October, 2007

DISORGANIZED ORGANIZATION: PART 4 PRESENTATION

ACKNOWLEDGMENTS:

medyo matagal rin akong nawala sa sirkulasyon. pero nagulat ako ng makita ko ang account ko.

new messages: 66
profile views: 400…something times
blog comments: 300…chervah!
common comment: ka-style ko raw si BOB ONG (di ako nanggagaya… pero di na ko magpapaliwanag)

comment ko: SHEEEEEEEEEEEEEEEEETTTTTTTTTTT!!! feeling ko sikat na ‘ko! ka-feeling-an na talaga ako ngayon! 

salamat talaga. sa tulong ng ispirito ni Doraemon, akalain niyong ang dami niyo na!!! salamat din kay Batman, dahil yung iba, siya na ang bahala.

napakaligaya ko. hindi nga lang talaga ako iyakin pero sa ngayon, naiiyak talaga ako sa saya.

MARAMING, MARAMING SALAMAT TALAGA!

ISTRORYA:

ewan ko. alam niyo ba sa ngayon, sa isang call center ako nagtatrabaho?

wala naman. hindi na kasi ako masaya sa ginagawa ko. hinahanap ko na ang ospital. yun ang totoo kong mundo.

kapapasa ko lang kasi ng board exam. nung una, nagrereklamo ako na BUM ako pero nng magka-trabaho naman ako, hindi naman ako natutuwa. ano ba talaga, ate? ang gulo-gulo ko talaga. ganito na yata ako pinanganak. kahit ako, di ko maintindihan ang sarili ko.

nakakaramdam ako ng tinatawag na: "GUSTO-KO-NA-PONG-MAG-RESIGN-PERO-AYOKO PO-MAGBAYAD-NG-BOND SYNDROME"

nagsisi ata ako sa desisyon ko.

>>>>nang mapasailalim kasi ako sa sumpa ng pagiging BUM nung mga panahong naghihintay ako ng resulta ng board exam (June 10-11, 2007 ako nag-exam… almost end of August na lumabas ang result), nainip ako. yun, rumampa ako sa Makati at naghanap ng trabaho. pero sa Commonwealth din pala ang bagsak ko. at ito na nga ako, nagte-take na ng calls. nahihirapan. gabi-gabing dinudugo ang utak. trying hard maging Amerikano pero isa talaga akong Dugong Berdeng Pilipino. Hay..

medyo mahirap lang talaga. sana kayanin.

ENDING:

kukwento ko rin yung mga palpak kong calls. natatawa nga ako pag naaalala ko. at yung iba nakakaiyak, nakakainis, ang tanga… basta..

pag may oras na lang…

takas lang ako sa work eh.

diyan na TL (team leader) ko..

HULI! LAGOT! 

MY THOUGHT IS ALL OVER THE PLACE

bago ko pa simulan ang lahat, nabalitaan ko kaninang hapon na may nangyaring pagsabog sa Glorietta 2. nakakalungkot at nakakatakot.

wala akong masyadong alam sa mga nangyari. pero atin sanang ipagdasal ang mga nasaktan at nasawi pati ang kanilang mga pamilya at iba pa nilang mahal sa buhay.

isa itong hindi inaasahang pangyayari.

sana hangga’t maari huwag na itong maulit.

(mag-alay po tayo ng konting katahimikan at magnilay-nilay. magpasalamat tayo sa Diyos dahil hanggang ngayon, tayo at pati ang mga mahal natin ay buhay at ligtas.)

***mukha lang akong walang pakialam pero ang totoo, i care.

"kapag mahaba ang blog entry, walang masyadong nagbabasa."

