MY THOUGHT IS ALL OVER THE PLACE

bago ko pa simulan ang lahat, nabalitaan ko kaninang hapon na may nangyaring pagsabog sa Glorietta 2. nakakalungkot at nakakatakot.

wala akong masyadong alam sa mga nangyari. pero atin sanang ipagdasal ang mga nasaktan at nasawi pati ang kanilang mga pamilya at iba pa nilang mahal sa buhay.

isa itong hindi inaasahang pangyayari.

sana hangga’t maari huwag na itong maulit.

(mag-alay po tayo ng konting katahimikan at magnilay-nilay. magpasalamat tayo sa Diyos dahil hanggang ngayon, tayo at pati ang mga mahal natin ay buhay at ligtas.)

***mukha lang akong walang pakialam pero ang totoo, i care.

"kapag mahaba ang blog entry, walang masyadong nagbabasa."

                              

acknowledgments:

patuloy pa rin akong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagbabawas ng ilang minuto ng kanilang buhay para lang basahin ang mga sinulat ko rito. hindi ko talaga alam kung paano kayo napupunta sa page na ito pero salamat talaga at pinayagan ng tadhana na mapunta kayo rito.

always welcome naman kayo rito eh. koment lang ng koment. wag mahiya.

para cute.

istorya no. 1: nakakatuwang isipin na nakakuha ako ng mga komento sa previous blog entry ko.

may nagsabi dun na ang "kapal daw ng mukha ko" oo, kapatid. makapal talaga ang mukha ko. hindi nga lang mukha ko ang makapal sa akin eh. pati mga bilbil ko makapal din. hehehhehe!!! :)

may nagsabi naman na parang magkahawig kami ng pagsulat ni Bob Ong. Actually, idol ko nga rin siya eh. kaya lang hindi ako mahilig bumili ng libro niya. ang hilig ko, manghiram tapos mamburaot na lang… in short, hindi ko na isasauli. hahahaah!!!! medyo nga malaki ang impluwensiya niya sa akin eh. napansin ko rin yun. ang pinagkaiba nga lang, siya medyo on politics. ako? hindi. makasarili ako, eh. ang kuwento ko, ako, ako at wala nang iba kung hindi ako .  sorry, ah? feeling kasi ako at aminado ako doon. ako naman ang bida ngayon. ‘yaan mo na.

mayroon naman binigyan ako ng tips. oo nga tama sila. kanya-kanyang kuwento nga lang. hindi naman kailangan ng isang magaling na tao para lang sundin mo . ang puso at utak mo ang langis. kamay mo ang umaandar. ang tambutso, yung bibig mo. ibang klase. sana lang walang maitim na usok. para masaya.

mayroon naman natutuwa sa mga sinulat ko. salamat din sa inyo. kahit mababaw lang, na-appreciate niyo naman. salamat at nai-entertain ko kayo. salamat talaga.

yung iba naman naka-relate. buti naman hindi lang ako ang nag-iisang nag-e-emote dito.

istorya no. 2: hanggang kailan kaya mabubuhay ang blog kong ito? ngayon lang
kasi ito, eh. hindi ko rin alam kung featured ang blog ko sa friendster
kaya natataon na napapadaan kayo rito.

kung bibilangin lahat-lahat, halos nakaka-isandaang blog entries na ako rito. pero yung mga nauna, wala lang. flop. walang pumapansin. nilangaw. keber. walang pakialam ang mga tao sa akin.

pero hindi naman ako tumitigil.

at sana, hangga’t nandito ako at nagsusulat, huwag akong magsawa.

at sana ikaw rin. (ikaw nga!)


istorya no. 3:
sa totoo lang ang dami-dami ko talagang gustong mangyari sa buhay ko.
ang sarap nga talagang mangarap eh. sabi nga ng pinakagasgas na linya,
"LIBRE LANG MANGARAP." nakakatakot nga lang ring isiping darating ang
panahon na pati ang pangarap may bayad na rin. paano kaya yun, no?

gusto ko maging writer. tamad naman akong magsulat.

gusto ko rin namang maging sikat. duwag naman ako.

gusto ko rin magkapamilya. pero hanggang ngayon… kahit boypren wala ako. pakingsyet naman! (ayus lang.. uhuhuhuhuh!! darating rin yan.)

gusto kong yumaman. hindi ko naman alam kung paano.

gusto kong maging matalino. hindi naman ako marunong makinig at hindi rin ako mahilig magbasa.

gusto kong maging complete. ahahahaha!!!

ang sarap magkuwento. ang sarap magsalita. pero sa call center, yun na yung ginagawa ko araw-araw. at hindi pa ako nagsasawa. kaso English. Limitado tuloy. *nosebleed*

ang sarap rin sanang gumalaw mag-isa at lahat ay makukuha mo nang mag-isa ka lang. walang manunumbat. walang sisita. pero sa kaso ko, pinipilit kong mag-isa. pero di ko pa kaya. ayun, lahat ng sumbat at sita, nakukuha ko! badtrip talaga. pero okay lang yun.

