January, 2007

ANO?

hindi ko na maintindihan ang mga bagay-bagay na nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. madalas, nalalagay ako sa mga sitwasyong hindi naman ako dapat ang nakakaranas. ewan ko. masyadong magulo.

lagi lang naman din akong nagsusulat sa blog ko kasi nakakaramdam ako ng kaguluhan sa utak ko. may mga bagay na hindi ko magawang masabi kaya isinusulat ko na lang.

mga pangihinayang, pagsisisi, kalungkutan, kakaibang mga kasiyahan, mga si kapani-paniwalang engkuwentro… iyon ang madalas kong isinusulat.

parang kakaunti lang yata ang mga masasayang bagy nanangyayari sa akin eh. nakakasawa na. magulo. magulo talaga.

matatawa ako per mamaya, hindi ko na naman maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin. masyadong mabilis ang mga ideya ko. hindi ko na nga mahabol eh. ang bolpen ko, kadalasng walang silbi. pag nagkakamali ako, ang hirap burahin. hindi rin mabura sa isip ko.

hindi ako humihingi ng opinyon o ano pa man. madalas lang rin kasing wala aong makausap na matino. walang oras makinig ang mga tao sa walang kuwenta kong drama.

artista na nga ata ako eh., hindi na kasi nila malaman kung seryoso ako o nagbibiro, umiiyak ba ako o tumatawa… oo o hindi.

hindi mo talaga ako maiintindihan. ano nga ba?

ano na nga ba ako??

KUWENTONG BARBERO

DISCLAIMER: ESSAY/PARAGRAPH COMPOSITION…whatever you’re thinking. bahala na kayo kung ipagpapalagay niyo na ganito ako. basta ako, SINULAT KO LANG ITO.

______________________________________________________________

-ANG PAGTATAPAT NG ISANG SINUNGALING-

kung mayroong magtatanong sa akin ng bagay na ito: SINONG NAPAKAGALING NA BARBERO ANG HINDI MARUNONG MANGGUPIT?, baka isa lang ang maisagot ko.

AKO. oo, AKO.

maaaring hindi mo makuha ang ibig kong sabihin. pero hindi ba’t pamilyar ka sa "kuwentong barbero"? ayan, maaaring makuha mo na.

ang mga barbero. sinungaling. pero alam mo, sa tingin ko, sila na ata ang pinakamagaling na tao sa buong mundo. para silang mga kakaibang taong nakakagawa ng magic! dapat mo rin siguro silang kainggitan.

kakaiba ang istilo nila. nagagawa nilang papaniwalain ang tao lalo na kung madaling utuin ang nakikinig sa kuwento nila.

lahat ng ito, kaya kong gawin! tingnan ko nga, sa mga sumusunod, alam ko, marami diyan, nagawa mo na rin.

  • ang isang pangyayaring hindi nangyari sa kanila, nagiging karanasan na rin nila.
  • ang malaki, nagiging maliit, ang maliit, nagiging malaki.
  • ang mayaman, nagiging mahirap. ang mahirap, sobrang yaman. sobra ring yabang.
  • ang hindi naman nila nagagawa, mamaya lang kakayahan na nila.
  • ang isinulat nila, hindi mo naman mahahanap kung saan nila isinulat.
  • ang binasa nila, hindi nila alam ang pamagat.
  • ang pinanood nila, hindi nila alam ang bida.
  • ang kaibigan nila,kakaway pala nila
  • masaya sila at ngingiti pero malungkot sila
  • iiyak sila. pero dahil gusto nilang umagaw ng pansin
  • ang galing DV, naging imported. galing ng NY.
  • ang itim, naging puti. ang puti, naging itim.
  • wala na silang masabi. pero para may masabi, marami na silang katha sa mga isip nila. bibilib ka.
  • ang bespren nila, sasabihin nila, kasintahan nila. kawawa naman.
  • ang picture nila, ibibida nila. pero forced humility naman kapag pinuri. epal lang
  • ang simple nilang buhay. bukas makalawa, pang-MMK na.
  • napakayaman nila sa… BOKA…bularyo
  • ang hindi nila alam, mamaya lang alam na nila. yung mga linyang ito: "oo nga, oo nga…ganun nga yon! hindi ko lang naisip agad."
  • "wala  yan sa lolo ko"
  • ang pagkatalo nila, bigla na lang mamaya, "may premyo ako!"
  • ang bulaklak na galing raw sa isang tagahanga, TANGAHANGA lang pala.
  • ang binili niya, sasabihin niya bigay.
  • ang hindi kanya, nagiging pag-aari na niya.
  • wala namang babayaran, pero mamaya isa na iyong bayarin na dapat may nakalaang salapi… ahora mismo!
  • sa RECTO? suki!