                              

acknowledgments:

patuloy pa rin akong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong nagbabawas ng ilang minuto ng kanilang buhay para lang basahin ang mga sinulat ko rito. hindi ko talaga alam kung paano kayo napupunta sa page na ito pero salamat talaga at pinayagan ng tadhana na mapunta kayo rito.

always welcome naman kayo rito eh. koment lang ng koment. wag mahiya.

para cute.

istorya no. 1: nakakatuwang isipin na nakakuha ako ng mga komento sa previous blog entry ko.

may nagsabi dun na ang "kapal daw ng mukha ko" oo, kapatid. makapal talaga ang mukha ko. hindi nga lang mukha ko ang makapal sa akin eh. pati mga bilbil ko makapal din. hehehhehe!!! :)

may nagsabi naman na parang magkahawig kami ng pagsulat ni Bob Ong. Actually, idol ko nga rin siya eh. kaya lang hindi ako mahilig bumili ng libro niya. ang hilig ko, manghiram tapos mamburaot na lang… in short, hindi ko na isasauli. hahahaah!!!! medyo nga malaki ang impluwensiya niya sa akin eh. napansin ko rin yun. ang pinagkaiba nga lang, siya medyo on politics. ako? hindi. makasarili ako, eh. ang kuwento ko, ako, ako at wala nang iba kung hindi ako .  sorry, ah? feeling kasi ako at aminado ako doon. ako naman ang bida ngayon. ‘yaan mo na.

mayroon naman binigyan ako ng tips. oo nga tama sila. kanya-kanyang kuwento nga lang. hindi naman kailangan ng isang magaling na tao para lang sundin mo . ang puso at utak mo ang langis. kamay mo ang umaandar. ang tambutso, yung bibig mo. ibang klase. sana lang walang maitim na usok. para masaya.

mayroon naman natutuwa sa mga sinulat ko. salamat din sa inyo. kahit mababaw lang, na-appreciate niyo naman. salamat at nai-entertain ko kayo. salamat talaga.

yung iba naman naka-relate. buti naman hindi lang ako ang nag-iisang nag-e-emote dito.

istorya no. 2: hanggang kailan kaya mabubuhay ang blog kong ito? ngayon lang
kasi ito, eh. hindi ko rin alam kung featured ang blog ko sa friendster
kaya natataon na napapadaan kayo rito.

kung bibilangin lahat-lahat, halos nakaka-isandaang blog entries na ako rito. pero yung mga nauna, wala lang. flop. walang pumapansin. nilangaw. keber. walang pakialam ang mga tao sa akin.

pero hindi naman ako tumitigil.

at sana, hangga’t nandito ako at nagsusulat, huwag akong magsawa.

at sana ikaw rin. (ikaw nga!)


istorya no. 3:
sa totoo lang ang dami-dami ko talagang gustong mangyari sa buhay ko.
ang sarap nga talagang mangarap eh. sabi nga ng pinakagasgas na linya,
"LIBRE LANG MANGARAP." nakakatakot nga lang ring isiping darating ang
panahon na pati ang pangarap may bayad na rin. paano kaya yun, no?

gusto ko maging writer. tamad naman akong magsulat.

gusto ko rin namang maging sikat. duwag naman ako.

gusto ko rin magkapamilya. pero hanggang ngayon… kahit boypren wala ako. pakingsyet naman! (ayus lang.. uhuhuhuhuh!! darating rin yan.)

gusto kong yumaman. hindi ko naman alam kung paano.

gusto kong maging matalino. hindi naman ako marunong makinig at hindi rin ako mahilig magbasa.

gusto kong maging complete. ahahahaha!!!

ang sarap magkuwento. ang sarap magsalita. pero sa call center, yun na yung ginagawa ko araw-araw. at hindi pa ako nagsasawa. kaso English. Limitado tuloy. *nosebleed*

ang sarap rin sanang gumalaw mag-isa at lahat ay makukuha mo nang mag-isa ka lang. walang manunumbat. walang sisita. pero sa kaso ko, pinipilit kong mag-isa. pero di ko pa kaya. ayun, lahat ng sumbat at sita, nakukuha ko! badtrip talaga. pero okay lang yun.

"emote lang nang emote. kaya nga ako nakakasulat."

