hontou ni?

masyado nang maraming nangyari.. bilang isang sanguine.. napakamakakalimutin ko talaga. at sana ay pagpasensyahan mo na. ang mga sumusunod na pangyayari ay wala na sa chronological order. naubusan na ako ng chakra para ayusin pa ang lahat ng ito ayon sa pagkakasunod-sunod.

***

hay.. grabe ang duty sa VGH!! di ko kinaya! ang toxic ng mga papel! kawawa naman ang mga kagubatan ng Pilipinas. dahil sa grupo namin na puro paperworks masyado na silang nagagamt para pagkuhanan ng mga papel. sana naman pumasa ako dun. hay.. ag hirap talaga! taos gabi pa at bakit kaya lagi akong nagagahol sa oras? ganon na nga ba ako ka-disorganized? kawawa naman ang mga kagrupo ko. mapatawad naman sana nila ako.

***

kina brigitte at richelle, salamat sa company!!!

***

sa totoo lang, natutuwanaman ako na may nagsasabi na pumayat na raw ako kahit konting-konti lang (kahapon lang ‘to). siguro matagal lang kaming hindi nagkita… ano sa tingin mo?

****

hay.. ang saya mag-duty sa JRRMMC!ewan pero masaya talaga. kahit toxic at nakakalason.. nakakaubos man ng chakra at nakakapagtransform, ayus lang. lagi rin kasi akong napapagalitan ng CI ko… pero ayus lang! pogi naman siya. sulit na rin ang pagod…pero ang malupechi nito, pag nandiyan na siya, pakiramdam ko, I am DOOMED!!!!  wahhahahahah!!!!! yung tipong hindi ko naman alam ang sasa bihin ko. nakikita ko na rin sa Monday magiging SUPER SAIYAN na siya.. parang may HADOUKEN!!! tapos maiiyak na lang ako at sasabihin na hindi ko naman sinasadya. hay.. kakatakot magkamali! ano na naman kaya ang naghihintay sa akin doon? GAMBATTE KUDASAI, GURAIZA-kun!!!!   

****

bakit kaya laging maulan sa gabi? mainit naman sa araw? uulan yung tipong pauwi na kami at laging walang masakyan? bakit kaya? actually, start of -ber months na pero bakit ang init pa rin? sana madama ko na ang ispirito ng Pasko.. wahahahah!! ano na ba ang pinagsasasasabi ko?

***

C2 ang position ko sa recitation aka oral revalida. pero ano ang ginagawa ko ngayon? wala naman. nagcocomputer. mag-aral na kaya ako? eh ano naman ang aaralin ko? wala naman akong reading materials. pestilence!

***

nakakainis maging makakalimutin. nakalimutan ko na may +10 points pala pag umattend ka ng symposium sa school! tinanghali ako ng gising dahil sabado ngayon! kaasar! bakit ba nakalimutan ko yun? wahaahhahaha!! nababaliw na ako. and lately i am assuming responsibilities na kaya ko namang gawin pero hindi ko naman naalala na dapat ko palang gawin yun. ayoko na i-enumerate kasi kukulangin ang space. masyado nang marami. huhuhuhuh!!! iyak na ako!!!

***   

masyado bang maraming typographical error? pasensya naman!!

***

jinx ba ako???

<<,<<#@^%R^%&^$@@!@~!@#Q(*^^*&%&$$@#$!@!@!$%*^(*&)&_)&_)&(*^*^$^&%*&^(*^*&%*&%&%#%$@%$#%&

****

tama na ang kalokohan na ‘to!!!

****

kadalasan pag nagkakamali ang isang tao, wala na siyang masabi kundi "pasensiya na" o di kaya ay "sorry" at sa huli mo na rin ito masasabi. bakit kaya hindi pwede ang mag-sorry bago mo pa gawin ang lahat ng pagkakamali. alam ko ayaw mo lang magalit sa akin kaya lagi mo akong painagpapasensyahan. sorry naman!!!

****

ang galing ng mga nag-present sa speech! paano kaya kami? isa na naman itong event na magdadagdag ng kahihiyan ko. hay… *sigh*

ang galing nina Third at Igor! asteeeeeeeeeggggggg!!!

***

bibingo na ako sa inyoo!!! sori!!!!!!!!!!!!!!

***

kelan ba ako babalik sa katinuan?

****



No Comment

Leave a Reply