PROLOGUE

Ang totoo, ang hirap mag-isip. Ewan ko ba. Parang nasasarapan na ako sa paggiging bum! November 18, 2009- anniversary ko na nang paggiging jobless citizen of the Philippines *clap clap* haha! Wala nang laman ang utak ko kundi facebook.

At dahil sa paggiging bum ko, nahihirapan akong mag-isip ng idea (na naman). Pero, ito na lang.

Nag-aambisyon din akong makapagsulat ng libro. Kahit yung mumurahin lang. Iyong tipong presyong mag-syota. Hmm… mga fifty pesos pero gawa sa onion skin ang bawat pahina! Haha! Siyempre, gusto ko, magkapresyo ang libro namin ni Eros Atalia o kaya ni Ricky Lee (mga P200-250 keri na… ambisyosa talaga! Kung tigsi-singkuwenta lang, baka naman wala pang piso ang royalties ko). Hehe!

May ilang mga tao na pinakiusapan ko na basahin ang “manuscript kuno!” Ewan. Isa lang yata ang nagtyaga magbasa (Thanks Clariz!) AYun, hindi pa rin tapos. Kaya ang ilalagay ko muna ay ang isang bahagi ng aking “manuscript kuno!”. Saka feeling ko, hindi rin lulusot. Ang daming kulang. Magulo. AT masyadong mahaba.  May patutunguhan sana, kaso hindi ko nga lang alam kung saan.

Mostly, puro ako rin naman iyon.

SO, paano, ito na.

-PROLOGUE-

Hindi ko ba naman alam kung bakit sa dinami-dami ng courses sa college na ipapakuha at ipipilit sa akin ng mga magulang ko ay Nursing pa ang napili nila? Hindi ba nila alam na wala akong hilig sa kahit anong form ng Science [pwera Math]? At hindi rin ako masyadong karinyosang babae at hindi rin ako magaling pagdating sa mga gamot? Hindi rin ako health freak kaya bakit health related course ang napili nila para sa akin?

“Anak, simple lang. Kapag Nursing ang tinapos mo, madali kang makakarating sa abroad. Malaki’ng kikitain mo doon. Sa bawat magdaraang taon, maraming sakit ang mauuso. Dadami ang ospital. Dadami ang kailangan  na health personnel. At dadami rin ang kakailanganing nars. Saka sayang naman iyang talino mo. Malay mo, dahil diyan, yumaman na tayo. ‘ta mo ‘yong mga pinsan mo, mayayaman na. Mga nars na sa London ang mga iyon. Ang Ate Gina mo, head nurse na at pinag-aaral pa ng ospital nila para mag-masteral!  Papayat ka pa dahil malalaman mo na kung anong dapat mong gawin! Alam ko naman na kaya mo iyan eh.”

Iyan na lang ang palaging litanya sa akin ng tatay ko kapag naitatanong ko kung bakit kailangan ko maging nurse.

” Kasi ‘tay, gusto ko, office life. May sariling computer at desk. Tapos madaming papeles na pipirmahan, may necktie ang damit at pencil cut na palda. Tapos, may sariling sekretarya,  basta ganun… ”

“Eh di kapag naging chief nurse ka na, magiging ganoon din ang gagawin mo.”

Talo na naman ako. Ilang beses na sa bawat taong daraan na nag-aaral ako na magbalak mag-shift ng course. MassComm ang gusto ko o kaya Theater Arts. Pero naisip ko, sayang naman ang pera kung ganoon lang ang gagawin ko. Hindi rin naman ako mukhang artista. Tinuloy ko na lang at tinapos ang kurso ko kahit ayaw ko. Keri lang naman. Masayahin naman ang mga naging  kaklase ko, may terror at bading  pero gwapong professor, sikat ako sa classroom,  madaming kakilala, at may mangilan-ngilang uno pero walang tres at sinco. Partida na para sa napilitan lang! Four years din iyon ‘no!

Nagustuhan ko na rin naman ang mag-duty sa ospital kahit papaano. Madami akong naging kaibigan na mga nurse, doctor, janitor, pasyente at iba pang estudyante na nakakasabay namin.  Madami akong napuntahang ospital na “never heard pero meron palang ganon”. Marami na rin naman akong natutunan at kahit papaano, health conscious na rin ako nang konti. Konti lang.

Pinilit lang din akong kumuha ng Nursing Licensure Exam agad. June kasi ang unang batch pero gusto ko sa December na lang para mawala ang takot ko. Pero kinuha ko na lang ang exam sa June para daw fresh pa sa isip ko ang mga ni-review ko at para matapos na rin daw agad ang agony ko. May nalalaman pa silang fresh diyan!

Nagsimula na ang fright night habang naghihintay kaming mga nag-exam ng resulta. Halos dalawang buwan kaming hindi makatulog at kain na lang nang kain [pambawi sa puyat] dahil kinakabahan kami kung pumasa ba kami o hindi.  Halos lahat ng nag-board exam na kakilala ko ay nagsitabaan, so hindi lang ako! Kain at tambay lang kasi ang ginawa ng karamihan sa amin.

Pinili ng iba na huwag  munang magpakita o kumausap ng kahit na sino hanggang sa lumabas ang results ng exam. Nag-hibernate na parang bulate. Ang iba naman, gimik to the max na akala mo ay pinakawalan sa hawla at wala na silang inuuwiang bahay. Ang iba, playing safe. Nagpanggap na hindi kumuha ng exam pero ang totoo naman ay kumuha sila. Natatakot kasi silang matawag na bagsak kung babagsak man sila. Ang iba, naging katulong muna. Utusan sa bahay, taga-alaga ng mga maliliit na kapatid o anak ng mga bayaw nila, bantay sa tindahan, taga-luto sa karinderya,  at nagma-master ng kung ano-anong gawaing bahay. Ang iba naman, nagre-review uli para naman sa mga foreign exams na kukunin nila dahil gusto nilang maging Registered Nurse pero sa abroad naman.

-0-

June 10-11, 2007 ang exam namin. At August 29 na yata lumabas ang results. Sa wakas, sa ilang saglit na lang, tapos na ang paghihirap ko. Matatapos na talaga ang mga sleepless nights. Tapos na ang hibernation. May karapatan na akong maging masama uli. [Panakot kasi lagi sa akin ng mga professor ko na kapag di raw nagpakabait habang nagre-review at naghihintay ng result ay siguradong bagsak kaya napilitan akong magpakabait nang mga panahong iyon. Tinigilan ko rin muna ang panonood ng bold habang naghihintay ako ng paglabas ng results.] MATATAPOS NA ANG PAGHIHIRAP KO NG DAHIL SA BORED EXAM! Yahoo!!! [at pwede na rin uli ako manood ng bold!] Pero lalong tumitindi ang kabog ng dibdib ko. Natatakot na parang natatae na parang manganganak na ako na parang ewan.

Kaya ko nalaman na lumabas na ang result ay dahil tumawag ang kaklase ko at sinabi sa akin lumabas na nga raw ang mga pangalan ng mga pumasa sa website ng INQ7.

“Dude! Pumasa ba ako?” excited ako nang tinanong ko siya.

“Dude, hindi ko alam eh. Pangalan ko lang kasi at pangalan ng boyfriend ko ang tiningnan ko.”

“Walanghiya! Eh ano? Pumasa ba kayo?”

“OO girl! Natutuwa ako at nagbunga rin ng maganda ang pansamantala naming paghihiwalay na dalawa at paga-abstinence. Ibabalita ko na sa kanya ito agad.”

“Congratulations gel! Eh di chukchakan to the max na iyan! Sige, kahit hindi mo tiningnan ang pangalan ko, magiging masaya na lang ako para sa iyo.” pa-awa effect kong sabi sa kanya.

“Lukring ka! Hindi ba noon, kabilin-bilinan mo sa akin na huwag na huwag kong hahanapin ang pangalan mo kapag lumabas na ang results? Hmmm… bawal ang pork, bawal ang beans… Nakalimutan mo na ba? Sinunod lang kita. Sige na! Tatawagan ko pa si boyfriend. Go ka na sa PC-han! ” at ibinaba niya na ang telepono nang buong kilig at ligalig.

