IF I DIE TONIGHT, WHO SHALL TAKE ME? (a repost)
acknowledgments:
nagpapasalamat ako sa mga taong naglalaan ng ilang minuto para basahin ang blog ko. muli, inilalathala ko ang isang blog entry ko noong nasa 4th year college ako. para sa inyo ito. feel free to post your comments. walang bias dito. kahit ano ilagay niyo. okei?
muli, salamat.
****
Disclaimer:
hindi maipagkakailang isang reklamador ang inyong lingkod. ang mababasa niyo sa mga susunod na talata ay isang biro lamang na nagawa ko dahil noong mga panahong naisulat ko ito, sobrang lungkot ko. parang gusto ko nang magpakamatay noon pero gumawa na lang ako ng joke na ewan ko kung nakakatawa pero basahin niyo na lang. medyo may kahabaan ito kasi nage-emote ako noon. sakyan mo na lang. matatawa ka rin naman kahit papaano.
***
DEFINITION:
SUICIDE: –noun
1. the intentional taking of one’s own life.
2. destruction of one’s own interests or prospects: Buying that house was financial suicide.
3. a person who intentionally takes his or her own life.
–verb (used without object)
4. to commit suicide.
–verb (used with object)
5. to kill (oneself).
[Origin: 1645–55; INTRODUCTION:
When all usefulness is over, when one is assured of an unavoidable and imminent death, it is the simplest of human rights to choose a quick and easy death in place of a slow and horrible one.
Suicide note.
~~ Charlotte Perkins Gilman, writer, d. August 17, 1935
( As an advocate for the right-to-die, Gilman committed suicide on August 17, 1935 by taking an overdose of chloroform. She “chose chloroform over cancer.”)
****
PROLOGUE:
kaninang hapon, umuwi ako ng bahay, nakita ko na naman ang matindi kong problema. tila isang sampal sa akin ang araw-araw na danasin ang problemang ito, natatakot ako.
gusto ko nang takasan ito matagal na. bata pa lang ako, parang gusto ko nang iwan ang mundo at sabihin sa problema ko na huwag niya na akong hahabulin. mabagal akong tumakbo. hayaan mo na lang akong umalis. hayaan mo akong makatakas sa iyo at iwan mo na akong mag-isa.
di ko tahasang masabi kung ano talaga ang problema ko. nakakainis lang nito, kasi naman maaaring nababasa ng lahat ang sulat na ito.
lahat na yata problema ko. hindi ko sinasabing kaawaaan ako ng mga tao. alam natin na sa buong PIlipinas at sa buong mundo, hindi lang naman ako ang nagkakaganito. marami kami. at marami sila na mas malala ang problemang dinadala.
ano bang problema ko?
ang problema ko ay ang problemang lagi kong kasama. lagi kong dala. hindi puwedeng wala ako nito. kahit kailan problema ko ito. mula pagkapanganak sa akin at maaaring hanggang mamatay ako, problema ko pa rin ito. problema hindi ng ibang tao kundi akin lang.
ang tinutukoy ko ay ang sarili ko.
tatakasan ko ang sarili ko? paano ko naman gagawin yun?
siguro kung kakalabanin ko ang sarili ko…
mas maganda siguro yun.
(kame hame wave!)
***
PART 1:
sa loob ng 24 oras, 2 oras akong tumatawa, 5 oras na tulog ako (o minsan wala pa akong tulog), 3 oras na kinikilig (kapag nakikita ko yung professor ko), 12 oras na nasa eskwelahan kasama ang mga kaklase ko, at yung iba ay ang mga oras na nag-iisip ako kung gusto ko pa bang mabuhay o sawa na ako.
***
PART 2:
talagang kakaiba. kung kailan kailangan ko ng kausap, saka ako walang pwedeng makausap. lahat kami busy. ang bestfriend ko, busy. wala yata siyang panahon para istorbohin. yung isa ko namang kaklase mukhang pagod siya sa buong maghapon. wala naman kaming telepono sa bahay para maka-dial man lang ako at makausap ang kaklase ko dati na lagi kong nakakatelebabad. wala naman na akong boyfriend. matagal na matagal na iyo nang huli ko siyang makausap. anak ng tinapay naman oh!
***
PART 3:
tila totoo.
when you laugh, the world laughs with you…
when you weep,
you’ll weep…
ALONE.
