August, 2006

ang baluktot kong social obligation

sa totoo lang nitong mga huling araw parang hindi ko maintindihan kung anong meron sa sarili ko. nakakaasar lang kasi ngayon masaya ako at mamaya malungkot na naman ako. parang di ko maramdaman kung anong meron sa paligid ko. nakakainis kasi wala ka pang magawa para lang mawala ang pakiramdam na iyon.

marami akong kasama. lahat sila masaya. tumatawa. pero kahit nakikitawa ako sa kanila pakiramdam ko malungkot ako.

bakit sa tinagal-tagal ng pagkabuhay ko sa mundong ito, parang bawal sabihin sa isang tao na, " ang sama ng ugali mo, ayoko sa isang taong katulad mo!!!" tapos sasabuyan mo siya ng isang jigger ng tubig sa mukha at sasampalin mo tapos tatadyakan mo, tapos aalis ka. kung gaganti siya, baka sabihin niya, "you’re nothing but a second rate tryng hard copycat…."

***balutin mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal…. sa piling mo ngayon ako’y bituing walang ningning… nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig***

putang inang social obligation yan! kapag mayroon kang nararamdaman sa isang tao na hindi mo gusto hindi mo ito masabi dahil sa ‘tang inang social obligation. hindi ka pwedeng gumawa mag-isa o maglakad na parang walang pakialam dahil sa punyetang social obligation na yan!

hindi ko maintindihan kung bakit galit ako sa social obligation.

leche kasi eh. para siyang bulate sa puwet na makati at kadiri! katakot pa! (takot ako sa bulate, take note!)

sa ngayon, natatakot na akong mag-isa. pero ayoko ng may kasama. magulo ba? dahil sa social obligation.. lahat ng tao may kaibigan. pag wala kang kaibigan, out ka sa society.. pauso niya yan eh.

masaya naman ang may kaibigan. pero ayoko ng pauso na yan na dapat meron ka noon. magulo na naman ako? indeed.

dahil sa social obligation, may rally sa labas. traffic. maingay. mainit. maulan. matao. kaasar! sarap pumatay ng tao. at dahil sa social obligation, bawal pumatay ng tao. pero masaya na rin ako kasi buhay pa ako.

dahil sa social obligation, may social graces. kung nauutot ka na at natatae at hindi mo mapigilan, at nasa loob ka ng elevator, hindi ka pwedeng umutot kasi maso-suffocate sila. ang mangyayari, aakyat ang flatus mo sa nesophagus mo pabalik at magiging burp! *yaaaaakkkk!!!*

***i guess you’ll say what can make me feel this way, my girl***

dahil sa social obligation halos lahat ng tao gusto ng MY girl. at dahil doon wala akong kakwentuhan tungkol sa YAKITATE JA-PAN o sa MR. AJIKKO. nanonood na rin tuloy ako noon para maka-relate. peste!

dahil sa social obligation, takot kang maglakad ng hubo’t hubad sa labas ng bahay niyo. kahit init na init ka na at gusto mo magtanggal ng damit at damhin ang sariwang hangin sa labas at malayang padampian ng hangin ang buo mong katawan, hindi pwede.

wala lang. gusto ko lang magalit sa social obligation.

baluktot kasi ang social obligation ko. yun lang.

Ang Buhay parang Life

Una…

hindi ko maintindihan na noong Aug 3, 2006 may kung ano-ano na akong nararamdaman at mga rashes sa katawan ko! ‘Kala ko namumula lang ako dahil trip lang mag-blush ng integumentary system ko… Yun pala nang magatingin ako sa school the next day, at may enlargement of post-auricular lymph node ako…PESTE! may Rubella ako! in short, TIGDAS!! Tama na ang kuwento tungkol dito.Umabsent lang naman ako ng 2 duty. yun lang naman. di masyadong mahalaga. Pero malungkot kasi kailangan ko pang make-up duty. *sigh*

Ikalawa…

Magaling na ako nung Aug 9, 2006. Hindi naman masyadong mahalaga ang isangito pero ayun lang nalaman ng mga seatmates ko na kagagaling ko lang sa sakit at lahatpala sila hindi pa tini-tigdas sa buong autobiography nila. Ayun, as usual, NILAYUAN MUNA NILA AKO for the meantime! Peste!!! Wala na akong sakit saka sila lumalayo! baliktad ata utak nila! Asar!!!

Ikatlo…

Kinagabihan, hindi ako makatulog. Ewan ko pero trip ko lang magising ng buong gabi. Magpuyat ba! Ayun. Ang ginawa ko:

a. Nagmasid. Kasi ako na lang ang gising eh. para cute!

b. Nagpacute. Nasa harap ako ng salamin. Hindi ako nagsuklay ng buhok ko kasi mas gusto ko ang hitsura ko pag magulo siya. maganda ang dalisay kong kakulutan! Ano ba yun?

c. Nagmuni. kasi ang gandapala ng mukha ko! Nagyon ko lang napagtanto!! Ang bait talaga ni Lord!!! LOrd, THANKS ah?

d. Nagsisi. Wag mo nang alamin! basta nagsisi ako.

e. NAgbuo ng sariling ideology.  " Ang kagandahan, hindi nawawala. Kung noon ang sabi nila lumilipas ito dahil tatanda ka rin, para sa akin, iba. Ang kagandahan magpakailanman nasa iyo yan. Kahit mawala ka pa. Ang kung anong klaseng kagandahan ang iniwan mo sa mundo iyon ang mananatili. May makakaalala, may magsasabuhay. KUng paano ka naging maganda sa kanila, iyon ang mahalaga."