ang saya-saya. ang buhay nila, maraming kulay.

pero isa lang rin naman ang kababagsakan niyan. lahat ay HINDI TOTOO.

marami pa. marami pang iba. hindi ko na lang maalala yung iba.

sandali ah? kung sakaling nababasa mo ito ngayon, maniniwala ka ba sa sinabi kong ito? paano kung kasinungalingan rin lang lahat ito?

alam mo bang gawa-gawa ko lang ang lahat ng iyan? ang galing no?

BARBERO AKO EH.

 

SANA TOTOO SI MIRMO

ewan ko ba kung bakit gustong-gusto ko si mirmo. kilala niyo ba siya? isa siyang fairy mula sa mundo ng mga muglox. kung hindi niyo pa rin alam, switch niyo na lang ang TV niyo sa HERO at makikita niyo. hihintayin niyo nga lang.

sana totoo siya.

kasi, bigyan mo lang siya ng chocolates, gagawin na niya ang wish mo.

ang saya nun no?

sino nga ba si Saturnino Basillia?

matagal-tagal na ring hindi kami nagkikita ni Saturnino Basillia. tuwing papasok ako sa eskuwela lagi ko siyang nakikita sa may underpass na malapit sa school namin. mayroon siyang kasama kaso walang pangalan.

at ‘pag gabi na rin akong umuuwi, yung tipong nagsasasara na ang mga tindahan sa gabi, nakikita ko rin siya. kung hindi dun sa pinto ng saradong parlor, dun sa may dingding.

myembro ata siya ng mga burgis. o baka siya yung founder? ewan. pero mukhang cool. ako kaya, burgis ba ako?

kasi, mayroon rin silang printed advertisement: Burgis ka ba? ako naman, tinanong ko rin sa sarili ko yun.

nag-e-exist ba siya? o inimbento lang?

kung tutuusin, bakit ko ba siya pinoproblema?

wala lang. nagdaan na kasi ang bagong taon lahat, hanggang ngayon kasi kung saan ko siya nakita nandoon pa rin siya. nakapagtataka. ang tibay niya. sana kasing tibay ko siya.

tinangka ko siyang hanapin sa internet. sa google. kaso ang gulo kasi eh. meron saturnino luis, benigna basillia, at kung ano-ano pang pangalan. pero walang Saturnino Basillia.

hindi naman ako nalungkot. ayos lang naman.

kakaiba kasi siya. kilala niyo ba sina Beavis and Butthead? ganoon yung itsura niya. astig nga eh. cool.

sa friendster rin kaya hanapin ko siya? makikita ko kaya? mamaya na lang. aalis na muna ako.

basta kung kilala niyo siya, pakisabi na lang sa akin.thanks!

bagong taon, bagong buhay

ngayong 2007, nagsisimula na naman ang panibagong buhay. bagong pangako, bagong pag-asa, bagong pahina ng libro ng ating sariling istorya.

masayang isipin na dahil bagong taon dapat lahat bago.

tama. masaya ngang isipin. at iisipin ko na naman ba iyon hanggang sa magtapos ang taon na iniisip ko pa rin iyon?

sana huwag. nakakapagod nang mag-isip nang mag-isip. subukan ko naman kayang gawin?

ikaw, may gusto ka bang baguhin ngayon? ako kasi, marami. maraming-marami.

sana lang wag mauwi sa pag-iisip ang lahat ng kung ano man iyan.

kaibigan, tulungan na lang.

MALIGAYANG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT.