ARE YOU READY TO TAKE THE TEST?

COUNTDOWN TO BOARD EXAM DAY? ewan ko. at ayoko ring bilangin. ayokong malaman na malapit na ang araw na ito. mahirap para sa akin.

hindi ako kampante. para ngang walang laman ang utak ko. puro usok, abo— wala nga ata kahit ano. at yun ang nakakatakot.

umamin ka. hindi ka si superman. alam ko, isa ka sa mga batang pinilit ni Mommy at Daddy mag-Nursing. Wag ka nang magkaila. Mass-Com ang gusto mo diba? HRIM? ECE? pero hindi Nursing… di ba?

ako? nakatungtong ako ng 4th year. sana nga grumadweyt ako. pero ito, malapit na ang araw ng paghuhukom. pero bakit kaya ganoon? mayroon akong tanong sa sarili ko…

HINDI KAYA NOON PA MAN AY KALOKOHAN NA ANG GINAGAWA KO?

ayoko ng nursing. at nakakatakot na hanggang ngayon, ayoko pa rin nito. ano bang dapat kong gawin?

tumataga na kasi ako rito sa kurso kong ito. pero hanggang ngayon, hindi ko pa ito minamahal nang lubusan. natatakot ako.

maraming mga bagay ang inaasahan sa isang Nursing student na katulad natin.

IKAW? bilang isang katulad ko Nursing student, Hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko?

NAPAKAPALAD MO, kung ganoon.

sana, maging kasing palad mo ako.

natatakot ako.

natatakot akong mabigo.

natatakot ang bumagsak.

natatakot akong hindi maabot ang inaasahan nilang lahat sa akin.

natatakot ako.

natatakot ako kasi hindi ako natatakot.

naiintindihan mo ba?

malabo.

siyanga.

sana, sa nalalabing araw, matagpuan ko ang kalinawang hinahanap ko.



2 Comments so far

  1.   REHINA on February 25th, 2008

    wow… nag-nursing ka pala. i’m on my 3rd year level and been experiencing the same dilemma as yours. :)

  2.   gesume on July 15th, 2009

    4th year nako, BSA student, ang tanong, makakagraduate kaya akong BSA? habang tumatagal, lalo kong isinusumpa ang accounting! ang saklap! ang masama pa, walang pumilit saking magaccountancy!

Leave a Reply