after life, there is death. after death, what comes next?

disclaimer o warning o paalala, don’t try this at home…bahala ka! : hindi ko hangad na magkalat ng tsismis, manira ng privacy, gawing joke ang isang seryosong bagay o ano. hindi ko rin ipinagkakalat ang kuwentong ito (pero dahil blog ito at hindi mapipigilan na may magbasa nito, maaari ngang pinagkakalat ko na ito). sana ipagdasal natin si KUYA ERIC matapos niyong mabasa ito. ipagdasal niyo ang lahat ng mahal niyo at ipagdasal niyo ang sarili niyo. please lang kung alam niyo ang number ng landline namin o ang number ng cellfone ko, nagmamakaawa ako wag mo na akong tawagan o itext para lang purihin ako o pagalitan ako matapos mong basahin ito.

sa paglabas ko sa internet cafe na ito at matapos kong i-type ang kuwento ko, sana walang masamang mangyari sa akin at sa iyo rin kung babasahin mo ito. lahat ng posibilidad maaaring maganap. hindi ko ito alam. hindi mo rin alam.   

Kung noon, lagi kong isinisigaw na sana mamatay na ako, o kung mamamatay ko gusto ko ganito, ganyan, ganoon, ganoon… sa pangyayaring ito naiba bigla ang pananaw ko. totoo.. totoong ang Diyos pipilitin niyang imulat ka sa tamang bagay kung napapansin niyang puro mali ang ginagawa mo sa buhay mo. ****

kahapon ng alas-onse ng umaga, naglalaba ako ng marinig ko ang bunso kong kapatid na may kausap sa telepono. opo siya ng opo. inisip ko baka kausap niya ang nanay ko. gusto ko rin kasing makausap talaga ang nanay ko.

kinulit ko ng kinulit ang kapatid ko habang nagsasalita siya sa telepono, "sino yan, ha? sino yan?"

di niya ako pinapansin. tila ba talagang kinig na kinig siya dun sa kausap niya. medyo nainis naman ako dahil para akong epal na si kyosuke (character ng yakitate! ja-pan… sana alam mo ang sinasabi ko)

maya-maya, matapos ang ilang minuto binaba na rin niya ang telepono. tanong ko uli… "sino yan, ha? sino yan?"

"ate… patay na raw si kuya eric."

si kuya eric ay ang kabarkada ng kuya ko. hindi ako close sa kanya pero dahil sa kaibigan siya ng kuya ko eh kahit papaano malapit din ang loob ko sa kanya. payat siya at medyo matangkad. guwapo pa. mas bata siya sa kuya ko ng ilang taon. 26 years old ang kuya ko. pagpalagay na nating 23 naman siya. kahit na noong bata pa ako tinukso niya ako at nainis ako sa kaniya, ewan ko. iba na ang naramdaman ko ng marinig ko ang sinabi ng aking kapatid.

nagulat ako at nahintakutan. hindi ko alam kung bakit para bang apektadong-apektado ako. bakit kaya ganoon na lang ang naramdaman ko? isa lang din ang naalala ko. ang kuya ko.

"bakit daw? anong nangyari?" tanong ko sa kapatid ko habang nanlalaki naman ang mata KO. NAGULAT AKO EH, ANONG MAGAGAWA KO!!!

"binangungot daw. ihinabol pa nila sa PGH (take note: hindi ko alam kung Pasay Gen o Philippine Gen Hosp) pero nang makita ng doktor, 3 hours na raw siyang patay…."

"…blah blah blah… mahabang kuwento eh.

nang mag-hapon na, umalis ang kapatid ko at naiwan akong mag-isa sa nahay. ewan ko pero di ako mapakali. natatakot ba ako? samantalang noon gustong-gusto kong mag-isa para makanood ako ng … alam niyo na… at mag-… alam niyo na rin… pagkatapos manood (bastos ba ako o ano? ano bang iniisip mo?)

di ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko. gustong-gusto ko namang matulog dahil napuyat din ako nung isang gabi dahil sa kuwentuhan namin ng tatay ko. mahapdi na ang mata ko nang hapon na iyon. gustong-gusto ko na talaga matulog. pero, bakit natatakot akong matulog? parang nararamdaman ko na hindi na rin ako magigising pag naidlip ako kahit sandali.   

madami pa talaga akong ginawa noon bago matapos ang kuwentong ito. wag kang mag-alala, di kita pinagkakaitan ng katotohanan. totoo talagang nangyari ang kuwentong ito. hindi ito isang kuwentong barbero.

at nang mag-gabi na, di ko talaga maintindihan. takot pa rin akong matulog. masakit na ang ulo ko dahil kulang talaga ako sa tulog.

ang aral na natutunan ko:

isang beses lang talagang nabubuhay ang isang tao. kung may 2nd, 3rd, 4th… life ka pa ng parang sa pusa, suwerte ka na at masasabi kong hindi ka na tao. super saiyan ka na siguro. hindi mahalaga kung bata ka pa o matanda ka na bago ka mamatay. basta kung mamamatay ka, mamamatay ka.

