bakit mo namang kailangan malaman…. ?

malamang hindi ka nga interesadong basahin ito.

pero sa 2 dekadang nagdaan sa buhay ko, may isa akong bagay na nakalimutang gawin, o hindi ko nga talaga nagawa. ang una ay magpasalamat. at ang ikalawa, ilabas ang mga bagay na totoo kong nararamdaman.

uunahin ko ang ikalawa.

kaarawan ko man ngayon (mar 6) at ako ay 20 taon nang nabubuhay sa mundong ito, sa palagay ko hindi ako naging masaya. lagi kong tinatago ang lungkot na nasa loob ng puso ko. masaya nga ako sa paningin ng iba, pero ang kalooban ko sobrang naghihirap.

napakagandang regalo, naisip ko. may nalaman kasi akong ilang mga bagay na talagang aking ikinagulat. hindi o na rin gustong malaman per dapat malaman ko na. ayokong tanggapin per dapat. hindi naman pag-ibig ang problema ko. ang problema ko ngayon ay isang bagay na mahirap unawain.

sabi ng kapatid ko, mukha raw akong walang pakialam. pero hindi ganon yun. hindi ko naman kailangang umiyak o magwala dahil malungkot ako. marahil, gusto ko ring gawin pero bakit hindi ko kaya.

sa nagdaang 20 tao, hindi ko nagawang magsaya sa aking kabataan. hindi rin kasi ao maganda kaya wala akong maipagmalaki pag nagpapakita ako sa mundo. wala akong pangalan.

oo, ako si glaiza de raya elevado.

pero… wala akong pangalan.

sa aking paglalakad, napapakinggan ko ang mapangutyang asar sa akin ng mga tao dahil sa aking hitsura pero ayos lang naman. hindi ko na rin naman iniisip yun. sa lahat nman ng tao, hindi lang ako ang nakakaranas nun. o marahil nasanay na rin naman ako. sa isip ko, hindi naman nila ako kilala kaya ayos lang talaga. sila nga itong dapat umayos ng sarili nila pero sa kabila nun nakuha pa nila akong idamay sa pagkasira-ulo nila.

nasanay na rin siguro akong pinagtatawanan. kaya siguro naging komedyante na ata ang naging linya ng personalidad ko ngayon. hindi na nga ako marunong umiyak. umiiyak rin ako pero nagtataka ako bakit kung pumatak ang luha ko, napakakonti lang? hindi ako naiyak ng matagal. wala pang isang minuto, tumitigil na ang pagpatak ng luha ko.

nagkaron ako ng isang espesyal na relasyon sa isang lalaking mula sa Ireland pero hindi ko nagawang maging masaya sa mga panahon na naging kami dahil inisip ko ang mararamdaman ng aking ama pag nalaman niya iyon. hindi ko na naman inisip ang sarili ko. panahon na para makaranas naman ako ng tunay na relasyon… pero wala talaga. lagi ko noong iniisip na dapat itago ko lang. 

sa nakalipas na isang taon, may isang guro ako noong 2nd yr college ako at gustong-gusto ko talaga siya. pero siyempre may pamilya na siya at asa pa akong may pag-asa ako na magustuhan din niya. sa palagay ko nga naasar sa akin yun eh…

nagsisisi ako. hindi ko naranasan na magkaroon ng napakaraming barkada. hindi ko kasi sila pinahalagahan. hindi ako mahilig sa kaibigan noong mga panahong hindi pa ako nakakatungtong ng kolehiyo. pero natagpuan ko si MAE, ang bestfriend ko. isa siya sa mga bagay na talaga namang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.

marami rin naman akong mga pagkakamaling nagawa. hindi naman ako santo para hindi magkamali. maaaring naguguluhan ka sa ginawa kong ito, ganun na rin kasi ang nararamdaman ko ngayon.

naguguluhan. nalilito. ano ba ang uunahin ko? ano ba ag dapat na maging ako?

sana totoong nahahanap ang sarili. ako kasi mukhang naliligaw na talaga.

kulang ang oras ko para magsabi ng totoo kong nararamdaman. pero okay lang.

pero ito ang una kong naisip…

sa kabila ng aking pinagdaraanan, nais ko pa ring magpasalamat sa Diyos. alam mo ba kung bakit?

sa dami ng kalungkutan na dumadaan sa buhay ko, at kahit napakarami nito, ibig sabihin, inambunan ako ng Diyos ng hustong TIBAY NG LOOB. ibig sabihin alam ng Diyos na kaya ko. alam niya na HINDI ako basta na lang susuko, o iiyak na lang na parang bata.

salamat. salamat sa IYO…..



2 Comments so far

  1.   Chari on March 26th, 2006

    you dont need to feel pity of whats happening around….. always remember that you have a beautiful sister just right here… you are so blessed because you have gven that personality… almost everyday that we are together i have never told you thank you nor i love you but those things are given to those who would be bidding goodbye but i wont… ate always remember that i love you so much and as long as im here no one could hurt your feelings watever it is… physically, verbally or emotionally…. i love you so much te…….

  2.   dollie on March 25th, 2009

    (sigh…)

Leave a Reply