November, 2006

ano naman ang bago?

minsan, akala mo minamalas ka. pero ang kamalasan palang iyon ang magiging swerte mo. maraming bagay ka nang kinukuha, hindi naman pala kailangan. maraming sinabi, hindi naman pala dapat sabihin.

nakakahilo. nakakainis. nakakabagot. nakakasawa. nakakabobo.

hindi. hindi ko naman kasi alam.

***

kadalasang nagagalit ang isang tao nang wala sa lugar.

nagsasalita nang wala sa oras.

umaalis nang walang paalam.

dumarating nang walang pasabi.

nakakagulat.

hindi ko inaasahan.

***

ano bang bago? palagi naman akong ganito.

laging nagtatanong.

bakit nga ba?

ART? HINDI KO MAUNAWAAN.

maraming bagay sa mundong ito ang nangyayari na sa ating buhay pero hindi natin maintindihan. marami na tayong mga nabitawang salita na alam nating hindi na puwedeng bawiin.

unang-una na ang ART. bakit kaya ganun? ang pangit kong mag-drawing. ang pangit kong mag-render. ang pangit ko mag-shade. hay.

pero nung isang beses, pumunta ako sa isang art gallery. puro abstract lang naman ang nakita ko. napangitan ako.

pag wala kayang form, art na yun?

pag maraming kulay, art na yun?

pag pinagkaguluhan, art na yun?

pag weirdo, art na yun?

pag morbid, art na yun?

pag magulo, art na yun?

pag nakalagay sa frame, art na yun?

pag masyadong loud, art na yun?

pag hindi maipaliwanag, art na yun?

pag hindi maabot ng ordinaryong utak, art na yun?

pag mahal, art na yun?

pag sinabi nilang art, art na yun?

o di kaya…

pag mas pangit, mas art.

ano sa tingin mo?

hindi kasi ako artist eh. wala tuloy akong "artist’s point of view".

bagong sakit ngayon: MMS PHONE SYNDROME

Epal

Isa ka ba sa mga taong nagkaroon ng pagkakataon na makahawak at magkaroon ng MMS phone? yun bang may camera at pwede ka rin mag-send ng picture sa iba na may parehong klase ng celfone? nagkaroon ka ba ng magandang modelo ng fone na halos iwagayway mo na sa mga lugar na napupuntahan mo at pagkatapos: CLICK! yehey! picture!

***

ngiti dito, ngiti doon.

“halika rito! picture tayo!”

…o kaya naman may makikita kang parang siraulo sa isang tabi, nakangisi, at nagpo-pose ng iba-ibang porma at parang mababali na ang katawan, makuhanan lang ang sarili ng isang napakagandang anggulo at pagkatapos, ipo-post sa friendster.

“wow! ang cute naman nito!” *click*

“ay, ang labo! night mode natin…yan malinaw na!”

“ay, ang taas ng memory. pero okay lang, maganda naman ako rito.”

“ay, ang pangit ko naman dito, ~*delete* “delete*X100~ ayan, okay na.”

****

yan ay ilan lamang sa mga linya o sentences na maririnig mo sa mga taong mahilig kumuha ng kumuha ng picture… ang tinutukoy ko ay yung mga taong sinasabi ko kanina. yung may mga MMS celphone na may camera. ang saya no?

ako, aminado naman ako na isa ako sa kanila. mayroon akong Vodafone na may camera. Sharp ang celfone ko. Wala nun dito sa Pilipinas kasi galing London yun. bigay ng Tita ko sa akin.

***

talaga nga namang nakakangalay ang ngumiti. nakita mo naman yung ngiti ko jan sa picture ko. 50 shots muna bago kona-achieve yung ganung kuha. tapos, ang pangit pa rin. by latter time, magsasawa rin ako at idi-discard ko rin.

***

MMS PHONE SYNDROME: ito ay isang sakit na kung saan ang isang tao ay nahuhumaling na sa kakukuha ng litrato mula sa kamera ng kaniyang selpon at maaaring humantong sa isang nakakatawa o seryosong sitwasyon.

Mga Sintomas:

1. palaging hawak ang selpon

2. hindi na matahimik kapag hindi makakuha ng litrato sa loob ng isang buong araw.

3. lahat na ng klase ng position ay halos masubukan na, kahit ang imposible.

4. maraming file names na naiisip. maiba lang.

5. may isang folder sa selpon niya na kung saan, puro siya lang ang picture dun. ang mga litrato ay di bababa sa 30 kung bibilangin.

6. ang mga picture niya, iisang lokasyon lang. iisang style. iisang damit na suot. pero ang dami.

7. *click* *click* o kung ano pa man ang shutter sound ng cellfone niya, yun ang maririnig mo.

8. kahit saan magpunta, dapat may picture.

9. maya’t-maya, nagpapalit ang picture sa friendster o kung saan mang account yan…hay!

10. ang wallpaper, picture niya. in-edit pa!