sa bawat umagang sinisigawan ako at minimura ng tatay ko para lang magisng ako sa umaga, naiinis ako at sana iwan niya na lang ako sa higaan ko at gigising na lang ako pag hindi na inaantok ang katawan ko. yung tipong ginigising na ako ng sarili kong mga mata. yung tipong umalis na lang si tatay at pumasok na sa trabaho.

lagi kong inirereklamo na bakit ako ang laging unang ginigising ni tatay sa umaga samantalang nariyan naman ang iba kong kapatid. yun na lang ang gisingin niya.

makulit manggising si tatay. maiirita ako kaya ako magigising. tumigil lang siya sa nakakairita niyang pagtawag ng paulit-ulit sa pangalan, babangon na ako at magtutupi ng kumot at ng comforter na ginawa kong kama.

pero, mali pala yun.

hindi ko man lang naisip na ganito pala yun… dapat kong ipagpasalamat unang-una pa lang ang paggising ko sa umaga. na naririnig ko ang pagtawag ng tatay ko, ang pagdagan sa akin ng kapatid ko pag alas-otso na nang umaga.. para lang magpapansin sa akin.. salamat at naramdaman ko ang lahat ng iyon sa kabila ng pagkakahimbing ko sa tulog.

dapat kong ipagpasalamat na buhay pa ako at makakapaglaba ako, makakapagluto ako ng almusal, tanghalian, hapunan.., na makukuha ko pang manood ng naruto, mirmo at iba pang mga paborito kong palabas sa TV, na lagi akong inuutusan habang sarap na sarap na ako sa pagkakaupo ko sa sofa namin habang chumichicha ng kung ano-ano.. lahat.. lahat na.. dapat ipagpasalamat.

Panginoon, noong mga unang beses rin malapit na akong mamatay pero iniilag mo ako kay KAMATAYAN at binibigyan ng maraming araw para mabuhay pa. pero pagkatapos kong magpasalamat sa Iyo, ito na naman ako at sinisira ang sarili ko. Panginoon, patawarin mo ako. Ayokong sabihin na hindi na ako uulit pero sana po lagi lang kayong nariyan para gabayan ako.

Takot ako. Takot akong mamatay. Takot akong mamatay ng walang natutupad ni isa man lang sa mga pangarap ko o  mga pangarap ng pamilya ko para sa akin. Takot akong mamatay ng hindi pa nakakabuo ng sarili kong pamilya. Takot akong mamatay ng wala akong pera. Takot akong mamatay ng hindi pa ako pumapayat. Takot akong mamatay na virgin pa ako. Takot akong mamatay ng marami pang kahihiyan at kakulangan sa sarili ko na hindi ko man lang napupunuan. Takot akong mamatay na hindi ko man lang nakuhang pumasok sa enchanted kingdom o sa star city. Maaaring nabababawan ka sa sakin pero isa lang ang gusto kong iparating.

Hindi ako pwedeng mamatay. Hindi pa pwede. takot ako. Ayoko.

Ngayon ko na unti-unting naiintindihan ang salitang "BUHAY". buhay na mula sa Diyos. Buhay na hiniram lang. Sa ngayon buhay ko to. Buhay na dapat maayos. Buhay na masasabing buhay nga talaga.

Takot akong mamatay.

Takot akong mamatayan ng kahit sino sa pamilya ko o sa mga kaibigan ko.

takot ako sa KAMATAYAN. anomang anyo yun. patay na pangarap, patay na aso, patay na kuko, patay na halaman, patay na daga, patay na buhok, patay na sex life, patay na baboy, patay na ipis, basta lahat ng namatay, kamatayan ko nang matatawag iyon.

LIve your life to the fullest.. medyo naiintindihan ko na yan.. Akala ko noon, isa lang iyang kasabihan na ipapaliwanag mo sa essay at pagandahan kayo ng kaklase mo sa nagawa niyong essay, tapos bibigyan kayo ng teacher niyo ng grade na 1. ngayon, iba na. totoo pala ito.

Hindi ko ginustong magpatawa o ano. Gusto ko lang iparating ang nararamdaman ko. Gusto ko lang sanang ipamahagi sa inyo na magtulungan tayo na ayusin ang buhay ng isa’t-isa.

Ayokong mangako na aayusin na ang buhay ko simula ngayon. Pero alam ko na bawat araw, alam ko inaayos nito ang sarili ko para bukas at ang bawat bukas ang nag-aayos sa akin para sa mga susunod na bukas.

bahala ka kung magko-comment ka. desisyon mo na yon. malaki ka na. alam mo na ang tama at mali. sana kahit papano may napulot kang aral mula sa gawa ko. salamat sa pagbabasa. 



2 Comments so far

  1.   rot on January 20th, 2008

    man! i’m so touched… lahat ng sinabi mo left a sting on me.

    ayus, nakakatuwa basahin blog mo. binukmark na kita noon pa.. add kita oki lang?

  2.   dollie on March 25th, 2009

    ou nga, nakakatakot mamatay..

    kaya nga hirap na hirap aqoh pag pinapanuod qoh ung final destination (pero favorite movie qoh un)

    nakakapraning hanu…

Leave a Reply