ang buhay ba talaga ay laging napagtitripan?

madalas kung itanong yan sa sarili ko. bakit nga ba?

wala akong sagot. kaya nga ako nagtatanong.

pero alam mo nakakatawang isipin na kung sino pa ang taong laging nagyayabang, siya ang taong pinakamababa ang tingin sa sarili niya. kung sino pa ang laging nakatawa siya yung laging umiiyak. kung sino yung laging sinuswerte, pag-uwi naman sa bahay puro pala kamalasan ang maaabutan.

nakakatawa. nakakainis. nakakalungkot.

ako, isa lang ang pangarap ko. maging writer. kahit ano. libro, komiks, article sa diyaryo o sa magazine.. kahit saan basta makasulat lang (kahit sa FHM basta may maipamamahagi. bakit hindi? wag lang ang katawan ko, baka walang bumili!)

mahilig akong magsulat talaga. sa likod ng notebook, sa pader, sa toilet seats, kahit saan. ewan ko nga eh. parang kahit walang magawa basta makapagsulat.

ayoko ng nagbabasa. gusto ko ang sulat ko ang binabasa.

naku naman, naantala na ang pagsusulat ko rito. nadito na klasmeyts ko eh. bye!!!



1 Comment so far

  1.   dollie on March 25th, 2009

    mahilig din aqong magsulat, pero di aqo magaling, kaya naisip qoh, dapat mahilig din aqong magbasa… =’)

Leave a Reply