December, 2006

A STUDENT’S REFLECTION

Hagane apat na taon na akong naglalakbay.

apat na taon nang napapagod.

apat na taon nang tumatangis. humahakot ng sama ng loob kasama ng mga tanikalang tinadtad ng kalawang ng masalimuot na alaala…

pagngiti, pagtawa, pag-iyak…lahat na.

hindi ko na kaya. magulong mundo. siya nga.

ngunit sa isang banda ng aking paglalakbay, may nakilala akong isang magandang lalaking higit ang talino ngunit hindi rin maasabing pantas. aaminin kong paghanga sa kaniya ay natagpuan ko pero hinding-hindi niya iyon matatagpuan sa akin. kunsabagay, ano ba ang hahangaan mo sa isang hamak na manlalakbay na walang dala kundi ang sarili lang niya?

isang kuwento ang kaniyang ibinahagi. nagitla ako sa aking narinig.

parang masaya sa lugar na napuntahan niya.

kung tutuusin, iisang mapa lang pala ang ginagamit namin!

kung gagawin ko kaya ang ginawa niya, maaabutan ko ba siya? maaabot ko rin ba ang mga nagawa niya?

at kung maaabutan ko man siya, hindi dahil gusto ko siyang makasama. gusto ko siyang maabutan dahil nais ko rin marating ang lugar na narating na niya.

magkakaroon rin kaya ako ng parehong karanasan nang kagaya sa kaniya?

pagkabigo.

paggapang na simula.

unti-unting tatayo.

lalakad.

madadapa.

tatayo ulit.

magpapatuloy.

magtatagumpay.

magkakaroon.

mawawalan.

paulit-ulit.

hindi ko rin alam kung bakit ko nagagawang sabihin ang mga bagay na ito. marahil, masyado ko lang iniisip ang lugar na pupuntahan ko kahit wala naman talaga akong ideya kung ano ang dadatnan ko roon.

isang metamorposis?

pagbabago?

pag-asenso?

pag-asa?

o pagkabigo hanggang sa pagkalimot?

dalawampung taon na akong nabubuhay. sa paglalakbay ko, uuwi rin ako. pero paano kung sa pag-uwi mo, lahat ng taong dadatnan mo ay umaasa ng tagumpay mula sa iyong biyahe? umaasa ng munting bagay na dala mo mula sa iyong pinagdaanan? naghahanap ng mga mahahabang kuwentong mapakikinggan mula sa iyo? inaasam na nila kahit alam mo na nagsisimula ka pa lang? magagawa mo bang magsinungaling habang umaasa sila?

oo?

hindi?

hindi madaling maghanap ng sagot.

pagkatapos kong marinig ang mga kuwento niya, marami pa akong taong naringgan ng mga parehong salaysay.

pagkabigo. paggapang na simula. unti-unting tatayo. lalakad. madadapa. tatayo ulit. magpapatuloy. magtatagumpay. magkakaroon. mawawalan. paulit-ulit.

at ngayon, lalo akong naguguluhan. pero alam ko, mahaba pa. mahaba pa ang daan. nasa dulo pa rin ako. at natatakot akong habang nasa daan ako ay sumasabay lang pala sa akin ang lupa. at hindi pala ako umaalis sa kinalalagyan ko. natatakot rin akong baka sa paglalakbay ko, hindi ko alam na nag-iikot lang pala ako sa loob ng isang selda. kasama ko pa rin ang tanikala. na hindi lang sa paa ko nakalagay kundi pati rin pala sa aking kamay.

‘igan, marahil sa iyong pagbabasa, maaari mong masabi na hanggang ngayon, napupuno ng walang tiyak na kahahantungan ang mga sinasabi ko.

negatibo.

magulo.

makalat.

mahirap matukoy.

kagabi, naisip ko: "sa mapa ng aking buhay, nasa unang pasilyo pa lang ako. dadaan pa ako sa labirinto ng panganib at sakit. at sa paglipas ng panahon, hindi lang pala ang sariling krus ang aking dadalhin. habang nasa daan ako, dadamputin at papasanin ko rin pala ang krus nina Hestas at Barabas. maglalakad ako ng nakapaa at maghahanap ng sarili kong sapin sa paa. at bago ko makalimutan, nanakawin ko na rin ang lubid ni Hudas. itatali ko lang sa leeg ko. at kapag nalaman kong hindi ko na kaya, maghahanap na ako ng matibay na puno na may matibay na sanga at doon ko ibibitin ang sarili ko."

pero sa kabila ng lahat ng iyan, sinikap kong labanan ang ispirito ng kawalan ng pag-asa. mula sa mahina kong kamalayan, hinugot ko ang kinakailangang lakas mula sa Kaniya. alam kong sasapat na iyon.