****
PART 4:
kanina, ginagawa ko yung assignment ko sa NCM. nabasa ko yung mga quotes na ewan ko kung saan nanggaling. naisip ko, lahat ng mga quotes na ito ay ang mga bagay na kahit kailan, nasabi ko man sa sarili ko, hindi ko naman na-apply kahit kailan. mahirap tuloy para sa akin na i-explain lahat yun.
sampu pa naman yun.
PRIMARY DEFENSE MECHANISM: REPRESSION.
my primary resort as of now: MUSIC THERAPY.
thanks to SIGMUND FREUD.
****
PART 5:
lahat tayo sa mundong ito ay mga pasyente ng isang napakalaking center for mental health.. ang earth. yun lang, meron lang nasa loob at meron ding nasa labas. ako, parang mas gusto ko sa loob. oo, mahirap. pero kung susubukan kong pumasok dun, parang gusto ko.
subukan ko kaya?
di kaya kailangan ko lang ng PSYCHOLOGICAL REST? (parang yung sabi ni Sir Jesse Joey Alvarado.. yung prof ko dati sa MAD… maladaptive behavior po yun, hindi MAMAMAYANG ADIK SA DROGA)
baka masyado lang akong maraming iniisp. hindi nga kaya?
****
PART 6:
ako… kung mamamatay ako ngayon, gusto ko, mamatay ng parang kahit kailan hindi ako nabuhay sa mundong ito. yun bang pag nawala ako, lahat ng taong nakakakilala sa akin, malilimutan nila ako. na lahat ng records na tungkol sa akin, mawawala. mabubura. walang record sa school, wala sa bahay, wala kahit saan. gusto ko, pagkatapos kong mawala ay mabubuhay uli ako pero pupunta ako sa mundong walang nakakakilala sa akin at kahit kailan walang kikilala sa kin. wala. walang papansin. walang ngingiti. walang tatawa. wala lahat.
pero malungkot rin ang ganoon. kaya lang…
ewan ko. paano ko ba itutuloy ito?
****
PART 7:
sa ngayon, binibingi ko ang sarili ko sa sounds na meron ako dito sa tenga ko. to be exact, 15000 hz (normal rannge: 20 to 20,000 Hz) ewan ko kung music therapy pa ‘tong matatawag. pero medyo gumagaan na ang loob ko.
****
OUTRO: PAPER AND PEN QUIZ
directions:
get your pen and paper. answer this as honestly as you can. read each choice carefully. then write the letter of your answer. YOU CAN CHOOSE AS MANY AS YOU CAN.
SITUATION: malayo ako ngayon sa bahay. ano kayang gagawin ko para wakasan na ang buhay ko?
a. magpasagasa sa truck.
*kung ito ang sagot mo, mali ka.
Rationale: baka masira ng truck. kawawa naman yung truck.
b. uminom ng lason
*kung ito rin ang choice mo, mali ka pa rin.
Rationale: na-try ko na kumain ng mighty bond. wala namang nangyari sa akin. yun lang nga hindi siya masarap at dumidikit sa gums.
c. magbigti
*kung ito rin ang choice mo, mali ka pa rin.
Rationale: ang bahay namin ay gawa ang sa mixed materials. pag nagbigiti ako run, magko-collapse ang bahay namin.
d. magpalapa sa mga mababangis na hayop especially sa crocodiles
*mali ka pa rin.
Rationale: kawawa naman ang mga hayop. magkaka-hyperlipidemia (excessive fats/lipids) sila sa akin. mauuna pa silang mamatay sa akin. magkakaroon pa sila ng coronary heart disease. animal lover po ako.
e. maglaslas
*ayoko nito. wag mo itong pipiliin.
Rationale: Takot ako sa dugo. At saka gusto ko, maganda pa rin ako pag namatay ako. ayoko ng nakangiwi. baka matawa lang ang SOCO sa akin. Sayang din ang TV exposure if ever!
f. uminom ng maraming, maraming, maraming, maraming mantika tapos matulog nang busog
*wag naman ‘to! masyadong brutal. hindi naman ako mahilig dito!
Rationale: Baka mamatay ako ng bata. (peste naman, kaya nga naisip kong magpakamatay di ba? pero please don’t choose this. ayoko nito!)
g. wag na lang. I SHOULD divert my attention.
*naguguluhan na talaga ako. ano nga ba talagang gagawin ko?