Oo nga pala! Ibinilin ko nga pala iyon sa lahat ng taong nakakakilala sa akin at nakakaalam ng buo kong pangalan. Kasi magpapakamatay ako kapag nalaman ko na hindi nila nahanap ang pangalan ko.

At go na nga ang lola mo sa PC-han!

“Ate Rose, isang PC. Internet. 30 minutes lang. ” humahangos pa ako noon dahil napakalayo ng PC-han niya.

“Himala! Hindi ka open time? 24 hours kami ngayon! Hindi tulad kahapon na hanggang 10PM lang. Wala kasi ang Kuya Darwin mo kagabi. Pero ngayon, andiyan siya, kumakain lang sa bahay.” sine-set-up niya na ang PC na gagamitin ko.

“Eh may titingnan lang ako, ‘te.” At umupo na ako sa harap ng computer.

Kahit 100mbps ang speed ng internet nila, nababagalan ako. Marahil kasi, napakaraming tumitingin sa results ng board exam sa website na binuksan ko. Pero mabuti at nag-load na.

“Letter E… hmmm… Espinosa… ay lampas na… E… L… E…” habang dinuduro ko ang monitor para sure na ang turo sa pangalan ko.

Paano ba ako magpapakamatay kung hindi ako pumasa? Magbibigti? Ay hindi pwede. Baka bumigay ang kisame namin.Masira ko pa ang bahay namin. Iinom ng maraming Biogesic? Naku! Baka isang taon lang akong walang lagnat. Eh Alaxan kaya? Huwag na iyon! Isang taon naman akong walang sakit ng katawan. Pangit! Sleeping pills? Eh sa lakas ng hilik ni Kuya magigising lang ako. Inom kaya ako ng Clorox? Ay huwag din iyon. Baka pumuti lang ako.

Paano naman kaya ang emote ko kung pumasa ako? Iiyak? Magpa-flying kiss na parang nanalo sa Miss Universe? Mukhang normal lang? Paano na ba?

Ang dami-daming pumapasok sa isip ko. Hindi ko na alam. Kabado ako eh.

.

..

….

…..

……

…….

……..

………

……….

Ano? Itutuloy ko pa ba itong binabasa mo?

MINSAN SA DECENA STREET…

Halos limang taon na rin akong nakatira dito sa Quezon City pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ang Luzon, Visayas at Mindanao Avenue. Hindi ko pa rin kilala ang lahat ng mga Congressmen and Congresswomen. Taga-Pasay kasi ako talaga at si Peewee Trinidad lang ang alam kong Mayor dati. Akala ko nga, siya na ang Mayor ng buong Pilipinas.

Napakaswerte ko na rin na dito ako nakatira. Dahil mas mataas ang kinalalagyan ng QC kaysa sa Pasay. Ang pagkakaalam ko, below sea level ang Pasay kaya madali kaming bahain noon. Dito sa QC, hindi pa kami binabaha.

Naaalala ko pa na tuwing umuulan sa amin (Pasay), yung tipong malakas na hindi humihinto, kumukuha ako ng isang strip ng papel na makukuha ko sa kung saan man sa bahay namin at isinusuksok ko sa butas ng aming kahoy na sahig. Kapag nabasa ang papel, aabutin kami. Pero sa tuwing malapit nang mangyari iyon, may kung anong forces ang nagpapahinto sa ulan at never kaming inabot ng tubig. Kung nagkataon kasi, mabubulok agad hindi lang ang sahig kundi ang buong bahay dahil gawa ang lahat sa kahoy maliban sa bubong na gawa sa Swarovski (charing lang, siyempre sa yero.)

Pero hindi ko maiwasang ma-miss ang mga alaala na mayroon sa dati naming lugar.

ANG MGA KALORKEY NA KAPITBAHAY AT SEMI-KAPITBAHAY

Hinding-hindi ko sila makakalimutan. Nakakatuwa sila na nakakatawa na nakakaasar na nakaka-miss.

Las Chismosas - madami sila. SIla ang mga butihing maybahay na ang ginagawa maliban sa pagpasok sa trabaho at pag-aalaga ng anak ay magtsismisan. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Pero ang masarap sa ginagawa nila ay iyong hingutuhan ako. Marami kasi akong kuto noong bata pa ako at napakahaba pa ng buhok ko. Tuwing umaga, tatawagin nila ako sa bahay namin at uupo ako sa hagdanan. Tapos magkukumpulan sila sa ulo ko; tik-tik-tiris; may dalang 50ml na gaas at sisilaban ang ulo ko (joke lang… )-siyempre, ang gaas daw ang pampatay sa kuto.  Nang maubos na ang kuto ko, nag-away sila sa hindi malamang kadahilanan.

The Tanggeros - isang grupo sila ng mga kalalakihan mula sa iba’t-ibang lugar sa Decena. Malayo na nga ang pinanggalingan ng iba pero sa ngalan ng Quadro Kantos ay nagtitipon sila. Kundi man araw-araw ay maya’t-maya. Walang uwian. Pwede mo rin silang tawaging The Gamblers dahil sa makabagbag-damdaming Tong Hits nila. Sila rin ang mga Alagad ni Kuya Germs dahil hindi na sila natutulog hangga’t hindi nababawi ang mga naipatalo sa sugal. Minsan naman, mga Henyo sila dahil sa sobrang kalasingan nila, bigla silang gumagaling mag-English. They talk about Politics and Economics, pati Science and Technology at pagkatapos, magbubugbugan na sila.Pag nahimasmasan na sila, parang walang nangyari. Bati na silang lahat. And history will just repeat itself.

La Banderas - sila ang mga katulong nina Koya at Ati. Nagtitipon-tipon tuwing hapon dala-dala ang mga inaalagaan nilang mga bata. Tsismisan din at kuwentuhan ng mga Dodong of their lives na walang humpay. Mga in-love palagi na akala mo kinikiliti ang kiki kapag tumatawa sila.

Ang mga Hip-Hop Bulok - (hindi ko sinasabing bulok ang Hip-Hop, okay?) sila ang grupo ng mga kabataan na ewan ko kung bakit para sa kanila, cool ang vandalism at batuhan ng bote. Cool din para sa kanila ang buntisin ang mga syota nila na sobrang bata pa, at cool din para sa kanila ang cutting classes. Cool din ang paga-alter sa school uniform at cool din ang kumain ng ice candy at halos nahuhubaran na sila sa sobrang luwang ng damit nila.

The Hammer Girls - wala nasilang pinag-usapan kundi ‘’pok-pok si ganito.. si ganyan…” Sila-sila rin naman iyon.

Si Aling Pasing - siya ang taga-singil ng tubig sa amin. Lagi niyang binabantayan ang lahat ng nag-iigib sa poso para siguruhing magbabayad ang lahat pagkatapos nilang mag-igib.

Sound Masters - walang palya sa palakasan ng sound system as early as 5:00 AM!

ANG MGA CUTE NA KALARO

Madami akong childhood friends noon. Pero mayroon akong super natatandaan talaga, sina Yeyeng at Lallie.

Silang dalawa, kasama ako.. lagi kaming niloloko ng mga kapatibahay. Mga tabachoy kasi kami noon (ako hanggang ngayon) at parang lagi kaming magkakasamang tatlo. Pareho rin kami ng pinasukang eskuwelahan noong elementary. Halos magkakamukha na nga kami noon dahil palagi daw kaming magkakadikit. SI Lallie ang pinakamatangkad, sumunod si Yeyeng at ako ang punggok.

Naalala ko pa noon, may bagong gawang lamesa si Mang Tony at sa tuwa naming tatlo, inupuan namin yun.  Inuga, lumangitngit. Isang uga pa. Ayun, nawasak. Imbes na magalit, tumawa na lang kaming lahat.

Kaming tatlo yung may crush kay Juni kasama ng iba pa. (naaalala ko pa yung cheer namin kay Juni: “Manalo, matalo, cute pa rin kami!”)

Ngayon, may kanya-kanya na kaming buhay.

