalinlangan (kaso, minsan, nahihiya talaga ako sa iyo. akalain mong nabuhay mo ang hiya sa dugo ko! napatunayan kong naging dormant lang talaga yung hiya ko sa balat ko. thank you! at i love you na rin… sana pahintulutan mo!)

alam mo, wala lang. masaya talaga ako at sa ngayon nakilala kita. inpacho (infatuation) lang naman ito, lagi naman kasi akong ganito basta may gusto akong tao (alangan naman sa aso, sa daga, o sa mosquito). pero alam mo, nag-wish ako sa shooting star, sabi ko sana magkasyota na ako. ang mali ko lang, dapat specific. so, para maging specific, sana ikaw! (pucha, kinikilig talaga ako habang tina-type ko ito. kaso silent lang. nasa computer-an kasi ako. behave lang! wahahaha!!)

OA na naman nga ako. lagi naman kasi akong ganito eh.. dami ko kasi masyadong phenylethylamine(like amphetamines; makes lovers feel euphoric and energized, giddy ) sa katawan pag naaalala kita. (ang hirap talagang aminin nito! sana talaga wag mo mabasa. di ko kakayanin pag sinabi mo sa akin na ayaw mo sa akin at mababasted na naman ako ng pang-50th time! Sakuragi, nasaan ka na?)

=+++++++++++++=

tama na nga ito.

babalik ako pag may masasabi na akong matino.

nababaliw kasi ako sa iyo eh.

panapos:

sa nagbabasa, alam mo na siguro kung ano ang tinutukoy ko.

secret lang natin ito ah? hindi ko rin naman siya pinangalanan.

MGA ALAALA MULA SA KAHON

ACKNOWLEDGMENTS:

nagpapasalamat ako sa mga patuloy na nagbibigay ng mga komento nila dito sa blog ko. salamat at binaasa niyo ang lahat ng mga kagaguhan na nilalagay ko rito. salamat sa mga papuri at sa mga kritisismo.. sa tips… sa wala… wala na,..

INTRODUCTION:

masyado yata akong natuwa sa mga huling komento na natanggap ko rito at medyo naging pambobo na naman ang mga naging ideya ko.. patawad naman…

naging matumal kasi ang pasok ng comments nitong undas… dala nga kaya ng undas kaya nag-take-a-break ang mga “feeling ko fans ko”? ahahaha!!! my bad… sorry..

nitong huli.. medyo hindi ko nabibigyan ng oras na mag-isip ang sarili ko. masyado na akong naging “lax”. araw-araw kasi, pare-pareho lang ang ginagawa ko.. ngayun nga hindi ko rin maintindihan ang pinagsasasabi ko.

~MGA ALAALA MULA SA KAHON~
noong isang linggo, parang di ko maintindihan kung ano yung naaamoy ko sa isang sulok ng bahay namin…

sniff… sniff… amoy patay na daga!

naitanong ko na lang sa sarili ko: “paa ko ba yun?”

hindi siguro.. buti na lang tama ako… patay na daga nga.

naisip kong oras na nga yata para maglinis ako sa mga sulok-sulok. sa totoo lang, ayoko talaga kasi nakakatamad mag-usog ng lahat ng mga kahon at mabahing sa dami ng alikabok at sumungkit ng isang bola ng buhok ng aso ko… pero ayun na nga. sige, simulan na ang giyera ng mites at germs! sama mo pa yung mga alupihan na kasing bilis ni Flash! at mga singsing-pari na parang kikay yung design nila pag bumibilog sila!

sinimulan ko ng buksan ang mga kahon… tapon dito.,.. tapos doon.. mga notebook at iba pang papel na sinira ng mga walanghiyang daga! mga durog-durog na piraso ng mga ewan ko kung ano nga ba yung mga fragments ng mani… ewan ko talaga.

tuloy ang kuwento.

sa dami ng tinapon ko, napukaw ang pansin ko ng isang notebook… mukhang bago pa ito.. ang pabalat, ayos na ayos pa. at walang gusot ang bawat kanto. at dahil naiinip ako sa ginagawa ko noon, tiningnan ko iyon, binuksan at nilipat-lipat ng pahina.

ah… notebook ko nung first year college ako. konti lang ang sinulat kong lecture. tamad talaga ako. chemistry notebook ko kasi yun. medyo hindi kasi ako trip ng subject eh.

sige, turn the pages pa…

habang lumalayo na ako, mayroon akong nakita na sinulat ko dati. akala ko nung una, steno kasi super pangit ng sulat ko.

kuwento na nabuo ko noong mawalan ako ng scholarship.. ginawa kong biro na naman kagaya ng nakagawian ko nang gawin kapag nalulungkot ako tapos isusulat ko yung istorya.

natatawa nga ako. naalaa ko yung mga kagaguhan ko nung college pa ako. hindi na rin ako magtataka kung bakit hindi ko na ulit nabawi yung scholarship ko.

cutting-era kasi pala ako. at hindi mahilig mag-aral. ayun nga ang napala ko.

nalaman ko rin na napa-123 pa ako sa dyip sa sobrang lungkot ko. OA na maituturing kaso kasi talagang hindi naman kami mayaman talaga at kailangan ko talaga ang scholarship na yun.

tinawanan ko na lang. huli na rin naman kasi para magsisi pa ako para dun, di ba?

turn the pages uli…

ayun.. mga abstract drawing naman. mukha ng teacher ko na kamukha ni WHAMMY. ahahaha!!! mga caricature ng mga kaklase namin na kinakaasaran namin, mga drawing ng inimbento kong anime characters.. at yung iba, sulat na walang kuwenta. vandal sa sariling notebook.

nakakatawa talaga kapag binabalikan yung mga memories. mga kalokohan na kung iisipin ang korni talaga pero nakakatawa dahil di ko maisip na nagawa ko pala yun! di ko nga alam na halos nagbubuhay high school pa ako nung college pa ako.

ito ang isang example:

FLAMES

NAME NI CRUSH na PROF
at
NAME NG INYONG LINGKOD

result: E

to decode:

akalain mong nakukuha ko pang maniwala dun. asa pa ko! dapat may “B” dun eh… as in “basted”!

tapos, yung mga dialogue na ganito:

classmate: “kakatamad no?”

ako: “oo nga eh!”

“tara”
“saan?”
“sa canteen. kain na lang tayu”
“sige”

ayun, isang sem puro ganun. tumaba tuloy ako.

at naalala ko bigla na may eksena pang ganito dati:

teacher: Ms….. why do you keep on laughing? what’s funny?
ako: Ma’am, hindi po ako yun! ahahaha!!!
teacher: get out!

after 2 hours..

sa text: tol, san ka? hnp ka ni mam!
reply ko: sb nya, get out. uwi na ko. di nmn nia cnb get out of d rm, of d skul, o kaya out of d country.. umwi nq.
reply nia: ok. ingatz! :)
+++++++++++++

at ilang oras akong naglilinis?

apat na oras.

hahhhhchooo!