Ang mga Bagay sa Buhay ko na Nakakatawa pero Corny

Sa bahay, wala naman talaga kong masyadong ginagawa. Household chores, hmm… karaniwan lang yun. di naman bago kasi babae naman ako at dapat talaga ginagawa yun. Ang isang bagay na masaya kong ginagawa ay yung pag nagmumuni-muni ako. bakit? kasi pag malungkot ako, bigla na lang akong matatawa pag nagagawa ko ito.

ano ang mga pinagmumuni-muni ko? konti lang naman. ayoko rin kasi ng masyadong nag-iisip eh.

******

akala ko nung una, ang aso ko ay walang talent. madalas akong mairita sa kanya lalo na pag tahol siya ng tahol kasi nagugutom na siya o di kaya naman angpapansin lang dahil gusto niyang pumasok sa loob ng bahay. mahilig lang siyang magkalat. yung falling hair niya na dumidikit sa sofa at sa mga damit… at kung hindi siya naligo, ang baho-baho niya at tatapat pa sa electric fan! kaasar di ba? pero nung minsan na pagkatapos ko siyang paliguan, natatawa ako sa kaniya kasi di niya malaman kung anong gagawin niya. dudumi kasi siya noon at ikinikiskis niya ang puwit niya sa semento. nakakatawa siyang tingnan. (hahahah!!! with matching bunny teeth!)nang makatapos na siya dumumi, nakit ko na may mga fragments na hindi mukhang organic. (nage-gets niyo ba?) alam mo yun, may punit-punit na plastic at mga kahoy at iba pang mga maliliit na bagay na hindi ko maintindihan.

sa una natakot ako. dahil iyon ang maaari niyang ikamatay. pero hanggang ngayon, buhay pa siya.

napaisip ako. saan ka nga ba makakakita ng asong kumakain ng plastic? hindi lang yan. kumakain rin siya ng bulak, pera (siyempre yung bills… walang gaguhan!) papel, kahoy (nasira na nga ang pinto namin dahil sa habit niyang yan!)at iba pa na basta hindi pagkain.

ewan ko. di kaya may pica ang aso ko? pero sa ngayon, yan ang talent niya! astig diba (naging blue ata ako sa sinabi ko! with a bid teardrop behind my head… parang chibi na di matae!)

******

at meron din akong isang kaklase. ito ang pinag-usapan namin kahapon:

Ako: winter ba ngayon? nakit lahat naka-jacket? ikaw rin?

Kaklase: Inggit ka lang!! Wala ka kasing dalang jacket.

****

yun lang at tumirik ang mata niya. Naisip ko lang, masarap kayang sabihin ang "Inggit ka lang!! Wala ka kasing dalang jacket."

Ewan ko, sinubukan ko pero wala namang epekto. siya kaya, ano pa kaya ang ibang sinasabi na papmpatirik ng mata? may chakra kaya siyang natatago para magawa yun? (hay, ang corny ko na… i hate me! i hate me!—walang sampal, masakit ang ngipin ko, ok?)

****

What’s in a name?

(di na pwede dito kasi medyo censored ‘to…. somehow.)

Pwede bang mag-pyramid mamayang gabi? Ako sa ibabaw! Durog kayong lahat!

****



2 Comments so far

  1.   dollie on March 25th, 2009

    naloka lang aqo sa aso mo.. haha.! at lalu na kay jacketman.! o jacketwoman ever.! heck! nawala lng aqo sa pyramid..hmp!

  2.   sheena on March 26th, 2009

    ah…ang pagkakaintindi ko sa pyramid…un bang sa cheerdance competition…tama cheerdanicing? o cheerleading? putek!!! basta un na un…niaisp ko lng…wish ko lng tama…nyahahahah!!!!!!!! musta na yeoh asakura?

Leave a Reply