saan nga ba patutungo ang usapang ito?

nakakatawa talaga. nakakatawa kasi madali lang akong patawanin.

***

episode 401: ako si zenki

wala lang. yan ang gusto kong title eh.

nakipagkuwentuhan ako sa uncle ko kahapon. parang siya yata ang napagbuhusan ko ng sama ng loob kasi ayoko ng kurso ko…dati.

pero ang isa ko pang naikwento sa kaniya ay kung gaano kagulo ang sitwasyon ko ngayon. wala lang. para talagang armalite yung bibig ko sa kadadaldal. haynako! ewan. talagang feel na feel kong magkuwento sa uncle ko.

marahil na-miss ko lang siya. hindi kami close pero mabait kasi siya kay tatay. by the way, kapatid siya ng tatay ko. mabait talaga siya at kamukha niya si Dolphy.

ang bait niya talaga. pinasakay pa niya ako sun sa kotse nila pauwi sa amin. at least nakalibre ako sa pamasahe. ang saya! kasama ko rin yung kapitbahay namin, yung auntie ko saka si tatay ko. impyernes, bihira ko lang makasabay sa pag-uwi ang tatay ko eh.

****

episode 432: ako’y isang sosyal.

lately, kahit minsan mukha na akong basura, masaya naman ako sahil may nadudukot pa ako sa bulsa ko kahit papaano. at ngayon nga, may pera na naman ako.

hay… ang pagsisisi ko lang, parang FOREVER bulagsak na ata ako pagdating sa pera. ewan ko ba? i am an IRONICALLY WISE SPENDER… kung paano mo naintindihan yan, bahala ka na. malaki ka na.

pero ang sarap gumastos no? pero pag wala na yung pera mo, parang nanlulumo ka na kasi wala na at hindi mo na maibabalik yun.

sana maging mayaman ako. kelan kaya?

****

episode 543: “I QUIT!”

setting: sa school, FAR EASTERN UNIVERSITY

act 1: sa classroom

tenenenennen!!!! welcome, andito na si sir Eric. ang aming bagong prof.

blah… blah… blah… he intoduced himself. (sana hindi mo iniisip na blahness ang sinabi niya! masaya siyang prof!)

act 2: the lecture proper

a leader is chosen… chuba, chuba, chuba…. mahabang lecture. may series ng tawanan, katahimikan, at mga intelektuwal na sandali…

act 3: this is the moment

text…text..text.. ito na ang huling araw na magpapanggap akong lider ng aming grupo. nabuksan lang ang mga mata ko na sobra nga ang enthusiasm kong mag-lider kulang naman ako sa kakayahan.

dapat ko nang aminin. at ngayon, medyo maluwag ko na itong tinatanggap.

My Speech: (insert: balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal….)

“Mga classmates, base sa lecture natin kanina, alam ko na na hinid pa ako bagay na maging leader niyo. kaya….chuba, chuba… chuba…. marami akong sinabi.”

in short, ayoko na. it’s not that ayoko na. naaawa lang ako sa kanila.

so, iba na ang lider.

it’s not my problem anymore, it’s her problem anymore.

kasi yung isa ko na uling groupmate yung lider. bumalik uli sa kaniya yung trono. sabagay, para sa kanya talaga yun. ako, butler lang. pwede na siguro yun.

****

saan nga ba patutungo ang usapang ito?



No Comment

Leave a Reply