ANG MGA OUTSIDERS

Naaalala ko sila tuwing umuulan. Kasi, sila iyong mga batang taga-labas at pumapasok sa looban namin tuwing baha. Nagmumukha kasing kids’ swimming pool ang basketball-an sa amin at tuwang tuwa sila maglangoy doon. Maitim man ang tubig dahil sa durog na lupa at lumot, okay lang basta masaya sila. Nagdadala pa sila ng mga salbabida para lang ma-feel ang ambiance. At nuknukan sila ng ingay to the point na gusto mo nang kumuha ng shot gun at barilin sila isa-isa!

ANG MGA SIDEWALK CHEF

Sila ang favorite ko sa lahat! Hinahanap-hanap ko ang mga:

1.       matamis na timpla ng betamax, hotdog, balat, adidas, isaw at kung ano-ano pa na niluluto noong nag-iihaw na iyon. Hindi ko alam ang pangalan niya pero napakasarap ng lahat ng tinda niya.  Ang sarap iulam sa kanin! At ang ulo ng manok… said!

PS: Kahit saan ako magpunta, walang makagaya ng lasa at paraan kung paano niya ginagawa lahat ng tinda niya.

2.        masabaw na sopas at champorado ni Bongcato,

3.       ice candy na may sago,

4.       tagpi-pisong tinda ni Mang Johnny (Promise! Lahat piso lang! Banana cue, juice, hotcake… saan ka makakahanap noon?),

5.       goto ni Kuya Tony na maraming bawang at chives at isang sirit ng kalamansi!

6.       ispageti ni Ate Nova na kahit alas-singko y media pa lang ng umaga ay malapit nang maubos.

7.       ice candy rin na mukhang shake na tigdo-dos kasi naman ang laki at ang sarap din!

8.       tindang ulam at softdrinks sa Sykason’s Jade apartment kung saan nakatira si Juni.

9.        burger ni Ate Perry na kahit alas-tres ng umaga, basta gising pa sila ay ipagluluto ka, fresh from the parlor. (kasi ang parlor nila, tindahan din!)

10.   Cheepee at Muncher  ni Mamang

Hay… wala na kasi ng mga iyan dito.

ANG PUNO NG BALETE

May napakalaking puno ng balete sa looban naming at kahit pinutol na ay tumutubo pa rin at napakalaking talaga! Alam niyo na ang classic na kuwento, may White Lady raw doon.

ANG PUNO NA EWAN NAMIN

Walang nakakaalam kung anong pangalan ng puno na iyon na nasa poso. Pero maganda siyang taguan ng mga bata kapag naglalaro ng tagu-taguan at hide out ng mga magsyotang gustong maghalikan muna nang  bonggang-bongga; torrid kung torrid bago sila magpaalam sa isa’t-isa.

SI RICKY, OMPONG, YOSI, POP, MARCELO and COMPANY

Hindi ko na maalala ang exact members ng grupo nila. Pero si Ricky ang adik sa Philip, si Yosi naman, maliban sa adik sa yosi ay nahuling “nag-yu-you know” habang namboboso sa isang dance studio ng mga seksing Japayuki, si Ompong naman, adik sa softdrinks anytime of the day at ganun din si Pop. Lahat sila ay wala sa katinuan. Ewan ko ngayon. Hindi ko rin alam kung buhay pa sila. Madalas silang pakalat-kalat sa daan noon at kakalabitin ka na lang bigla, “Pengeng Piso!” Hindi naman sila nanakit, sa pagkakaalam ko.

PS: Nagawan sila ng kanta ng mga bata sa amin dahil sa kanilang samahan. Hanggang ngayon, alam ko pa rin ang kantang iyon. Na-LSS ako noon ng 3 araw nang kantahin sa akin iyan ng kapatid ko.  Hindi ko rin alam kung si Marcelo at si Pop ay iisa.

ANG MGA ASPINS

Mas politically correct daw ang ASPINS kaysa sa ASKAL. Sinong makakalimot sa kanila? Kahit saan ka magpunta, naroon sila. Mamaya lang, may manganganak na aso na at kanya-kanyang hingian ng tuta. Tapos isa-isa rin namang mamamatay ang mga tuta kasi hindi naalagaan. Pero mamaya rin, may mga nagchu-chukchakan na uli diyan sa tabi. At magkakatuta na uli.

HInabol na rin nila akong minsan, kinagat, kinalmot. At ginulpi at pinulutan naman sila ng taumbayan.

Pero love ko pa rin sila.

PS: Pinangalanan din sila ng mga kapitbahay namin pero di ko na maalala masyado. Ang naaalala ko lang ay sina Oha, Malnoris, Tootchie, Whitey, Charlie, Spike…

ANG HALLOWEEN TRIP

Mababaw lang ang kaligayahan naming bilang mga bata noon. Hindi naman uso ang trick or treat sa amin kaya ang ginagawa namin, nanggugulo na lang kami. Sa gitna na solemn na katahimikan sa pag-alala sa Undas, naroon kami at ng ilan pang mga bata dala ang isang malaking lumang manika, tatalian at ibibitin pataas. Kapag may dumaan, gugulatin naming sabay bitaw sa tali na nakapulupot sa leeg ng manikang kamukha ni Chaka Doll.

ANG MABABANG PADER

Sinong nakagiba? Ako.

Paano?

Isang araw, mahaba ang pila sa poso. Matagal pa bago ako.

Sumandal ako sa mababang pader.

Blag!

Wasak ang kawawang pader.

Kinabukasan, wala na silang sandalan.

——————————————————————————————————————————————

Nang mapag-desisyunan nang mga may-ari ng looban namin na kunin/ibenta ang kanilang mga shares sa lupa, isa-isa nang nagsi-lipatan sa ibang lugar ang mga nakatira doon, kabilang ang aming pamilya. Ngayon, giba na raw ang lahat ng bahay na nakatayo doon.

——————————————————————————————————————————————

Pero kahit kalian, wala nang sasaya pa sa aking mga karanasan doon kahit ano pang sabihin nila. Wala nga lang akong naging buhay pag-ibig doon at pati ba naman dito sa QC wala pa rin?

Hay…

WALANG BURAHAN NG BLOG

Maiksi lang ito..

Hindi naman ako super galing magsulat at hindi rin naman award winning ang mga entries ko sa blog ko na ito. Mayroon ding walang kwenta. Pero mayroon lang talaga akong napapansin na isang nakakairitang bagay tungkol sa mga bloggers/online people sa ngayon.

ANG PAGBUBURA NG BLOG/WEBSITES NILA DAHIL SA ISANG KA-ENGOT-ENGOT-AN NA NAGAWA NILA.

Ewan ko ba naman kasi. Kung alam niyo naman kasi na hindi nakakatulong ang isusulat niyo, huwag niyo na ilagay. Gusto niyo ng atensyon. pero kapag nariyan na ang mga comments niyo, natatakot kayo! Para kayong mga sira! Kung alam niyo naman pala na masama ang magiging epekto ng isusulat niyo, isipin niyo naman ang matatapakan niyo. Buti sana kung expose iyan ng isang tiwaling politiko na kumukuha ng pera sa kaban ng bayan, malamang baka magsama kayo ni Jose Rizal sa National Heroes’ List.

Pero kung ang isususlat mo pa ay para kutyain ang mga taong nasalanta ng bagyo, mga inosente na wala namang ginagawa sa iyong masama, para lang siraan ang ibang tao at hindi naman makakabuti sa ekonomiya ng Pilipinas, kung paano kayo pumatay ng hayop sa marahas na paraan, at kung ano-ano pang kabulastugan, sana huwag niyo na lang isulat iyan. Hindi naman kasi nakakatulong.
Sinayang niyo lang ang blog/website niyo. Dahil lang sa isang entry na binatikos ng husto dahil hindi naman kayo nag-iisip, binura niyo na lahat. Sayang naman ang mga magagandang entries. DAhil lang sa pagkakamaling ito, ayan ang napala niyo. Sana kasi, ayus-ayusin niyo ang pagsusulat. Hindi dahil malaya ang bansa natin ay malaya niyo nang masasabi ang lahat ng gusto niyo. Minsan, sana alam niyo ang grounds ng bawat salitang ita-type ng keyboard niyo.