GUSTO KONG MAGING WRITER…ikaw, gusto mo rin?

bating panimula:

isa itong panawagan. sana may writer na makabasa nito. bigyan mo naman ako ng tips. o kahit sino ka pa. basta yung tips na makakatulong.

acknowledgment:

nagpapasalamat talaga ako sa mga taong nag-aaksaya ng konting panahon sa buhay nila para lang basahin ang mga entries ko. salamat talaga sa inyo. kayo ang dahilan kung bakit nabubuhayan akong magsulat pa sa aking blog. hindi ko alam kung paano kayo napunta sa page ko pero salamat talaga.

salamat sa mga komento. salamat at naa-aapreciate nyo yung mga gawa ko. salamat rin kung napapangitan kayo. hayaan niyo, ginagawan ko  naman ng paraan ung mga imperfections ko sa pagsusulat. wala nga lang talaga akong pagkakataong pag-aralan ang propesyonal na paraan ng pagsusulat.

bawat saloobin niyo sa mga sinusulat ko ay mahalaga sa akin.

MEDYO SERYOSO ANG BANAT KO NGAYON:

alam niyo kasi, FRUSTRATED WRITER ako. elementary pa lang ako, nagmamaganda na ako. naging member ako ng mga so-called YOUNG JOURNALISTS for our schoolpaper. nakakatuwa nga eh. ako ang assistant editor. kaso assistant lang. pero ayus na rin. at least, nakikita ko yung pangalan ko pag lumalabas yung issue.

nung high school ako, lumipat na ako ng school. patuloy pa rin akong naghahasik ng lagim. hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maging member ng school paper nila. pero nagpapaepal ako pag meron silang poem writing contests. hindi ko lang talaga kayang kunin yung first place. kasi laging ako yung second. kasi pag sumasali ako, biglaan lang. kumbaga sa gyera, sugod lang kahit walang sandata, go lang! “bahala na si batman principle of life.”

nung mag-college na ako, medyo lumala ang pagmamaganda ko. sinubukan kong sumali sa isang nationwide contest. naglakas-loob akong magsubmit ng entry. kaso lang nung hanapin ko sa dyaryo yung pangalan ko, malaman-laman ko na lang na kalaban ko pala ang author na iniidolo ko. sina PAT VILLASAN VILLAFUERTE (sumulat ng “Digmaan ng mga Prutas”, “Masdan Mo ang Puno”). at hindi pa siya yung first place. paano pa ako na isang hamak na aliping sagigilid lang, anong binatbat ko? wala. in short, talo ako.

pero hindi na rin naman masama sa loob ko. medyo inasahan ko na rin kasi yun. pero umaasa pa rin naman ako nun na manalo sana. 30-kiyaw rin yung prize. pang-tuition na nung mga panahon na yun! pero yun na nga talo ako. sige, tawanan mo lang ako. hindi pa rin ako susuko.

hindi naman doon natapos ang pagiging bida-bida ko. sinubukan kong sumali sa writers’ circle ng institute namin. pero yun nga, hindi naman ako pumasa. English kasi eh. mahilig lang din talaga akong magmagaling pero hindi nga lang talaga pumatok dun. ayun, wala na namang nangyari.

medyo hindi pa yata ako nadala. sinibukan ko namang pumasok sa mundo ng ADVOCATE (yan ang school paper ng FEU). kaso nung araw ng exam ko, nalimutan ko. ayun, na-default ako. tawa ka uli. ang tanga ko kasi. naman!

at ngayon, ipinagpapatuloy ko pa rin ang pagmamahadera ko. dito ko naman isinasabog sa blog na ito. natutuwa ako na may pumapansin. medyo dito ko kasi ibinubuhos ang pagiging KSP ko. medyo wala kasing naniniwala sa pangarap ko na maging writer e. lagi ngang natatawa yung mga kaibigan ko pag sinasabi ko sa kanila na gusto kong maging writer. pakiramdam nila, hindi ako seryoso. para bang walang mangyayari. pero hindi. kailangang itaas ko pa rin ang noo ko. pangarap ko naman ito at hindi naman sa kanila.

kita mo naman di ba, nagdadrama na naman ako. minsan kasi, ang sarap magkuwento. kaso madalas walang nakikinig. bakit hindi ko subukang isulat di ba? baka naman may makabasa. at mag-react sila eventually.