Rationale: mas masarap mabuhay. pilitin ko na lang sigurong ngitian ang lahat ng bagay. sabi nga ng isang quote: “Everyone who lives in this world are beautiful. You might not be thinking the same but try to smile. You never know… somebody might be falling for that smile.” WHEW!! DUDUGO ANG ILONG KO.
h. Pray to GOD
*wala nang tatalo pa sa sagot na ito.
Rationale: Si GOD lang ang nakakaalam ng lahat. siya ang ALPHA ang OMEGA. He’s the perfect adviser and the perfect healer.
i. wala. alam mong nag-iinarte lang ako.
*choose this. baka tumama ka.
Rationale: I am not drinking milk lately, which has L-tryptophan, the vehicle for serotonin. Serotonin is essential for stress (di ko na kaya mag-explain! utang na loob!pathophysiology na ito!) basta. baka nga nawasak lang ang serotonin synthesis ko kaya ako ganito.
j. wala ulit. wala kang pakialam sa akin.
*baka nga ito ang best answer.
Rationale: tandaan na ayoko ng pinapakialaman ako. but if you don’t mind, i’m happy that you still care. biruin mo, you make all the tiyaga to read this. i love you na!
k. dalhin ako sa CI (clinical instructor) na crush ko at tulungan akong gahasain siya
*magandang idea! pero i hate this answer
Rationale: Mahal ko po siya. ayokong masasaktan siya. pero kung mapilit ka, eh di sasama ako sa iyo. (joke lang ‘to! pinapatawa ko lang ang sarili ko!)
l. tumalon mula sa mataas na lugar
*maganda bang gawin ‘to?
Rationale: Ewan ko lang. Feeling ko, magba-bounce back lang ako.
Attempt: umsuccesful. Saka takot ako sa heights. May altophobia ako. huhuhu..
***
ano? alam mo na ba ang sagot?
***
IF I DIE TONIGHT, WHO SHALL TAKE ME?
***
i might be laughing today…
but tomorrow i shall be gone.
for when i wept…
no one’s with me.
***end***














ang drama! help k tlga!
answer: i’ll take you.. i’l say “Would you like to talk about it?” hahaha..
d ko to alam a.. “ang bespren ko, busy.”
response: OUCH!!
haha..chaka dolls!
hey girl.
well naisip ko na din yang mga sinu-suggedt mong paraan ng pagsu-suicide. pero alam sa kabila ng sakit na nararamdaman. at deppression mo. masarap pa din ang mabuhay no. sayang mukhang graduating ka pa naman. maraming “papa” sa abroad nyehehe. yun lang. ^^
i love ur style… i love ur writings.. i think i love you,, joke!!
na-amaze ako sa kakaibang pang-akit mayroon ang iyong mga sulatin.. ipagpatuloy mo, at naaliw ako!!
kaaliw ka bata! u r 1 hell of an INSECURED PERSON! u seem like a smart young lady pero i hope my daughter wont b able 2 read ur blogs! nkkdepress esp sa mga tender age like my daughter. i always tell her inspite of ol our physical deformities dapat bawiin sa ibang bagay like b beautiful inside, the aura wil bounce bak outside db. o kya try 2 excel in ader fields. at mdalas ko sb ‘we can survive in dis jungle called life even if d apes wont help us’.
gus2 ko style mo, life is bittersweet, pero ikaw ang driver ng life u kya better b a gud 1!
ouch! natamaan ako don ah.
sa feu ka rin ba? hahaha
la lang..nakakatuwa mga thoughts mo e. im working at the OR and when i feel so depressed tapos sobrang toxic pa parang gusto ko magnenok ng digoxin don sa tackle box namin tapos itusok ko sa sarili ko para maoverdose ako at tumigil puso ko.
pero naisip ko rin na kawawa naman mga katrabaho ko kasi matatakot sila baka magmulto ko don. hehehe
tska baka bigla nila ko hubaran don at lagyan pa ng foley catheter. yuck!
hahaha
kip up the gud work!
God bless!
Last sem i’m a 2nd yr. nursing student tas ewan ko ba umatake c typhoon insecurities at winasak ang mga pangarap ko sa pamilya ko.Sobrang naiinis ako sa sarili ko.Hindi matapus tapos ang why and if’s sa buhay ko…why panget ako? i hate my body type,my hair,my nose..mukha kong lalake. if maganda kya ko i min attractive is the right word cguro i probably showed my talent nung elementary plng ako.