KAHIT PA ACTIONS SPEAK LOUDER THAN WORDS, MINSAN, WORDS ARE THE MEANEST OF ALL ACTIONS.

peace na lang sa magagalit. pero hindi ko ito buburahin. maasar man kayo sa akin. hindi ko kayo gagayahin. walang burahan ng blog. ulol kasi kayo. ako, medyo lang.

UMULAN, BUMAGYO… ANG PINOY AY AYOS LANG!

“Kaaalis lang ni Ondoy. Parating naman si Pepeng. Kumusta naman si Juan dela Cruz? Mga dabarkads, kaya pa ba?”

-0-

Kung sakuna na lang rin ang pag-uusapan, 999,985,839,843,299.99999999999 to the 10th power na ang nagdaan sa atin, pero nanatili pa rin tayong alive and kicking. Pero ibang klase ang dumaan ngayon, si Ondoy. Wala siyang sinanto. Mahirap, mayaman, artista, laos, basta lahat! Pero kahit ano pang klase si Ondoy, ito pa rin ang Pilipino.

Umaahon.

Nagwawalis.

Nag-iimis ng mga kalat.

Naglalaba ng mga naputikang damit.

Nagpapatuyo ng mga kamang nabasa ng tubig baha.

Naghuhukay ng mga bagay na nabaon sa lupa. Buhay man o hindi.

Nakikipila sa namimigay ng relief goods.

Nagtsitsismisan.

Nagkukuwentuhan.

Ngumingiti ng parang walang nangyari.

Ibinabangon ang sarili at ang buong pamilya para maibalik ang lahat sa dati.

At pwedeng nag-iisip na kung saan pwedeng lumipat ng tirahan.

-0-

Mga dating gamit sa bahay, ngayon naging basura. pero bukas, tiyak ko, magiging ginto ito sa mga mata ng naghihikahos.

Ayoko ng maputik, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho. Pero ang lugar ko, binaha lampas tao. At hindi kami nakahiga! At hindi lang hanggang dibdib ng duck!

-0-

Ang mga Kakaibang Pilipino sa Gitna ng Sakuna

1. Inaanod na si “Manong” sa baha. Pero kapag natapatan ng camera ng news team, kakaway pa, naka-smile kahit malapit na siyang malunod.

Pwede ba mga dabarkads?!… Pwede!

2.       Ang iba, mga magnanakaw by heart,  magnanakaw rin in spirit. For richer or for poorer, basta may makukuha sila, sige lang. Marami nang patay sa paligid, pero sila, sasalakay habang ang lahat ay abala para iligtas ang isa’t-isa. Ewan ko sa inyo.

Dahil sa kagaguhan niyo, bibigyan ko kayo ng isang malaking “(*&*$&^$I*^#$#$&^T*”

3.       Nariyan si Mr. Resourceful. Ang basura ng karamihan, nagagawa niyang ginto. Itatapon na lang, magagawan pa niya ng paraan at pagkakakitaan pa!

Isa kang Talentadong Pinoy!

4. May iba naman na maswerte na at hindi inabot ng baha pero nagmamalaki pa at talagang  hindi naman nakakatulong. See: Jacque Bermejo.

Hanapin niyo na lang siya sa google.

5.       Ibang klase si Kris Aquino. Alam niyo na iyan! Talagang iba na ang sikat. Word Power lang, ang dami nang natulungan at ang dami niyang na-push para tumulong!

Perfect!

6.        Ang iba naman, wala lang. Swerte dahil hindi inabot nang baha. Apathetic lang. Hanggang sila naman ang abutan ng tubig.

Galaw-galaw baka pumanaw!

7.       Lahat ng tao, nasalanta man o hindi, may pera man o wala, bata man o matanda… TUMUTULONG. May paraan talaga. Kahit ano.

Magaling! Magaling! Magaling!

8.       Ang mga maparaan, kahit hindi pa dumarating ang tulong, wala nang panahon manisi. SIya na mismo ang gagalaw para maisalba ang kanyang pamilya.

Karapat-dapat kayong i-clap-clap!

9.        Ang iba naman, nagngingitngit… kasi WALANG DIALTONE ANG PHONE NILA, WALANG INTERNET AT WALANG MGA SIGNAL ANG CELFONES NILA.

Yun lang. Hindi sila maka-GM.  Buti sana kung dahil tatawag sila sa mga kamag-anak na maaaring naabutan ng bagyo… kaso HINDI.

10.   Ang iba diyan, inuulan na ang lahat sa labas, nakuha pang mag-blog.

Uy, hindi ako iyon ah?

yowyowyow!

peace ate!

peace ate!

NEW FORM OF KIDNAPPING

*** In-email lang ito sa akin. Pero nakakatakot kaya gusto ko i-share sa inyo. Para naman mag-ingat tayo lalo. Dahil hindi lahat ng mabait, mabait talaga. Minsan, nakakapanlinlang sila.  ***

Please take a minute to read this. This is very scary and could happen to any of us.. Seems like every nice thing people do for one another can be perverted.


A new twist on kidnapping from a very smart survivor:

About a month ago there was a woman standing by the mall entrance passing out flyers to all the women going in. The woman had written the flyer herself to tell about an experience she had, so that she might warn other women.


The previous day, this woman had finished shopping, went out to her car and discovered that she had a flat.

She got the jack out of the trunk and began to change the flat… A nice man dressed in a business suit and carrying a briefcase walked up to her and said, ‘I noticed you’re changing a flat tire.

“Would you like me to take care of it for you?’

The woman was grateful for his offer and accepted his help. They chatted amiably while the man changed the flat, and then put the flat tire and the jack in the trunk, shut it and dusted his hands off.

The woman thanked him profusely, and as she was about to get in her car, the man told her that he left his car around on the other side of the mall, and asked if she would mind giving him a lift to his car.

She was a little surprised and she asked him why his car was on other side.

He explained that he had seen an old friend in the mall that he hadn’t seen for some time and they had a bite to eat, visited for a while, and he got turned around in the mall and left through the wrong exit, and now he was running late.

The woman hated to tell him ‘no’ because he had just rescued her from having to change her flat tire all by herself, but she! felt un easy. (Trust that gut feeling!)

Then she remembered seeing the man put his briefcase in her trunk before shutting it and before he asked her for a ride to his car.

She told him that she’d be happy to drive him around to his car, But she just remembered one last thing she needed to buy. (Smart woman!!)

She said she would only be a few minutes; he could sit down in her car and wait for her; she would be as quick as possible.

She hurried into the mall, and told a security guard what had happened, the guard came out to her car with her, but the man had left. They opened the trunk, took out his locked briefcase and took it down to the police station.

The police opened it (ostensibly to look for ID so they could return it to the man). What they found was rope, duct tape, and knives. When the police checked her ‘flat’ tire, there was nothing wrong with it; the air had simply been let out. It was obvious what the man’s intention was, and obvious that he had carefully thought it out in advance. The woman was blessed to have escaped harm.

How much worse it would have been if she had children with her and had them wait in the car while the man fixed the tire, or if she had a baby strapped into a car seat? Or if she’d gone against her judgment and given him a lift?

I’d like you to forward this to all the women you know.. It may save a life.

NIGHTMARE

NIGHTMARE

I closed my eyes
And fell in a deep slumber
Never thought I’ll get through
A world where no one will ever go…

But me.

“Where am I?”
I exclaimed.
But no one answered
Only echoes and the wind whispers– then

Deafening silence.

I wandered
Like Don Quixote at the back of beyond
Making my footprints on the earth where I’m at
Trying to look back

Someone was after me– erasing my vestige.

‘Who are you?”
I chimed in.
“Why do you have to know?”
He answered.

He disappeared.

I was stunned.
Just when I thought who he is
I tried to plan my lam
But suddenly…

I’m ensnared by four walls.

I was faineant at first
Until I heared him laughing
He showed up
A hooded figure; no face but sharp eyes.

I’m cold.