GUSTO KONG MAGING WRITER. talaga.

sa sobrang frustration ko nga nun sumasali na rin ako sa VANADALIZERS’
CLUB (gawa-gawa ko lang yan!). nagsusulat ako sa dingding, sa kisame (kapag abot ko at sturdy
yung apakan), sa whiteboard gamit ang permanent marker, sa toilet seat
(oo, trip lang. para yung sulat ta-transfer sa pwet nung umupo. ang
korni pero sa akin nakakatawa yun. mababaw lang ang kaligayahan ko
eh!), sa benches, sa pinto, sa bahay namin, basta’t pwede kong sulatan,
sinusulatan ko.

sa ngayon, wala pa talaga akong mapatunayan. hindi pa kasi ako sikat. at wala pa talaga ako napapanalunan o kung ano pa man. pero alam kong sinisimulan ko pa lang ang unang hakbang ko.

hindi na rin naman ako nangangarap na makasulat ng libro o kung ano pa man. ang tanging gusto ko lang ay makapagsulat.

at ikaw, (oo, ikaw nga!)…

sa iyo ako magsisimula.

mag-iwan ka ng komento. sabihin mo nang sheeeeeetttt! ako kasi ang korni ko, bahala ka. ang mahalaga may masabi ka. sabihin mo rin kung natuuwa ka. kahit ano. at matutuwa rin ako.

MY AREAS FOR IMPROVEMENT:

pagdating talaga sa THOUGHT ORGANIZATION, nadadali ako. sa sobrang dami ko kasing naiisip, ang thoughts ko sabog. (ARE YOU DRUGS?) parang ganun. it’s all over the place.

kulang rin ako sa boka… bularyo.
boka lang ang meron ako.

medyo sa ngayon, hindi ko lang rin kayang mag-isa na kompletuhin ang kakulangan ko. pero willing akong palawigin ang scope of thinking ko kung may isa-suggest ka.

hindi ko plano magpakadalubhasa sa pagsusulat ng Ingles. Filipino lang ang gusto ko. Ito na siguro ang paraan ko para ipakita ang aking PATRIYOTISMO. PINOY TAYO eh!

KEEP YOU COMMENTS COMING

ACKNOWLEDGMENTS:

maraming, maraming, maraming salamat talaga sa mga taong palagi o aksidenteng nakakabasa ng blog ko. salamat talaga sa mga komento ninyo. natutuwa ako, maganda man o hindi, may katuturan man o wala, o wala talaga. nagpapasalamat ako sa inyo. ibig sabihin lang, may nakakapansin talaga ng mga katha ko.

from zero, you are a hundred plus now. i am really so happy.

TILA NAGING KONTROBERSYAL YUNG ENTRY KO NA "BASTED". salamat talaga. may iba pa akong entries. feel free to speak out.

you’ve shared a lot. and you make me so enthusiastic to write more. though, some say my lines are lame, i still thank you. i can’t please everybody, yet it won’t pull me down.

STORYLINE #1: ISANG ARAW SA CLINIC

disclaimer: hindi po ito nangyari sa akin. (totoo po, mga kaibigan.) pero dahil may pinoprotektahan ako, ia-assume ko na lang na ako ang binabanggit sa susunod na script:

subject: magpapa-medical…pasok sa clinic

med-tech: asan ang mga specimen mo?
nagpapamedical (ako kunwari): (inabot ang plastic) ayan po yung ihi ko. wala po akong stool kasi babae po ako!!!

med-tech: ?

hahahaha!!! bakit kaya walang stool ang babae? ahahahaha!!!

(KUNG NAKOKORNIHAN KA, MAG-WALK OUT KA!)

STORYLINE #2: BASTED SA HINDI NA MABILANG NA PAGKAKATAON

disclaimer: wala. hindi lang talaga ako nadadala. basahin ang susunod na script.

setting: over the phone ito mga mare! wag na muna kayong masyadong magre-react. ashumera lang talaga ako.

lalaki: blah-blah-blah-blah-kwenek-kwenek (syempre, hindi yan ang sinabi niya. marami kasi siyang kinuwento)

ako: same as the above

lalaki: natutuwa ako sa iyo. FRIENDS talaga tayo

ako: (sa loob-loob) PUTANG INA! FRIEND LIST NA NAMAN AKO!

ahahahahaah!!! ahahahaha!!! ahahaha!!!

huhuhuhu!

nauulol na ako.