*******

Isang bagay na nakakainis basahin:   

Hindi lahat ng taong laging nakatawa ay palaging masaya.

HIndi lahat ng taong nagsasabi ng okay lang sila ay nagsasabi ng totoo.

Hindi lahat ng barbero marunong manggupit!

Hindi lahat ng taong nagsasabing sila na lang ang gagawa ay hindi na nangangailangan ng tulong.

Hindi lahat ng taong malakas ay hindi nanghihina.

Hindi lahat ng taong gusto ka ay gusto ang lahat sa iyo.

Hindi lahat ng taong nag-aaral ay kailangan kopyahan tuwing may exam.

Hindi lahat ng taong hindi nag-aral nung may exam ay kailangan umasa sa kopya.

Hindi lahat ng taong pumapayag na utusan sila ay natutuwa sa tuwing tatanggapin na nila ang utos mo.

Hindi lahat ng lider kailangan maging pala-utos.

Hindi lahat ng taong abala ay inaabala rin ang kasama nila.

Hindi lahat ng mataba ay baboy.

Hindi lahat nakakatawang bagay ay kailangan pagtawanan.

Hindi lahat ng taong mabait ay nagtitiis kapag sinasamantala na ng iba ang kabaitan nila.

Hindi lahat ng taong naghihintay ay kailangan madaliin ang taong hinihintay nila.

HIndi lahat… hindi lahat…

Hindi lahat ng taong malawak ang pag-iisip pag iyong binatikos hindi sasama ang loob. 

Hindi lahat ng tao ay nagpapakatao.

Hindi lahat ng umiiyak laging malungkot. Minsan, kulang lang sila sa pansin.

Hindi lahat ng sumisigaw galit!

Hindi lahat ng bata ay nakakatuwa. MArami sa kanila nakakainis!

Hindi lahat ng guwapo matalino. Bilang mo na sa kamay ang may perpektong kombinasyon. Madalas, ang pangit na nga nila, ang bobo-bobo pa!

Hindi lahat ng jologs baduy! KAkaiba lang sila!

Hindi lahat.. Hindi lahat…

Hindi lahat ng maraming kaibigan ay maraming kasama. Madalas sila pa ang laging nakakaramdam ng pag-iisa.

Hindi lahat ng nakapangalumbaba ay nag-iisip. Madalas ginagawa lang nila yun kasi wala silang maisip gawin.

Hindi lahat ng nagkukuwento…nagkukuwento ng totoo.

hindi lahat…hindi lahat…

****

Ayoko pa sanang matapos ito kaya lang…

mabuhay ka na sa realidad

nakakatawa minsan na kapag iniisip ko na ang taong gusto ko ay may gusto rin sa akin. ewan ko. ako, tingnan mo lang ako (kahit mukha akong monster sa paningin mo) iisipin ko na may gusto ka sa akin. ewan ko. gago lang ata ako. kahit babae pa nga o kahit bata. abnormal ako eh. may problema a ta ako sa pag-iisip.

ang sabi ng professor ko, kung hindi ka nabubuhay sa realidad, maaari ka nang isama sa grupong homo abnormaliens… parang fisonomia hambuguera… parang humanoid na mongoloid. yung may Down syndrome na hindi lang down kundi may UP rin. naiintindihan mo ba ako? siguro kung normal ka, hindi mo ako maiintindihan. kasi mga abnormal lang ang nakakaintindi nito. MABUHAY KA KUNG NAIINTINDIHAN MO ITO!! WELCOME TO THE CLUB!!!

kung iisipin mo, daig ko pa ang lalaking tarantado minu-minuto sa pag-inom ng alak. malaki akong tao pero punggok raw ako. pudgy.. parang ganoon. 5′2" ako at 40+ ang waistline ko. nahiya pa raw ako. ang 40 kahit walang + nakakahiya na no!!! MABUHAY ANG MGA ABNORMAL!!!!!

ngayon, oras nang mabuhay sa katotohanan. ang poproblemahin ko lang ay ang mag-aral…AT HINDI MAGKAGUSTO AT MABIGO MULA SA KUNG SINOMAN. kung ako si batman… wala lang, feeel ko lang maging si batman!! KAMPAI ULIT, MGA ABNOY!!!!

alam niyo ba, may katabi nga ako rito eh.. nakakatuwang nilalang from TIMBUKTU… sa pinanggalingan pa lang alam mo na ang pangalan niya.

*****

masarap kaya ang kumain ng ngipin? tanong niyo na lang sa kaibigan ko mula sa TIMBUKTU…. KAMPAI ULIT!!!!!! LASING NA AKO!!!

****

sabi ko may sakit ako.. ang kinain ko, isang CHICKEN MCDO meal at extra rice.. MAY SAKIT AKO, OK???? MANIWALA KA NA LANG.

****

kitams? sabi ng katabi ko. mukha raw akong tanga!!!! tama ba yun???

****

COMBO!!!! COMBO-HAN TAYO!!!!!!!!

****