***

wag kang mag-alala. inimbento ko lang ito. naisip ko lang.

***

BAKIT NGA BA ANG HILIG NG MGA PILIPINO SA PICTURE?

LITTLE THINGS DO MOVE EVEN HEARTS OF STONE

Jesusfacemercy whenever i think of life, i think of God.

and after i think of God, i felt like i am the luckiest person ever existed in Earth even though I may have mishaps everyday.

thank you God, I still live.

Everyday, God moves us.

I may not be your best worshipper or whatever they say I must be. I am never a way perfect but I know YOU are always there. The FATHER who always understands HIS sons and daughters whatever happens.

****

Baby I AM REALLY TOUCHED AND MOVED BY THIS PIC. i got this from a friend.

i don’t know. but this pic almost made me cry.

this really hits my very soft spot. i don’t know why.

it seems that this pic has its story.

*********

Hotdogpuppy
SOMEONE WHO SAID THAT YOU CAN’T BUY HAPPINESS FORGOT ABOUT LITTLE PUPPIES.

*****

Pix_child_and_vulture_s DO YOU STILL REMEMBER THIS PIC? DO YOU KNOW WHAT HAPPENED?

I CRIED A RIVER AFTER I SAW THIS PICTURE ATTACHED TO AN E-MAIL MESSAGE.

DO YOU HAVE A HEART? TRY TO LOOK THROUGH THE PICTURE.

IT IS ABSOLUTELY TRUE. IT SPEAKS A THOUSAND WORDS…OR MAYBE MORE.

*******

Soldier_cat EVEN ARMED GUYS BEND DOWN FOR A TIME TO BOND WITH CATS…

******

it is really impossible to have nerves of steel.

even the toughest guy in this world can always be moved when something hits his soft spot.

a tear will fall…

a smile will line out…

life is always a gift however it shall appear to you.

i hope it touched you. 

saan nga ba patutungo ang usapang ito?

nakakatawa talaga. nakakatawa kasi madali lang akong patawanin.

***

episode 401: ako si zenki

wala lang. yan ang gusto kong title eh.

nakipagkuwentuhan ako sa uncle ko kahapon. parang siya yata ang napagbuhusan ko ng sama ng loob kasi ayoko ng kurso ko…dati.

pero ang isa ko pang naikwento sa kaniya ay kung gaano kagulo ang sitwasyon ko ngayon. wala lang. para talagang armalite yung bibig ko sa kadadaldal. haynako! ewan. talagang feel na feel kong magkuwento sa uncle ko.

marahil na-miss ko lang siya. hindi kami close pero mabait kasi siya kay tatay. by the way, kapatid siya ng tatay ko. mabait talaga siya at kamukha niya si Dolphy.

ang bait niya talaga. pinasakay pa niya ako sun sa kotse nila pauwi sa amin. at least nakalibre ako sa pamasahe. ang saya! kasama ko rin yung kapitbahay namin, yung auntie ko saka si tatay ko. impyernes, bihira ko lang makasabay sa pag-uwi ang tatay ko eh.

****

episode 432: ako’y isang sosyal.

lately, kahit minsan mukha na akong basura, masaya naman ako sahil may nadudukot pa ako sa bulsa ko kahit papaano. at ngayon nga, may pera na naman ako.

hay… ang pagsisisi ko lang, parang FOREVER bulagsak na ata ako pagdating sa pera. ewan ko ba? i am an IRONICALLY WISE SPENDER… kung paano mo naintindihan yan, bahala ka na. malaki ka na.

pero ang sarap gumastos no? pero pag wala na yung pera mo, parang nanlulumo ka na kasi wala na at hindi mo na maibabalik yun.

sana maging mayaman ako. kelan kaya?

****

episode 543: “I QUIT!”

setting: sa school, FAR EASTERN UNIVERSITY

act 1: sa classroom

tenenenennen!!!! welcome, andito na si sir Eric. ang aming bagong prof.

blah… blah… blah… he intoduced himself. (sana hindi mo iniisip na blahness ang sinabi niya! masaya siyang prof!)

act 2: the lecture proper

a leader is chosen… chuba, chuba, chuba…. mahabang lecture. may series ng tawanan, katahimikan, at mga intelektuwal na sandali…

act 3: this is the moment

text…text..text.. ito na ang huling araw na magpapanggap akong lider ng aming grupo. nabuksan lang ang mga mata ko na sobra nga ang enthusiasm kong mag-lider kulang naman ako sa kakayahan.

dapat ko nang aminin. at ngayon, medyo maluwag ko na itong tinatanggap.

My Speech: (insert: balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal….)

“Mga classmates, base sa lecture natin kanina, alam ko na na hinid pa ako bagay na maging leader niyo. kaya….chuba, chuba… chuba…. marami akong sinabi.”

in short, ayoko na. it’s not that ayoko na. naaawa lang ako sa kanila.

so, iba na ang lider.

it’s not my problem anymore, it’s her problem anymore.

kasi yung isa ko na uling groupmate yung lider. bumalik uli sa kaniya yung trono. sabagay, para sa kanya talaga yun. ako, butler lang. pwede na siguro yun.