Lying vulnerably
I held my hands so tight
I’m still with taciturnity
Praying he’ll never get close to me

Please wake me up.

MY TEN MISTAKES NA PAULIT-ULIT

DISCLAIMER: hindi ito official list. Ako lang gumawa nito.

——————————————————————————————————————————————

Nitong mga huling araw, hirap na hirap akong mag-isip kung ano na nga ba ang susulatin ko para sa susunod kong blog entry. Kahit papaano naman kasi, may naghihintay na rin sa mga naisusulat ko. Ilan sa mga naka-chat, ka-text, ka-telebabad, ka-freshness, ka-berks  at mga ka-hair chika ay nag-suggest ng mga sumusunod:

1.       Ang 4 na honor guards ni Pres. Cory Aquino

2.       Buhay OFW

3.       Ang makulay na pag-ibig

4.       Politika at mga kalokang ads ni Pareng Mar, Jojo, Manny V., etc.

5.       Ang pagpunta raw sa langit

6.       Gumawa ako ng sariling kwento

7.       Ikuwento ko ang kuwento nila

8.       Manawagan ako

9.       Ano daw ba ako? Kapuso o Kapamilya. Ka-toogs po kasi ako.

10.   Ang luxurious dinner ng Pangulong GMA sa US

…at kung ano-ano pa.

…at ako ay nape-pressure.

…at iyan ang una kong pagkakamali.

ANG MAGPA-PRESSURE.

Kasi naman, suggestions lang naman nila yan. Bakit ba ako masyadong napa-praning na makagawa ng susulatin about sa lahat ng iyan? Darating din naman tayo diyan. Hindi nga lang ngayon at hindi rin sabay-sabay. Ang mga suggestions na iyan ay pwedeng basehan para malaman kung anong pwedeng isulat, hindi isulat lahat iyan. Loka-loka kasi ako minsan.

PS: Salamat sa suggestions. Makakasulat din tayo niyan… someday.

…ikalawang pagkakamali:

ANG MAG-APOLOGIZE SA MGA READERS DAHIL SA HINDI PAGPO-POST NG ENTRIES AFTER 10 YEARS

Readers must feel valued dahil para silang customers sa blog mo. Kaya naman naga-apologize ka nang sobra dahil  hindi ka nakapag-post ng entries after 10 years. Iniisip mo, naiinip sila. Tayo kasing mga Pinoy, napaka-apologetic natin by nature. Pero napag-alaman ko na dapat pala, hinihintay mo na lumabas ang idea. Huwag mong madaliin. Huwag kang malorkey kong wala ka pang mai-post. Eh sa wala eh. At dapat, hindi ka naga-apologize. Ang dapat mo lang gawin, sa oras na dumating na ang malupit na ideas, ayusin ito at i-post na!

At pagkatapos, masasabi sa iyo ng mga readers:  IT’S WORTH THE WAIT! MORE POSTS TO COME!

Kabog, di ba?

…ika-2.1 pagkakamali:

KAILANGAN MAY MAI-POST NA, NOW NA!

May correlation ito sa nauna. Pero ito naman kasi, yung pakiramdam natin na “Naku, two weeks na since I updated my blog! Kailangan may mai-post na agad! Isip… isip… isip.” Kaya ang nangyayari, parang “Ah, bahala na nga si Rosalinda at Fernando Jose! Post ko na nga. Ah-umm!” Nagpo-post ka na lang kasi dapat may mai-post. Hindi mo na naiisip yung quality ng thought ng isinulat mo.

…ikatlong pagkakamali:

IS THE SCENE SAFE?

Grabe ang sensitivity ng mga tao ngayon. Mapa-TV, radio, pahayagan, at blog! May masabi ka lang na taliwas sa paniniwala nila, kakasuhan ka na. May mabanggit ka lang na pangalan, lagot ka na. Kapag may in-oppose ka, gagawan ka ng eskandalo.

Pero, nasa pagsasalita lang naman iyan. Maglagay ka ng disclaimers, mga paunang salita, mga references,  o kung ano pa man na magpo-protekta sa iyo bilang may-akda ng gawa mo.

Sabi nga doon sa isang librong nabasa ko, even bloggers must be tough so that they can stomach all the blows here and there.

Huwag kasing masyadong garapal. Tinulungan tayo ni Madam Cory para magkaroon uli ng freedom of expression. Ingat lang para iwas disgrasya. Huwag din masyadong matapang para mapag-ingatan naman ang sarili at para huwag ma-terminate ang blog. Matutong mag-censor. Maging creative na lang.

PS: Ang euphemisms, parang condom. May flavor para cute at hindi mukhang bastos! Pumipigil sa masamang pasabog na umawas at gumawa ng isyu. Pwede ka gumamit noon kung gusto mo. Pero gaya nga ng condom, hindi talaga siya 100% effective.

…ikaapat na pagkakamali:

MAKIUSO, MAKISALI, MAKISAKAY!

Nariyan na sa mga bloggers ang “keeping up with the Jones’s”. Dapat kung anong uso, iyon din ang isusulat mo. Kung ano ang meron ang ibang blogs, dapat meron ka rin. Kung ano ang talk of the town, iyon din ang ilalagay mo. Ang outcome, parang-hindi ka nga nangongopya, nanggagaya ka naman at nakiki-ride. Nasusuya na tuloy ang followers: “Ano ba naman iyan, iyan na naman! Wala na bang pag-uusapan dito kundi iyan na lang? Yung isa, iyon din yung sinulat.” At mawawala na ang interes nila dahil pareho rin pala kayo ng nai-blog.  Nyek!

PS: Wala namang masama sa magsulat ng kung anong uso. Kaya lang, pag masyado nang uso, at iyon pa ang babanatan mo, parang alam na ng reader kung anong nakasulat sa post mo kahit hindi niya pa ito binabasa ng buo. Hindi na sila nae-excite.

…ikalimang pagkakamali:

AYOKO MAG-BLOG NANG MAHABA KASI BAKA WALANG MAGBABASA

Eh ano kung mahaba kung malaman naman? O kaya naman, kung nakakatuwa at nakakatawa?

Ang nakakaloka lang eh kung mahaba tapos wala namang sense. Pero okay lang naman iyon basta alam mo ang intensyon ng sinusulat mo. Kung nagpapatawa ka ba, nanggagago lang o nagpapapansin.

Pero para sa akin kasi, kapag may followers ka na, hindi na nila alintana kung mahaba o maikli ang isinulat mo. Kasi ang mahalaga sa kanila, nariyan ka muli para aliwin sila o kaya naman ay mag-share ng information. Or simply, makipagkuwentuhan sa kanila. Hindi kasi natin alam, thru our blogs, followers feel a certain “connection” from you to them.

Pansinin mo, kung may followers ka, ibig sabihin, may tiwala sila sa iyo. Kaya in return, magtiwala ka rin sa kanila… kaya nga sila tinawag na followers.

PS: Palakpakan mo ang sarili mo! Nakaabot ka sa part na ito!

…ikaanim na pagkakamali:

MAY FOLLOWERS NA AKO, I THEREFORE CONCLUDE NA ANG BLOG KO AY MAGALING! AT ANG BLOG KO LANG ANG MAGALING… PERIOD.

Aaminin ko na noong una, guilty ako rito. Nang mabasa ko na natatawa pala yung mga readers sa sinusulat ko, nang maranasan ko na magkaroon ng 50-100 comments; good or bad, nagkaroon ng hanging habagat sa ulo ng lola. Nagdaan ako sa stage na ito.

Pero natutunan ko na mag-appreciate ng ibang blog/articles/kung ano-anong sinulat. Hindi man ako super follower ng mga blog ng mga readers ko, o ng iba pang blog, dinadaanan ko rin ang blog nila paminsan-minsan. Nakikibasa. Minsan nakiki-comment. Hindi lang naman kasi ako ang magaling di ba? (hehehe!) Nakikihiram din ako ng ideas pero hindi ako nangongopya. Maki-copy-paste man ako ay for reference naman and I give credit doon sa pinanggalingan.

PS: Nagbabasa na ako ng libro ngayon. Dati kasi hindi.