"emote lang nang emote. kaya nga ako nakakasulat."



6 Comments so far

  1.   'Johnny' on October 19th, 2007

    Haha…Kabayan. Salamat sa comment. Hehe.

    Lahat naman tayo ay nakakaranas ng mga araw kung saan wala tayong gustong gawin kundi mag-emote at magdrama.

    Tignan moko, may mga araw na daig ko pa ang isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

    Minsan nga, talo ko pa gelpren ko. ^_^

    (Atin-atin lang yun ha! Lagot ako sa kanya pag nabasa nya ‘to. Hehe!)

    Oo, halong nakakalungkot, nakakatakot, at nakakainis ang nangyari sa Glorietta. Lamo ba, nung umuwi ako sa Pilipinas last year, naalala ko pa na nag-Kodakan pa kami ng mga kaibigan ko dun sa EXACT SAME PLACE kung saan sumabog.

    Sya nga pala, nabanggit mo na hindi ka sigurado kung na-feature na dito sa Friendster ang blog mo…

    — Konting payabang muna, kung ok lang —

    Isa ako sa mga “Featured Bloggers” dito sa Friendster. Mag-dadalawang taon narin siguro. Tulad mo, nagumpisa ako sa mga entries na tinatawag nating “flop” o walang nagbabasa. Pero nagpursige ako, gumawa ng mga “ADVERTISEMENTS” sa mga iba’t ibang profiles at blogs, at unti-unting nagdatingan ang aking mga readers.

    Oo, nakakatuwa at nakakataba ng puso kung alam mo na may mga pumapansin pala sa iyong mga pinaghihirapang entries.

    Wag kang mag-alala. Sa mga nababasa kong entries na iyong ginawa at sa mga comments na iniwan ng iyong mga tagahanga, unti-unti mo nang nararating ang kasikatan na lahat ng “aspiring writers” ay palihim na inaasam.

    Saludo ako sa’yo at inaalay ko ang aking suporta.

    Pinoy Pride. All the Way.

    COMMERCIAL MUNA…

    Visit my Friendster Featured Blog:

    http://johnny_gelato.blogs.friendster.com/

  2.   happy c0ntented on October 25th, 2007

    hi babae po kayo?
    gnda ng blog. mahilig po akong magbasa basa ng mga bl0gs. hayun, natagpuan ko bLOg mo ate/kuya.(d q po alam ung gender nio eh) me blog din po ako. try nio po visit kpag d kau bc . ket po makapal fez ko, lulubusin ko na. geh po! kip writing!!
    Godbless.Ü

  3.   ryanjohn on October 29th, 2007

    2 thumbs UP!!! Astig mo!! keep it up!

  4.   ryanjohn on October 29th, 2007

    u know what para kang smart, simply amazing! hehe. plz add me up ryanjohn_hernandez@yahoo.com

  5.   lola on October 31st, 2007

    astig ah. mga words mo parang mga bulaklak na kusang namumukad mula sa iyong puso. hahaha
    galing mo!
    buti na lang at nakakaranas tau minsan ng pag iisa at sa mga oras na wala taung makakausap ay madaming mga ideya na sumusulpot sa ating isipan at sa tulong ng tech natin ngaun ay madami ang nabibigyan ng inspirasyon.
    salamat rin sau isa kang tunay na pilipino at nararamdaman ko ang puso ng isang nurse sa yo. hehehe
    God bless!

  6.   QuiNcy on November 15th, 2007

    hello..tlgang c bob ong idol ño ah..preho tau..hehehe,..
    naku sister,gawain moh din pla ung term mohng mamburaot, ung d bi2li ng book..konten2 sa panghi2ram din alng solian jejeje same hobbies ah… keep up the good work..I found it something to idolize 4 jejeje jowk

Leave a Reply