March, 2007

MY VERSE: 51-44

‘Tis 12 in the morning
Staring at the dark ceiling, wide awake
While everybody’s still and all asleep

Tears fall
It’ll never stop until blood sheds out
I felt that I’ve already lost my sense of self
And all I blame is my rotten past

When will I learn
I’m all devastated
Will I ever get enough of this devastation?
Or should I resort to mutilation?

Can’t think of a way to get out from this maze
Can’t find a way
I’m fed up from all these haze!

One of these days
You might find laughing
You might see me crying
You might meet me crawling

You might say I’m crazy
But I might as well condescend
Nothing in this world has been easy

It’s hard to see
It’s hard to breathe
It’s hard to feel
It’s hard to survive

And it’s all in my perception
Living a dead life
Is something I made existing.

ARE YOU READY TO TAKE THE TEST?

COUNTDOWN TO BOARD EXAM DAY? ewan ko. at ayoko ring bilangin. ayokong malaman na malapit na ang araw na ito. mahirap para sa akin.

hindi ako kampante. para ngang walang laman ang utak ko. puro usok, abo— wala nga ata kahit ano. at yun ang nakakatakot.

umamin ka. hindi ka si superman. alam ko, isa ka sa mga batang pinilit ni Mommy at Daddy mag-Nursing. Wag ka nang magkaila. Mass-Com ang gusto mo diba? HRIM? ECE? pero hindi Nursing… di ba?

ako? nakatungtong ako ng 4th year. sana nga grumadweyt ako. pero ito, malapit na ang araw ng paghuhukom. pero bakit kaya ganoon? mayroon akong tanong sa sarili ko…

HINDI KAYA NOON PA MAN AY KALOKOHAN NA ANG GINAGAWA KO?

ayoko ng nursing. at nakakatakot na hanggang ngayon, ayoko pa rin nito. ano bang dapat kong gawin?

tumataga na kasi ako rito sa kurso kong ito. pero hanggang ngayon, hindi ko pa ito minamahal nang lubusan. natatakot ako.

maraming mga bagay ang inaasahan sa isang Nursing student na katulad natin.

IKAW? bilang isang katulad ko Nursing student, Hindi mo ba nararamdaman ang nararamdaman ko?

NAPAKAPALAD MO, kung ganoon.

sana, maging kasing palad mo ako.

natatakot ako.

natatakot akong mabigo.

natatakot ang bumagsak.

natatakot akong hindi maabot ang inaasahan nilang lahat sa akin.

natatakot ako.

natatakot ako kasi hindi ako natatakot.

naiintindihan mo ba?

malabo.

siyanga.

sana, sa nalalabing araw, matagpuan ko ang kalinawang hinahanap ko.

March 6, 1986: Araw Ko ‘To!

Magandang hapon! Heto na naman ako at nagbabalik. Si Glaiza Elevado.

March 6 rin ngayon, pero sa taong 2007. Nangangahulugang 21 taong gulang na ako. ewan ko. Sa tinagal-tagal kong naninirahan sa mundong ito, wala pang nangyayaring maganda sa akin. Lahat ng mga bagay a gusto ko pang makuha hindi ko pa makuha sa ngayon.

At ngayon pa nga, parang puro ata kamalasan ang inaabot ko, ah?

Kanina, mag-isa lang ako. Hindi pa ako nakakapg-lunch. Wala pa akong matinong tulog. NAg-combo exams pa ako. Ewan. Sana paglabas ko sa PC-han na ito, may maganda namang mangyari sa akin. Natatamad na kasi ako. Araw ko ngayon h. Araw ko. di ba?

Di bale, weather-weather nga lang talaga. Basta, hindi ako papayag na sa susunod na taon, ganito na naman. Kaya ko ‘to!

Sana maging rewarding naman ang resulta ng exams ko.