STORYLINE #3: SA OFFICE

disclaimer: hindi po ako manyak. pero ang susunod na eksena ay naglalaman ng mga maseselang salita. hindi ko rin naman po iyon mga original na linya. may pinagpulutan lang ako nun. maaaring ang iba roon ay nagagamit niyo na noon pa man. patnubayan ang mga bata, baka mabasa nila.

setting: 4th floor. training room 9:00 AM

may dumaan na trainer. ang bango-bango niya. at yun lang.

dialogue # 3.1

ako: pare, freezer ka ba?
trainer: bakit?
ako: tinitigasan ako eh!!!
mga co-trainees: wahahaha!!!!! tawa to the max!

dialogue #3.2

ako: pare, tapos ka na bang mag-exam?
trainer: bakit?
ako: para ako naman sagutin mo.
mga co-trainees: wahahahahaah!!! tawa to the max!

dialogue #3.3

ako: pare, nagbabaril-barilan ka ba?
trainer: bakit?
ako: patira naman!
mga co-trainees: wahahahaah!!! wala na sila sa sarili!

dialogue # 3.4

disclaimer:  joke lang yun. di ko yun kaya sabihin sa trainer. baka masipa ako sa trabaho!

mga co-trainees: wahahahahaha!!!!

(lumabas ang trainer)

ako: hi, pa-kiss naman!

(nandiri yata yung trainer… nagwalk-out! wahahahahaah!!!)

mga co-trainees: (sniff… sniff…) ambango nga niya!!

hmmmmmm!!!!

IF I DIE TONIGHT, WHO SHALL TAKE ME? (a repost)

acknowledgments:

nagpapasalamat ako sa mga taong naglalaan ng ilang minuto para basahin ang blog ko. muli, inilalathala ko ang isang blog entry ko noong nasa 4th year college ako. para sa inyo ito. feel free to post your comments. walang bias dito. kahit ano ilagay niyo. okei?

muli, salamat.

****

Disclaimer:

hindi maipagkakailang isang reklamador ang inyong lingkod. ang mababasa niyo sa mga susunod na talata ay isang biro lamang na nagawa ko dahil noong mga panahong naisulat ko ito, sobrang lungkot ko. parang gusto ko nang magpakamatay noon pero gumawa na lang ako ng joke na ewan ko kung nakakatawa pero basahin niyo na lang. medyo may kahabaan ito kasi nage-emote ako noon. sakyan mo na lang. matatawa ka rin naman kahit papaano.

***


DEFINITION:

SUICIDE: –noun
1. the intentional taking of one’s own life.
2. destruction of one’s own interests or prospects: Buying that house was financial suicide.
3. a person who intentionally takes his or her own life.
–verb (used without object)
4. to commit suicide.
–verb (used with object)
5. to kill (oneself).
[Origin: 1645–55; INTRODUCTION:

When all usefulness is over, when one is assured of an unavoidable and imminent death, it is the simplest of human rights to choose a quick and easy death in place of a slow and horrible one.

Suicide note.
~~ Charlotte Perkins Gilman, writer, d. August 17, 1935
( As an advocate for the right-to-die, Gilman committed suicide on August 17, 1935 by taking an overdose of chloroform. She “chose chloroform over cancer.”)

****


PROLOGUE:

kaninang hapon, umuwi ako ng bahay, nakita ko na naman ang matindi kong problema. tila isang sampal sa akin ang araw-araw na danasin ang problemang ito, natatakot ako.
gusto ko nang takasan ito matagal na. bata pa lang ako, parang gusto ko nang iwan ang mundo at sabihin sa problema ko na huwag niya na akong hahabulin. mabagal akong tumakbo. hayaan mo na lang akong umalis. hayaan mo akong makatakas sa iyo at iwan mo na akong mag-isa.
di ko tahasang masabi kung ano talaga ang problema ko. nakakainis lang nito, kasi naman maaaring nababasa ng lahat ang sulat na ito.
lahat na yata problema ko. hindi ko sinasabing kaawaaan ako ng mga tao. alam natin na sa buong PIlipinas at sa buong mundo, hindi lang naman ako ang nagkakaganito. marami kami. at marami sila na mas malala ang problemang dinadala.
ano bang problema ko?
ang problema ko ay ang problemang lagi kong kasama. lagi kong dala. hindi puwedeng wala ako nito. kahit kailan problema ko ito. mula pagkapanganak sa akin at maaaring hanggang mamatay ako, problema ko pa rin ito. problema hindi ng ibang tao kundi akin lang.
ang tinutukoy ko ay ang sarili ko.
tatakasan ko ang sarili ko?  paano ko naman gagawin yun?
siguro kung kakalabanin ko ang sarili ko…
mas maganda siguro yun.
(kame hame wave!)