…ikapitong pagkakamali:

GUSTO KO NG HEAD TURNING TITLE!

Sa sobrang gusto mong manggulat at maghatak ng magbabasa, maglalagay ka ng title na mapapahinto sila at magtatagumpay kang mapansin nila ang gawa mo. Kaso lang, mapepeste lang ang reader mo dahil na-WOW MALI mo pala sila.

Kung maghahatak ka ng babasa, isip ka ng title na interesting yet appropriate sa sinulat mo. (nagsalita ang magaling!)

Tulad na lang nung isa kong post. Akala nung isang reader, ka-porno-han ang sinulat ko. Iyon pala, tungkol lang sa makukulit kong kapatid. Na-badtrip lang siya. Tapos, nag-e-mail siya sa akin, ang pangit daw ng blog ko at hindi na raw siya babalik doon.

PS: Eh di wag. Malibog!

…ikawalong pagkakamali:

ANO BA TALAGA ATE?

Ito yung mga entries na walang focus. Guilty ako rito, sobra. Yun bang, may mensahe nga ang entry mo kaya lang, naglalagay ka ng mga post script na kino-contradict ang sinasabi mo o kaya naman ay may kung ano lang na gusto mong ilagay. Yung commenters mo tuloy, dun na lang sa post script nakatutok.

O kaya naman, sa sobrang ganda ng thought na tumatakbo sa isip mo, hindi mo naman ma-generate ang message into writing.

O kaya naman, naglalagay ka na ng summary. Kaya kung minsan, kapag nahahabaan ang reader, sa summary na lang nakatingin tapos magko-comment na akala mo nabasa niya yung buong entry. Pero hindi naman pala.

Ang blog entry kasi, dapat hindi masyadong give away.

…ikasiyam na pagkakamali:

GUSTO KONG MAGING INTELEHENTE/AKADEMIKO/PILOSOPO/

Walang masama kung gusto mong magsulat ng intelehenteng entry. Okay lang iyon. Pero, naalala ko kasi nang may nag-comment sa akin na masyado na raw seryoso ang mundo kaya bakit pa sila magbabasa ng seryoso.

Minsan, kailangan nating maging light sa readers. Hindi kasi natin alam na kung minsan, kapag masyadong “brainy” ang nakasulat, pinagmamalupitan natin sila. Hindi kasi natin ibinibigay sa kanila ang karapatan na maintindihan nila ang gusto nating iparating. Pwede naming nagi-impart ka ng knowledge and yet you don’t sound like a STEREOTYPICAL BIG BRAINED DOM PROFESSOR. Pwede mo namang gawin in a COMMONERS’ MANNER. Karamihan nga sa mga review materials for licensure exams, mas pinapa-simple ang mga enumerated cheverloo para medaling tandaan.

Minsan pa nga ang outcome, parang nagpapakalalim ka, pero hindi naman bagay. Nagmumukha ka tuloy na TVH (trying very hard… toinks!).

PS1: Nabanggit ko na ito dati sa isa sa mga entries dito. Di ko na nga lang maalala kung ano iyon.

PS2: Bagay ba sa akin ang entry na ito?

…ikasampung pagkakamali:

I WANT EVERYTHING TO BE PERFECT!

Malupit talaga kapag nakakagawa ka ng isang perpektong sulatin. Tipong pulidong-pulido ang simula hanggang katapusan, piling-pili ang mga kataga, nasunod mo nang bonggang-bongga ang pattern at principles ng pagsusulat at wala kang inuulit na salita sa dami ng alam mong synonyms.

Pero naalala ko ang quote ni JOEY DE LEON sa WOW MALI,

“Ang tama, nakakatuwa. Ang mali, nakakatawa.”

Ang sabi naman ni Ai-Ai sa commercial,

“Hindi naman kailangan ng maraming maaarteng herbs and spices, konting magic lang ang kailangan.”

Ang sabi ko naman,

“It’s so nice to be so perfect. But who needs perfect when you are loved by everyone even though you’re not like one. You know?!”

Saka naalala ko, sabi doon sa isang article na nabasa ko, kapag masyado raw perpekto ang naisulat mong akda, iyon pa ang nagiging dahilan para ma-reject ito. (Kasi, wala nang tatrabahuin ang copy reader! Nyeks!)

PS: May natutunan ba kayo, kahit papaano, mga bata? Hanggang sa muli! Weeeeeeeeee!!!!!! :)

WAIT LANG…

wait lang… hehehe:)

salamat.

IN MEMORY OF “HER”

Hindi ako isa sa member ng fans club o mga taga-sunod ni late President Corazon Aquino. Pero ang kanyang pagpanaw ay dinamdam ng halos lahat ng Pilipino. HIndi rin ako isa sa mga taong nagtiyagang maghintay na masilayan ang convoy ng kanyang mga labi mula Manila Cathedral hanggang Manila Memorial Park. Pero ramdam ko kahit papaano ang bawat damdamin na nakabalot sa pangyayaring ito.

Hindi ako ganoong kalalim na tao kaya hindi rin ako makapagsabi ng mga tila matatatalinghagang anyo ng pananalita na para bang isang batikang manunulat para maiparating ang aking pasasalamat kay President Aquino. Pero ngayon ko nabatid na kung walang Cory, walang democracy.

Salamat po, President Cory.

—————————————————————-

PRESIDENT CORY

Hindi ko siya nanay, pero ina ko na siya bago pa man ako ipinanganak.

Hindi ko naman ate si Kris, pero sa isang banda, magkapatid kami–at tayong lahat.

Nakikita ko lang ang larawan niya sa mga aklat ang ang kanyang mukha sa telebisyon, at kahit sa personal hindi kami nagkaharap.

Pero kilala ko siya at kilala siya ng lahat.

~

Kahit kailan hindi niya ako nayakap.

Pero alam ko mahal niya ako.

At mahal niya rin kayo.

~

Lahat siguro ng tao ngayon,

Kung hindi na-salvage ay biktima ng pananakot at diktadurya.

Pero dahil sa ating simpleng ina

Lahat ay lumaya at lahat ay lumakas.

~

Saksi ang lahat sa oras ng kanyang kahinaa’t pagdurusa,

Pero hindi nawala sa puso niya ang bawat isa sa ating lahat.

Lalo ko ngayong nasabi na mas proud ako dahil ako’y Pinoy.

Kaya lang, hindi niya na ito maririnig kasi, wala na siya.

~

Hindi kami magkababayan, pero iisang bansa ang aming pinagmulan.

Hindi ko rin alam kung minsan na kaming nagkasalubong o kung nagkita na nga ba kami.

Pero isa lang ang sigurado.

Siya si Corazon. Cory for short.

—————————————————————-

PS: Sa kung paanong paraan na mabasa ito ni Madam Cory, sana po ay ma-appreciate niyo ang aking sinulat na hindi mo mawari kung tula o ano ba. Para po sa inyo ito, President Cory. nagpapasalamat ako nang tunay. Malamang po kasi, kung hindi kayo ginawa ng Diyos, baka lahat din ng Pinoy, walang kalayaan magsalita, maski sa blog lang. Salamat po sa pagmamahal at pagtatanggol sa bawat Pilipino. Pati na rin po sa inyong mahal na asawa na si Ninoy.

WE’RE SUCH A WINNER!

“Ako? Maligaya na akong nanonood sa mga taong nananalo sa gameshows. Okay na sa akin iyon. Pero mas malupit kung ako ang pinapanood at ako ang mananalo! I’M SUCH A WINNER!”

-Glaiza

(Malay ko kung may quote nang ganyan basta ako nagsabi niyan!)

-open curtains-

PROLOGUE:

“Alam mo, dalawang beses na kami bumabagsak sa audition. Nung una, dahil na-black out ako. Iyong pangalawa naman, malamya at mahiyain ang kasama namin. Sabi nung judge, kung dalawa lang kami, pasado na kami. Kaso ang kailangan tatlo. Hay… sabi ni Kuya.

“Talaga?  Naku kawawa ka naman. Sige, sasamahan ko na kayo para naman pumasa na kayo. Hehe! ang pagsagot ko na may halong pagbibiro at pagyayabang.