"ayokong umiyak." sambit ko sa aking sarili.

hindi nga ako malakas pero alam ko rin na hindi ako mahina. tao akong may isip at dapat na nag-iisip.

ang tanging kalaban ko ay ang aking sarili. at wala nang tatalo rito kundi ako rin.

+*+*+*+*+*+*+*+*

A STORY TO INSPIRE “ASPIRING NURSES”

***I became a member of a group named Filipino Nurses a month ago ( I think) and I posted a message there and a person named “Hollyhock” (she is so nice!) shared this to me. I was touched and upon reading this, I guess nurses are people enough to be called “the next face of life miracles”***

THIS IS THE WAY THE STORY GOES:

When the Lord made nurses….

He was into the sixth day of overtime when an angel appeared and said,
“You’re doing a lot of fiddling on this one.” And the Lord said, “Have
you read the specs on this order?”

A nurse has to be able to help an injured person, breathe life into a
dying person, and give comfort to a family that has lost their only
child and not wrinkle her uniform.

They have to be able to lift three times their own weight, work 12 to
16 hours straight without missing any detail, console a grieving mother
as they are doing CPR on a baby they know will never breathe again.

They have to be on top mental condition at all times, running on too
little sleep, black coffee, and half-eaten meals. And they have to have
six pairs of hands.

The angel shook her head slowly and said, “Six pairs of hands…no way”.

“It’s not the hands that are causing me the problem”, said the Lord. “It’s the two pairs of eyes a nurse has to have.”

“That’s on the standard model?” asked the angel.

“Lord”, said the angel, touching the sleeve, “rest and work on this tomorrow.”

“I can’t”, said the Lord. “I already have a model that can talk to a
250 pound grieving family member who’s child has been hit by a drunk
driver…who, by the way, is laying on the next room uninjured, and
feed a family of five on the nurse’s paycheck.”

The angel circle the model of the nurse very slowly, “Can it think?” she asked.

“You bet”, said the Lord. “It can tell you the symptoms of 100
illnesses, recite drug calculations in its sleep, intubate,
defibrillate, medicate and continue CPR nonstop until help
arrives…and still it keeps a sense of humor.

This nurse also has a phenomenal personal control. They can deal with a
multi-trauma victim, coax a frightened elderly person to unlock their
door, comfort a murder victim’s family, and they read in the daily
paper how nurses are insensitive and uncaring and are only doing their
job.”

Finally, the angel bent over and ran her finger across the cheek of the
nurse, ” There’s a leak”, she pronounced. ” I told you that you were
trying to put too much in this model.”

“That’s not a leak”, said the Lord. “It’s a tear.”

“What’s the tear for?” asked the angel.

“It’s for bottled up emotions, for patients they have tried in vain to
save, for commitment to that hope that they will make a difference in a
person’s chance to survive for life.”

“You’re a genius”, said the angel. The Lord looked somber. “I didn’t put it there”, He said.”

hit yourself!

a while ago, we were having our review about CD (communicable diseases) and we have this very good professor. i love the way he taught us things for today.

just when i realize, i have to do this: HIT MYSELF.

why?

i just came to realize, it’s getting close. the graduation. sooner or later, i will be taking the board exam.

i know. i know.

i must do something.

i love the lecture while having fun. we’re laughing while were on the lesson proper.

but i noticed something…

DARN ME! I HATE WHAT IS HAPPENING! I HATE ME.

I HATE ME…

for not reading very much!

GRRR!!! I just realized how my lacks hurt me!

but i know, i know… it’s not too late.