***

PART 1:

sa loob ng 24 oras, 2 oras akong tumatawa, 5 oras na tulog ako (o minsan wala pa akong tulog), 3 oras na kinikilig (kapag nakikita ko yung professor ko), 12 oras na nasa eskwelahan kasama ang mga kaklase ko, at yung iba ay ang mga oras na nag-iisip ako kung gusto ko pa bang mabuhay o sawa na ako.

***

PART 2:

talagang kakaiba. kung kailan kailangan ko ng kausap, saka ako walang pwedeng makausap. lahat kami busy. ang bestfriend ko, busy. wala yata siyang panahon para istorbohin. yung isa ko namang kaklase mukhang pagod siya sa buong maghapon. wala naman kaming telepono sa bahay para maka-dial man lang ako at makausap ang kaklase ko dati na lagi kong nakakatelebabad. wala naman na akong boyfriend. matagal na matagal na iyo nang huli ko siyang makausap. anak ng tinapay naman oh!

***

PART 3:

tila totoo.

when you laugh, the world laughs with you…
when you weep,
you’ll weep…
ALONE.

****


PART 4:

kanina, ginagawa ko yung assignment ko sa NCM. nabasa ko yung mga quotes na ewan ko kung saan nanggaling. naisip ko, lahat ng mga quotes na ito ay ang mga bagay na kahit kailan, nasabi ko man sa sarili ko, hindi ko naman na-apply kahit kailan. mahirap tuloy para sa akin na i-explain lahat yun.

sampu pa naman yun.

PRIMARY DEFENSE MECHANISM: REPRESSION.

my primary resort as of now: MUSIC THERAPY.

thanks to SIGMUND FREUD.

****

PART 5:

lahat tayo sa mundong ito ay mga pasyente ng isang napakalaking center for mental health.. ang earth. yun lang, meron lang nasa loob at meron ding nasa labas. ako, parang mas gusto ko sa loob. oo, mahirap. pero kung susubukan kong pumasok dun, parang gusto ko.
subukan ko kaya?
di kaya kailangan ko lang ng PSYCHOLOGICAL REST? (parang yung sabi ni Sir Jesse Joey Alvarado.. yung prof ko dati sa MAD… maladaptive behavior po yun, hindi MAMAMAYANG ADIK SA DROGA)
baka masyado lang akong maraming iniisp. hindi nga kaya?

****

PART 6:

ako… kung mamamatay ako ngayon, gusto ko, mamatay ng parang kahit kailan hindi ako nabuhay sa mundong ito. yun bang pag nawala ako, lahat ng taong nakakakilala sa akin, malilimutan nila ako. na lahat ng records na tungkol sa akin, mawawala. mabubura. walang record sa school, wala sa bahay, wala kahit saan. gusto ko, pagkatapos kong mawala ay mabubuhay uli ako pero pupunta ako sa mundong walang nakakakilala sa akin at kahit kailan walang kikilala sa kin. wala. walang papansin. walang ngingiti. walang tatawa. wala lahat.
pero malungkot rin ang ganoon. kaya lang…
ewan ko. paano ko ba itutuloy ito?

****

PART 7:

sa ngayon, binibingi ko ang sarili ko sa sounds na meron ako dito sa tenga ko. to be exact, 15000 hz (normal rannge: 20 to 20,000 Hz) ewan ko kung music therapy pa ‘tong matatawag. pero medyo gumagaan na ang loob ko.

