Ang Buhay parang Life
Una…
hindi ko maintindihan na noong Aug 3, 2006 may kung ano-ano na akong nararamdaman at mga rashes sa katawan ko! ‘Kala ko namumula lang ako dahil trip lang mag-blush ng integumentary system ko… Yun pala nang magatingin ako sa school the next day, at may enlargement of post-auricular lymph node ako…PESTE! may Rubella ako! in short, TIGDAS!! Tama na ang kuwento tungkol dito.Umabsent lang naman ako ng 2 duty. yun lang naman. di masyadong mahalaga. Pero malungkot kasi kailangan ko pang make-up duty. *sigh*
Ikalawa…
Magaling na ako nung Aug 9, 2006. Hindi naman masyadong mahalaga ang isangito pero ayun lang nalaman ng mga seatmates ko na kagagaling ko lang sa sakit at lahatpala sila hindi pa tini-tigdas sa buong autobiography nila. Ayun, as usual, NILAYUAN MUNA NILA AKO for the meantime! Peste!!! Wala na akong sakit saka sila lumalayo! baliktad ata utak nila! Asar!!!
Ikatlo…
Kinagabihan, hindi ako makatulog. Ewan ko pero trip ko lang magising ng buong gabi. Magpuyat ba! Ayun. Ang ginawa ko:
a. Nagmasid. Kasi ako na lang ang gising eh. para cute!
b. Nagpacute. Nasa harap ako ng salamin. Hindi ako nagsuklay ng buhok ko kasi mas gusto ko ang hitsura ko pag magulo siya. maganda ang dalisay kong kakulutan! Ano ba yun?
c. Nagmuni. kasi ang gandapala ng mukha ko! Nagyon ko lang napagtanto!! Ang bait talaga ni Lord!!! LOrd, THANKS ah?
d. Nagsisi. Wag mo nang alamin! basta nagsisi ako.
e. NAgbuo ng sariling ideology. " Ang kagandahan, hindi nawawala. Kung noon ang sabi nila lumilipas ito dahil tatanda ka rin, para sa akin, iba. Ang kagandahan magpakailanman nasa iyo yan. Kahit mawala ka pa. Ang kung anong klaseng kagandahan ang iniwan mo sa mundo iyon ang mananatili. May makakaalala, may magsasabuhay. KUng paano ka naging maganda sa kanila, iyon ang mahalaga."
*******
Isang bagay na nakakainis basahin:
Hindi lahat ng taong laging nakatawa ay palaging masaya.
HIndi lahat ng taong nagsasabi ng okay lang sila ay nagsasabi ng totoo.
Hindi lahat ng barbero marunong manggupit!
Hindi lahat ng taong nagsasabing sila na lang ang gagawa ay hindi na nangangailangan ng tulong.
Hindi lahat ng taong malakas ay hindi nanghihina.
Hindi lahat ng taong gusto ka ay gusto ang lahat sa iyo.
Hindi lahat ng taong nag-aaral ay kailangan kopyahan tuwing may exam.
Hindi lahat ng taong hindi nag-aral nung may exam ay kailangan umasa sa kopya.
Hindi lahat ng taong pumapayag na utusan sila ay natutuwa sa tuwing tatanggapin na nila ang utos mo.
Hindi lahat ng lider kailangan maging pala-utos.
Hindi lahat ng taong abala ay inaabala rin ang kasama nila.
Hindi lahat ng mataba ay baboy.
Hindi lahat nakakatawang bagay ay kailangan pagtawanan.
Hindi lahat ng taong mabait ay nagtitiis kapag sinasamantala na ng iba ang kabaitan nila.
Hindi lahat ng taong naghihintay ay kailangan madaliin ang taong hinihintay nila.
HIndi lahat… hindi lahat…
Hindi lahat ng taong malawak ang pag-iisip pag iyong binatikos hindi sasama ang loob.
Hindi lahat ng tao ay nagpapakatao.
Hindi lahat ng umiiyak laging malungkot. Minsan, kulang lang sila sa pansin.
Hindi lahat ng sumisigaw galit!
Hindi lahat ng bata ay nakakatuwa. MArami sa kanila nakakainis!
Hindi lahat ng guwapo matalino. Bilang mo na sa kamay ang may perpektong kombinasyon. Madalas, ang pangit na nga nila, ang bobo-bobo pa!
Hindi lahat ng jologs baduy! KAkaiba lang sila!
Hindi lahat.. Hindi lahat…
Hindi lahat ng maraming kaibigan ay maraming kasama. Madalas sila pa ang laging nakakaramdam ng pag-iisa.
Hindi lahat ng nakapangalumbaba ay nag-iisip. Madalas ginagawa lang nila yun kasi wala silang maisip gawin.
Hindi lahat ng nagkukuwento…nagkukuwento ng totoo.
hindi lahat…hindi lahat…
****
Ayoko pa sanang matapos ito kaya lang…














nakz.! i like this one.. ui humihingi ako ng permiso na gagamitin ko ung mga sinabi mo para lng ipamahagi sa mga friends qoh sa pamamagitan ng wonder cellphone.. kumbaga sa txt eh quotes ek ek. hanu, lalagyan ko nmn ng -pulis. sawa nqoh sa laging nakalagay sa dulo eh -bob ong. haha.! para maiba nmn.. ok lng ba.?