ang baluktot kong social obligation
sa totoo lang nitong mga huling araw parang hindi ko maintindihan kung anong meron sa sarili ko. nakakaasar lang kasi ngayon masaya ako at mamaya malungkot na naman ako. parang di ko maramdaman kung anong meron sa paligid ko. nakakainis kasi wala ka pang magawa para lang mawala ang pakiramdam na iyon.
marami akong kasama. lahat sila masaya. tumatawa. pero kahit nakikitawa ako sa kanila pakiramdam ko malungkot ako.
bakit sa tinagal-tagal ng pagkabuhay ko sa mundong ito, parang bawal sabihin sa isang tao na, " ang sama ng ugali mo, ayoko sa isang taong katulad mo!!!" tapos sasabuyan mo siya ng isang jigger ng tubig sa mukha at sasampalin mo tapos tatadyakan mo, tapos aalis ka. kung gaganti siya, baka sabihin niya, "you’re nothing but a second rate tryng hard copycat…."
***balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal…. sa piling mo ngayon ako’y bituing walang ningning… nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig***
putang inang social obligation yan! kapag mayroon kang nararamdaman sa isang tao na hindi mo gusto hindi mo ito masabi dahil sa ‘tang inang social obligation. hindi ka pwedeng gumawa mag-isa o maglakad na parang walang pakialam dahil sa punyetang social obligation na yan!
hindi ko maintindihan kung bakit galit ako sa social obligation.
leche kasi eh. para siyang bulate sa puwet na makati at kadiri! katakot pa! (takot ako sa bulate, take note!)
sa ngayon, natatakot na akong mag-isa. pero ayoko ng may kasama. magulo ba? dahil sa social obligation.. lahat ng tao may kaibigan. pag wala kang kaibigan, out ka sa society.. pauso niya yan eh.
masaya naman ang may kaibigan. pero ayoko ng pauso na yan na dapat meron ka noon. magulo na naman ako? indeed.
dahil sa social obligation, may rally sa labas. traffic. maingay. mainit. maulan. matao. kaasar! sarap pumatay ng tao. at dahil sa social obligation, bawal pumatay ng tao. pero masaya na rin ako kasi buhay pa ako.
dahil sa social obligation, may social graces. kung nauutot ka na at natatae at hindi mo mapigilan, at nasa loob ka ng elevator, hindi ka pwedeng umutot kasi maso-suffocate sila. ang mangyayari, aakyat ang flatus mo sa nesophagus mo pabalik at magiging burp! *yaaaaakkkk!!!*
***i guess you’ll say what can make me feel this way, my girl***
dahil sa social obligation halos lahat ng tao gusto ng MY girl. at dahil doon wala akong kakwentuhan tungkol sa YAKITATE JA-PAN o sa MR. AJIKKO. nanonood na rin tuloy ako noon para maka-relate. peste!
dahil sa social obligation, takot kang maglakad ng hubo’t hubad sa labas ng bahay niyo. kahit init na init ka na at gusto mo magtanggal ng damit at damhin ang sariwang hangin sa labas at malayang padampian ng hangin ang buo mong katawan, hindi pwede.
wala lang. gusto ko lang magalit sa social obligation.
baluktot kasi ang social obligation ko. yun lang.














magka kurba yata social obligation naten… astigg.. ^_^
hay naku.! korek ka jan.! letche ngang social obligation hanu.! kakabadtrip.!!!