****

OUTRO: PAPER AND PEN QUIZ

directions:
get your pen and paper. answer this as honestly as you can. read each choice carefully. then write the letter of your answer. YOU CAN CHOOSE AS MANY AS YOU CAN.

SITUATION: malayo ako ngayon sa bahay. ano kayang gagawin ko para wakasan na ang buhay ko?

a. magpasagasa sa truck.
*kung ito ang sagot mo, mali ka.

Rationale: baka masira ng truck. kawawa naman yung truck.

b. uminom ng lason
*kung ito rin ang choice mo, mali ka pa rin.

Rationale: na-try ko na kumain ng mighty bond. wala namang nangyari sa akin. yun lang nga hindi siya masarap at dumidikit sa gums.

c. magbigti
*kung ito rin ang choice mo, mali ka pa rin.

Rationale: ang bahay namin ay gawa ang sa mixed materials. pag nagbigiti ako run, magko-collapse ang bahay namin.

d. magpalapa sa mga mababangis na hayop especially sa crocodiles
*mali ka pa rin.
Rationale: kawawa naman ang mga hayop. magkaka-hyperlipidemia (excessive fats/lipids) sila sa akin. mauuna pa silang mamatay sa akin. magkakaroon pa sila ng coronary heart disease. animal lover po ako.

e. maglaslas
*ayoko nito. wag mo itong pipiliin.

Rationale: Takot ako sa dugo. At saka gusto ko, maganda pa rin ako pag namatay ako. ayoko ng nakangiwi. baka matawa lang ang SOCO sa akin. Sayang din ang TV exposure if ever!

f. uminom ng maraming, maraming, maraming, maraming mantika tapos matulog nang busog
*wag naman ‘to! masyadong brutal. hindi naman ako mahilig dito!
Rationale: Baka mamatay ako ng bata.  (peste naman, kaya nga naisip kong magpakamatay di ba? pero please don’t choose this. ayoko nito!)

g. wag na lang. I SHOULD divert my attention.
*naguguluhan na talaga ako. ano nga ba talagang gagawin ko?

Rationale: mas masarap mabuhay. pilitin ko na lang sigurong ngitian ang lahat ng bagay. sabi nga ng isang quote: “Everyone who lives in this world are beautiful. You might not be thinking the same but try to smile. You never know… somebody might be falling for that smile.” WHEW!! DUDUGO ANG ILONG KO.

h. Pray to GOD
*wala nang tatalo pa sa sagot na ito.

Rationale: Si GOD lang ang nakakaalam ng lahat. siya ang ALPHA ang OMEGA. He’s the perfect adviser and the perfect healer.

i. wala. alam mong nag-iinarte lang ako.
*choose this. baka tumama ka.

Rationale: I am not drinking milk lately, which has L-tryptophan, the vehicle for serotonin. Serotonin is essential for stress (di ko na kaya mag-explain! utang na loob!pathophysiology na ito!) basta. baka nga nawasak lang ang serotonin synthesis ko kaya ako ganito.

j. wala ulit. wala kang pakialam sa akin.
*baka nga ito ang best answer.

Rationale: tandaan na ayoko ng pinapakialaman ako. but if you don’t mind, i’m happy that you still care. biruin mo, you make all the tiyaga to read this. i love you na!

k. dalhin ako sa CI (clinical instructor) na crush ko at tulungan akong gahasain siya
*magandang idea! pero i hate this answer

Rationale: Mahal ko po siya. ayokong masasaktan siya. pero kung mapilit ka, eh di sasama ako sa iyo. (joke lang ‘to! pinapatawa ko lang ang sarili ko!)

l. tumalon mula sa mataas na lugar
*maganda bang gawin ‘to?

Rationale: Ewan ko lang. Feeling ko, magba-bounce back lang ako.
Attempt: umsuccesful. Saka takot ako sa heights. May altophobia ako. huhuhu..

***

ano? alam mo na ba ang sagot?

***

IF I DIE TONIGHT, WHO SHALL TAKE ME?

***
i might be laughing today…
but tomorrow i shall be gone.
for when i wept…
no one’s with me.

***end***