Hindi ko akalain tototohanin ni Kuya ang sinabi ko. Nagpalamig kami ng ilang linggo, nagpunta sa audition na false alarm kasi wala pala nang dalawang beses. Pero, nang magdaan ang isang Sabado kung saan may pa-audition na talaga, nag-audition na kami. Tangan ang kapal ng mukha, lakas ng loob, saktong pamasahe, at 2 rice mula sa almusal at isang bibbong-bibbong bading na kaibigan, ayun!

Nakuha na kami sa wakas!

SCENE 1:

Ang akala ko, ang pagsali sa mga gameshow o reality challenges ay gawain lamang ng mga hopeless na tao. Iyon bang mga walang magawang matino? Mga gustong mag-artista at magpa-epal sa TV. Pero mali ako. Kita niyo ako? Sinuwerte. Pero ang totoo, medyo hopeless nga rin ako. Hahahaha!

Hindi ko na ikukuwento kung ano’ng mga nangyari sa amin sa laro. Napanood niyo naman siguro. Sa sobrang excitement ko, halos 2 linggo akong hindi makatulog. Nai-announce ko nga nang saksakan ng aga sa Friendster at Facebook at con todo pa ako mag-post ng pictures. Ang laki ng bilbil ko doon pero saan ko naman sila ilalagay?

Pero ang talagang naisip ko ngayon ay ang mga dinaranas ng mga tao na sadyang abot langit ang determination para lang makasali sa mga palaro sa TV at manalo dahil sa paniniwalang ito ang magdadala sa kanila sa tagumpay at mag-aahon sa kanila mula sa lusak ng kahirapan. Tulad na lang ng walang kasingsukat na determination ng kuya ko. At iyon ay mahabang kuwento.

SCENE 2- SCENE 2:

Ang unang game show na nasalihan ko ay noong college pa ako. Ang game show na iyon ay pantanghaling palabas rin mula sa isa sa mga malaking network sa Pilipinas. Kaya ako nakasali doon ay dahil nabunot ang aking entry at napasama ako sa isandaang participants ng laro.

Ala una y media ng hapon pinapapasok ang mga contestant sa set pero dapat ay alas otso y media pa lang ng umaga ay naroon na. Dahil madaming coaching na nangyayari. Lahat naman scripted. Ituturo sa inyo ng coordinator (o kung ano pa mang tawag sa kanya) ang tamang pagpalakpak, tamang pagngiti, tamang pagchi-cheer at tamang pagpasok mula sa backstage. Pinag-make-up niya rin kami para naman daw hindi kami mukhang dugyot sa harap ng camera. Pinagsukat din niya kami ng t-shirts na uniform namin para sa laro. XL pa lang ang size ko noon.

ANG ONE MILLION PESO QUESTION:

ANONG PABORITONG SUOTIN SA PAA NI LOLIT SOLIS?

Hindi ko alam kung ano’ng sagot. Malay ko ba, ano? Ang isip ko noon ay occupied ng test ko kinabukasan sa Physics. College pa kasi ako noon eh. Hindi ko na napindot ang buzzer. Nang mauna sa buzzer at makasagot ang isang ale ay nag-iiiyak na ito dahil ang sagot niya ay tsinelas. Tama siya!

Ang totoo niyan ay hanggang finals lang ako. Hindi na ako nakalusot sa jackpot na 1 million pesos. Mula sa isandaan, bababa ito sa sampu hanggang sa isa na lang ang matira at papalaring manalo sa roleta ng kapalaran.

Ang siste, ipi-feature daw ang buhay ng mananalong contestant at pupunta sa bahay nito ang staff ng programa para naman ma-cover kung gaano siya kahirap bago sumali ng laro.

Kung nagkataon, ayoko.

SCENE THREE:

Ayoko na sumali sa mga pa-audition dahil wala naman akong appeal. Hindi ko na pinatos ang Big Brother o Star Struck noon kahit gusto ko. Ang laki ng bilbil ko ay hadlang kaya hindi na lang. Marunong ako sumayaw, kumanta, umarte… pero feeling ko hindi talaga ako mapipili.

Pero isang araw, may na-receive akong text:  

“Inaanyayahan ka ni Banker na pumunta sa audience entrance. Dalhin ang mga sumusunod… Huwag burahin ang text message na ito. Look for our director for confirmation. Please come before 8AM- Monday. Call 1234567 if you have questions. Punta u, ha? J”

Nagmadali ako nang dumating ang Sabado. Pumunta ako as directed. Ang daming tao. Akala ko ako lang! hahaha!

Inabutan ako ng guard ng isang application form na may mga essay question. Ito ang ilan sa mga natatandaan kong tanong at ang sagot ko:  

1. Kung mananalo ka ng 2M piso, ano ang gagawin mo?

-          Kung ako po ay mananalo, una po ay kukunin ko muna ang premyo ko. Tapos, hahanapin ko po si Vicky Belo dahil magpapa-lipo po ako.

2. Ano sa tingin mo ang parte ng buhay mo kung saan ginawa mo ang lahat para lang magtagumpay?

-          Nag-gym na ako, after 6, Xenical, no rice diet, skyflakes and milk meal, Kankura at Kankunis, oatmeal everyday,  wala pa ring nangyari.

3. Willing ka bang isugal ang pera mo kung lalaki naman ito ng doble?

-          Hindi po ako mukhang pera. Basta may pera, masaya na ako. At hindi po ako mahilig sa sugal.

4. Kaya mo bang ibili ang 1M pesos sa pamamagitan lang ng pagsa-shopping? Anong mga bagay na bibilhin mo?

-          Feeling ko po kakayanin basta huwag niyo akong mamadaliin. Bibili ako ng celfones, computer, bagong refridgerator, bahay at lupa… kulang pa pala ang isang milyon. Pwede dagdag?

5. Bakit ka karapat-dapat manalo ng 2M pesos?

-          Lahat ng tao karapat-dapat. Pero ang masasabi ko lang, hindi ako masamang tao. Gagamitin ko sa kabutihan ang pera kung ako ang magkakamit niyan. Saka magbibigay ako sa dapat bigyan at magtatabi rin para sa sarili ko.

Ipinasa ko na sa guard ang questionnaire pagkatapos ko itong sagutan. Tatawagin na lang daw ang pwedeng pumasok sa loob para sa ikalawang exam. Dalawang oras ang nagdaan at na-check-an na lahat ng papel. Mahigit 200 yata kami.

Hindi ako natawag. Bakit kaya?

Uwi na lang ako.

STORY NUMBER 3:

Evaluator: Bakit kita dapat piliin para maglaro sa game show namin?

Ako: Dahil hindi ako nagpunta rito para i-reject mo.

Evaluator: Ano ang gagawin mo sa sampung milyong piso kung ikaw ang mananalo?

Ako: Kukunin ko muna. Tapos, ba-budget-in namin. Sa totoo lang po, ang hirap po isipin all at once kung ano gagawin natin. Kayo kaya biglang manalo ng ten million pesos kung di kayo mawindang?! Di ba, po?

Evaluator: Satingin mo, pwede ka naming isali sa Guiness Book of World Records?

Ako: Bakit po?Kayo po ba yung naglalagay ng mga featured people doon?

Evaluator: Ano ang kakaiba sa buhay mo na pwede mong ikwento?

Ako: Magandang tanong po iyan sir. Ang maging ako ay kakaiba na. Hindi mo kayang maging ako. Hindi rin nila kayang maging ako. Ako lang ang makakagawa noon.  At ang maging ako ay kakaiba. Hehe!

Evaluator: Okay, thank you. Tatawagan ka na lang namin.

Ako: Okay. Thank you rin.

Isang buwan ang lumipas. Walang tumawag.

ANG MGA GRUPO

Pero ang hindi nalalaman ng tao ay ano na ang mga nangyayari sa mga contestants bago sila makasali. Ako? Wala naman nangyari sa akin. Okay lang ako.

Pero sa totoo lang, sa ilang audition na na-experience ko, masasabi kong may ilang grupo ng tao na akong nakilala.

