damn the world

episode 1: ang ghost na naglalaro ng gitara

isang gabi, bisperras ng undas, naalala mo ba nag-brownout nun? sana naalala mo. oh baka naman hindi nag-brouwnout sa inyo. ang swerte mo naman.

ang init talaga pag brownout. pero ito na ang kuwento ko.

setting: sa bahay. sa kuwarto.

nanonood ako ng Jigoku Shoujo nang mangyari ang lahat ng ito. Pinipilit kong maging kalmado kahit na natatakot talaga ako. siguro dala na rin ng stigma na tuwing palapit ang undas, lahat ng nakakatakot na puwersa at naghahasik na ng lagim ang mga kaaway ni Mang Jose. tapos, gusto ko rin talaga manood ng horror documtaries sa TV nun kaso natatakot talaga ako kaya momentarily ko lang nililipat para at least magising ako. matagal pa kasing darating si Kuya. Hinihintay ko siya. gabi na kasi siya kung umuuwi galing sa trabaho.

sa totoo lang, ako na lang ang gising sa aming kabahayan kaya talagang kailangan ko hintayin si Kuya o dun na lang siya matutulog sa labas ng bahay.

Sa gitna ng katatakutang nararamdaman ko dahil kaunting minuto na lang ay November 1 na… biglang…

"hah???? walang ilaw!!! wahhhh!!! kaasar!" bulalas ko.

para akong nagitla na akala mo ba ay maraming mga mamaw sa paligid at tatakutin nila ako ng mga mata nilang color yellow!

Sinibukan kong mangapa sa dilim. at naabot ko na ang lalagyan ng kandila.

Gumising naman ang tatay ko dahil naramdaman niya na nawalan nga ng kuryente. Tinulungan niya akong magsindi ng 2 kandila na nakuha ko sa drawer.

Para hindi na humaba ang kuwento (tinatamad na rin akong mag-type pa.)…

…habang nakatambay lang ako sa isang tabi, naririnig ko na may nagpa-pluck ng gitara. Isang string lang at ang tunog ay yun bang pinipigil niya ang vibration ng gitara. (nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin?) Kontrolado. isang string lang. 

isang beses.

pinilit kong magkunwari na walang naririnig.

isa pa ulit.

"natatakot na ako. please. utang na loob. tigilan mo yan. ayus lang na nandyan ka. pero wala kang hahawakan. wala kang pakikialaman na kahit na ano." isinisigaw ko sa isip ko.

tatlong beses kong isinigaw sa isip ko. takot talaga ako.

at maya-maya pa, humirit ito ng isang pluck ulit.

pero pagkatapos, wala na.

katotohanan o kabarberohan? bahala ka nang maghusga. 

***

ngayong araw na ito, katatapos ko lang banlawan ang mga damit na naiwang nakababad sa tubig (malinis na yun ah!) ng isasalang ko na sa spin dryer ang mga nalabhang damit. pinaikot ko na ang dryer sa 1 minute setting. tumunog lang ito. hindi umiikot ng maayos.

isa pa. binuksan ko ang spin dry tub at inayos ang mga damit.

ikot ulit. 4 minute setting naman. parang sure ako nun.

ayaw na naman.

inulit ko. ayaw pa rin.

inulit ko ito ng 3 pang beses sa iba-ibang minute settings. hindi ako nagtagumapay.

bigala ko na lang naisip, "siguro ganito ang utak ko. parang yung dry tub na may mga damit na hindi inayos. ayaw tuloy umikot."

natawa ako. naisip ko yun? konting pag-iisip nga lang parang pakiramdam ko magdurugo na ang ilong ko. nakakatawa. may kababawan. pero malalim kung iisipin.

siguro kung pipilitin ko pang paikut-ikutin ang mga bagay na nasa utak ko ng hindi ko muna inaayos ang kung anong mayroon dito, walang mangyayari. uulitin ko lang ng uulitin ito sa iba’t-ibang stupidity settings. parang ganito:

set 1: mild stupidity

set 2: moderate

set 3: stupidity

set 4: grabe, morbid na ‘to!

set 5: hay, ewan ko sa’yo, malala ka na. walang pag-asa.

***



No Comment

Leave a Reply