****

saan nga ba patutungo ang usapang ito?

I BELIEVED AT MY OWN LIE

I fooled myself…

… showing you a happy face, full of hate

… laughing, full of deceit

… i am humble, full of conceit

… i do love, full of selfishness

I believed…

… at my own lie

… that i can close my eyes and seal it in darkness

… i may not talk but i can speak

I am deaf; I don’t hear you

… but your voice is everywhere

I am blind; I don’t see you

… but you’re in front of me

I am jaded; I know everything

… but i don’t know you

I lied.

damn the world

episode 1: ang ghost na naglalaro ng gitara

isang gabi, bisperras ng undas, naalala mo ba nag-brownout nun? sana naalala mo. oh baka naman hindi nag-brouwnout sa inyo. ang swerte mo naman.

ang init talaga pag brownout. pero ito na ang kuwento ko.

setting: sa bahay. sa kuwarto.

nanonood ako ng Jigoku Shoujo nang mangyari ang lahat ng ito. Pinipilit kong maging kalmado kahit na natatakot talaga ako. siguro dala na rin ng stigma na tuwing palapit ang undas, lahat ng nakakatakot na puwersa at naghahasik na ng lagim ang mga kaaway ni Mang Jose. tapos, gusto ko rin talaga manood ng horror documtaries sa TV nun kaso natatakot talaga ako kaya momentarily ko lang nililipat para at least magising ako. matagal pa kasing darating si Kuya. Hinihintay ko siya. gabi na kasi siya kung umuuwi galing sa trabaho.

sa totoo lang, ako na lang ang gising sa aming kabahayan kaya talagang kailangan ko hintayin si Kuya o dun na lang siya matutulog sa labas ng bahay.

Sa gitna ng katatakutang nararamdaman ko dahil kaunting minuto na lang ay November 1 na… biglang…

"hah???? walang ilaw!!! wahhhh!!! kaasar!" bulalas ko.

para akong nagitla na akala mo ba ay maraming mga mamaw sa paligid at tatakutin nila ako ng mga mata nilang color yellow!

Sinibukan kong mangapa sa dilim. at naabot ko na ang lalagyan ng kandila.

Gumising naman ang tatay ko dahil naramdaman niya na nawalan nga ng kuryente. Tinulungan niya akong magsindi ng 2 kandila na nakuha ko sa drawer.

Para hindi na humaba ang kuwento (tinatamad na rin akong mag-type pa.)…

…habang nakatambay lang ako sa isang tabi, naririnig ko na may nagpa-pluck ng gitara. Isang string lang at ang tunog ay yun bang pinipigil niya ang vibration ng gitara. (nakukuha mo ba ang ibig kong sabihin?) Kontrolado. isang string lang. 

isang beses.

pinilit kong magkunwari na walang naririnig.

isa pa ulit.

"natatakot na ako. please. utang na loob. tigilan mo yan. ayus lang na nandyan ka. pero wala kang hahawakan. wala kang pakikialaman na kahit na ano." isinisigaw ko sa isip ko.

tatlong beses kong isinigaw sa isip ko. takot talaga ako.

at maya-maya pa, humirit ito ng isang pluck ulit.

pero pagkatapos, wala na.

katotohanan o kabarberohan? bahala ka nang maghusga. 

***

ngayong araw na ito, katatapos ko lang banlawan ang mga damit na naiwang nakababad sa tubig (malinis na yun ah!) ng isasalang ko na sa spin dryer ang mga nalabhang damit. pinaikot ko na ang dryer sa 1 minute setting. tumunog lang ito. hindi umiikot ng maayos.

isa pa. binuksan ko ang spin dry tub at inayos ang mga damit.

ikot ulit. 4 minute setting naman. parang sure ako nun.

ayaw na naman.

inulit ko. ayaw pa rin.

inulit ko ito ng 3 pang beses sa iba-ibang minute settings. hindi ako nagtagumapay.

bigala ko na lang naisip, "siguro ganito ang utak ko. parang yung dry tub na may mga damit na hindi inayos. ayaw tuloy umikot."

natawa ako. naisip ko yun? konting pag-iisip nga lang parang pakiramdam ko magdurugo na ang ilong ko. nakakatawa. may kababawan. pero malalim kung iisipin.

siguro kung pipilitin ko pang paikut-ikutin ang mga bagay na nasa utak ko ng hindi ko muna inaayos ang kung anong mayroon dito, walang mangyayari. uulitin ko lang ng uulitin ito sa iba’t-ibang stupidity settings. parang ganito:

set 1: mild stupidity

set 2: moderate

set 3: stupidity

set 4: grabe, morbid na ‘to!

set 5: hay, ewan ko sa’yo, malala ka na. walang pag-asa.

***