Contestant number 1-10: THE EMOTIONAL GROUP

“Galing pa akong Cavite (o kung saan mang malayong planeta). Nangutang lang ako sa kumare ko ng pamasahe papunta dito. Iniwan ko ang mga labada ko nang malaman ko na napili akong maglaro. Pinabantayan ko muna ang mga anak ko sa kapitbahay namin. Hindi pa nga ako nag-aalmusal eh. Pero sana manalo ako. Kapag nanalo ako, magpapatayo ako ng bahay, makakauwi na ako sa mga kamag-anak ko sa Basilan, magpapakain ako sa mga kaibigan ko… ”

Pero umuwi silang talunan. Umiyak na lang sila dahil hindi nila alam kung paanong kukumpletuhin ang nabawasang saktong pamasahe. Minsan nga, hindi mo pa tinatanong, umiiyak na. Sa’n pa lulugar ang mga makabagong emo?

Contestant number 11-20: THE CIRCLE OF FRIENDS

“Uy! Pare! Long time no see!”

“Uy, tol, kumusta ka na? Hindi ko akalaing magkikita na naman tayo!”

“Oo nga eh. Parang kahapon lang nandoon tayo sa kabila ngayon andito naman tayo!”

Sila-sila rin pala kasi ang laging nagkikita sa mga pa-contest na ganito. Audition dito, audition doon, natatagpuan nila ang isa’t-isa at nagiging magkakaibigan na sila pagkatapos. Pero talo pa rin sila. Umuwi na lang sila at sumugod naman sa ibang lugar at doon maghahanap ng swerte.

Contestant number 21-30: THE PAPARAZZI

“Gusto ko lang naman makita sa personal si Heart Evangelista, Shaina Magdayao, Gary V, Geoff Eigenmann,  Arnel Ignacio, Pia Guanio, Aiza Marquez, Willie Revillame, John Estrada at kung sino-sino pang artista! At saka idol ko rin pala si Kris at si Korina.”

Mga echuserang mahilig sa artista. Talo rin sila pag-uwi. Pero may picture naman at kaway mula sa paborito nilang artista. At may bago na namang uploaded pictures sa Friendster at Facebook.

Contestant number 31-40: THE SILENT KILLER

“^_^”

Tahimik. Walang imik. Andun lang sa isang tabi. Kinukuwentuhan ng iba pero tango lang ng tango. Hindi nagsasalita. Naniniwala sila na kapag tahimik sila, mas malinaw ang isip nila para masagot ang mga tanong sa gameshow. Ayaw nila ng hyper masyado dahil baka sila matalo.

Pero in fairness, kadalasan, ang karamihan ng mga winners ay nanggagaling sa grupong ito.

Pero, minsan dahil wala silang energy tingnan, tinatanggal na rin sila.

Contestant number 41-50: THE CENTER OF DISTRACTION

“Talo na iyan. Kita mo o! Paano iyan mapipili? Walang dating. Uwi na lang kayo.”

Sila ang mga detractors. Kadalasan nilang banggain ang mga grupong nabanggit sa Contestant no: 31-40. Pero puro lang sila yabang. Mga boblaks naman talaga sila. Iniisip nila sa pande-destruct/distract nila ay mababawasan ang mga kalaban nila.

Mas madalas sa kanila galing ang mga certified “yaya“… such a loser!

Contestant number 51-60: ANG MGA TAONG LABAS

Hindi naman talaga sila sasali. Ang totoo, gusto lang nila makakain. Minsan kasi, may mga pakain ang sponsors ng mga gameshow audition. Ang mga 51-60 iyong mga makikita mong nanlilimahid pero anlakas ng loob sumali sa audition. Makikikain lang naman pala. Gusto rin nila ng freebies para may souvenir.

Contestant number 61-65: KATUWAAN LANG

Nago-audtion just for fun! Konti nila no?

Constestant number 66-70: MGA PINILIT… DAW?

“Bakit ka nandito?”

“Pinilit lang ako eh. Sinamahan ko lang sila.”

Mukha niyo! Mga ulol! Akala niyo hindi ko alam? Tagal niyo na nago-audition di nga lang kayo natatanggap. &^&^$%^$^% pala kayo eh!

Contestant number 71-80: LES DESPERADOS

“Si Kyeme nga ang pangit, sumikat. Ako pa kaya?”

“Si Cherlala nga, hindi nakapag-aral, napili. Ako rin! Sure iyon.”

“Wala naman akong kalaban dito kundi ang sarili ko.” [Talaga? Paano mo pa matatawag na competition ito? Uwi ka na nga!]

“Ang buhay ko po ay parang si Cheorvamus. Mula sa kahirapan papunta sa tagumpay. At dahil ako ay mula sa hirap… please lang! Piliin niyo ako.”

“Ah… pwede isa pa po? Isa na lang. Bakit si Ganyan, binigyan niyo ng chance. Dapat ako rin.”

“Miyembro po ako ng teatro kaya magaling ako sa kahit ano.”

Oo na…

Neeeeeeeexxxxxxxxxttttttttt!

Contestant number 81-90: THE GREAT PRETENDERS

“Pare ang galing mo naman!” -pero ang totoo pero pinagtataawanan naman talaga niya iyon dahil nadapa si Pare habang nagsasayaw at nage-exhibition.

“ah.. iyon ba? Alam ko iyon!”-pero ang totoo, hindi naman niya alam.

“Dapat ganito.. dapat ganyan…”- tip daw pero ang totoo nagmamarunong lang sila.

“Ah… alam mo kase…”-sabay hawak sa beywang ni Manong Manyak na Contestant Din kay Miss Aspiring Teen Idol para maka-chansing lang!

“Ayos tol!”-may masabi lang.

Contestant number 91-100: ASK THE EXPERTS

“Sige pare, diretso ka lang diyan. Tapos, kanan ka doon. Punta ka na lang sa guard. Hingi ka ng number. Tapos sagutan mo iyong form. Tapos balik ka sa guard. Ipasa mo iyong form at hintayin mo na matawag ka. Mag-ayos ka kasi ibi-VTR yata tayo. Isa-isa tayo tapos tatanungin. Iyong iba nga umiiyak. Pwede ka rin kumanta at sumayaw kung marunong ka. Magkukuwento ka ng buhay mo. Dapat mukha kang masaya at lively! Kung magaling kang umarte mas maganda. Tapos, sabihin mo, mahirap lang kayo. Ang puti mo naman masyado! Baka hindi paniwalaang mahirap ka lang. Paaraw ka onti diyan sa baba para magkakulay ka. Tapos, sabihin mo, guwapo/maganda iyong magi-interview sa iyo saka avid viewer ka nung gameshow! Para plus points! Tapos sabihin mo, willing to travel ka. Sige, pare! Good luck sa iyo! Kapag sinabi sa iyong tatawagan ka na lang, 50-50 iyon. Basta! Audition lang! Kahit magmukhang gago ka, okay lang iyan, hindi naman nila ibo-broadcast iyan. Mawawalan ka nga lang ng pride pero at least di ka magnanakaw! Sige tol! Saka nga pala, gawa ka ng bagay na matatandaan nila sa iyo. Gusto nila iyon. ”

Sila ang mga experts at professionals pagdating sa audition! Sila ang bumubuo ng halos kalahati ng populasyon ng mga game show avid audition-ers na makikita mo sa contest crowd!

Manalo, matalo… cute pa rin sila!

Manalo, matalo, go pa rin!

Never say die. Tomorrow is another day.

Think positive, huwag kang aayaw.

Ang umaayaw ay di nagwawagi. Ang nagwawagi ay hindi umaayaw.

Daig ng maagap ang masipag. Pero kaya nilang daigin ang lahat basta may audition.

At higit sa lahat: Di bale na’ng magdildil ng asin basta may sariling bahay! Hahaha!

OUTRO:

Hindi ko alam kung saan ako diyan. Pero more of 31-40. Ayus ba iyon?

Me ganon? Hahahaha!

Bow! Mwah! Mwah! Mwah!

-close curtains-

Next Page »